25 July 2007

Of Isaw And Banana Shakes.

mejo chillax lang sa room ngayon. discussions lang (which hindi ako nakikinig because i was too busy reading 'shopaholic and baby' ng patago sa prof. haha!) and hindi pa umattend yung prof namin ng last subject kaya ayus talaga!

our group decided to go to UP diliman to find a chemist para sa feasib namin. (mejo technical kasi product namin kaya kailangan talaga ng 'credible' na person!) so ayun. sumugod kami dun ng walang sandata! as in wala! sarili lang namin at pamasahe dala namin. pagdating dun hinanap namin agad yung sa department nung sa research, but we're not lucky enough since hindi daw sila naghahandle ng insecticides/insect repellents. tapos nun punta kami sa institute of chemistry (which is yung katapat na building lang) and luckily may nakausap kami na chemist. but unfortunately sabi nya hindi nya daw kami matutlungan sa feasib namin kasi kulang daw kami sa materials (e.g. mga readings / findings about possible alternative ingredients for the insect repellent) pati lagi kaming tinatanong sa UP kung bat daw hindi kami sa UST maghagilap ng mga taong tutulong samin. (may kwento kasi jan kung bakit!) tapos ayun, advice nalang samin nung nakausap namin na magresearch kami sa library ng college of science. so ayun, mula sa institute ng chem lakad kami ng pagkahaba-haba papunta sa CS lib. at pagdating dun nagmaldita lang ang librarian dahil 4;15 na daw, wala na daw kami mapapala dahil 5pm closing time nila, plus wala daw kami letter galing sa school. KAZAAR!

akala nyo ba madali ang naging experience namin? hindi noh! una, nakakaintimidate dahil UP yun, at nandun kami palakad-lakad na naka-uniform pa. (with high heels pa. kamusta naman sa paglalakad diba? semi-trekking eh!)tapos tanong kami ng tanong for directions. third, gutom na gutom kami dahil di pa kami nag-lunch before going there, and ang pinaka-grabe, putik-putik mga paa at skirt namin dahil umaambon ng malalaking patak! KAZAR!

after ng nakakadissapoint na experience, kumain na kami. isaw syempre! dun ko sila dinala sa lagi namin pinupuntahan ni _____. (itago nalang naten sya sa pangalang DALO!) tapos, kabigla-biglang umorder si mar-b ng 40 na isaw! tae! eh yung dalawa namin kasama hindi kumakain ng isaw masyado. napasubo tuloy! after nun orange-orange pa yung mga labi namin, lumakad na kami papunta sa labasan. dun kami napadaan sa bilihan ng shakes (na lagi din namin pinupuntahan ni _____!) tas ayun, dun naman kami 'nag-inuman'. nakakatuwa kasi kahit pagod na pagod kami, isaw at shake lang pwede na! pawi na ang pagod.

after nun, umuwi na kami. lakad lakad kami dun sa oval. may nakalagay na nga na sign na "walk at the pathway" dun pa kami sa damuhan naglakad! dami insekto! (at wala kaming dalang OFF! haha.) sayang walang pictures. haggard kasi eh and serious business talaga pinunta namin dun kaya ganun!

so ayun end of story. nakaka-aliw lang kasi nakapunta uli ako UP pati isaw pati banana shake! pati namiss ko sya bigla! wala lang! dami namin kasi bonding moments dun eh! pati dun talaga namin na-resolve lahat ng issues between us! haaaay! sana next time bumalik ako ng UP ikaw na uli kasama ko. :D

oh sya sige. dahil dissapointed ako this day, i'll cut this short na at magreresearch pa ko. babayuu! :D

No comments:

Post a Comment