27 October 2005

......

"let me know if i'm doing this right, let me know if my grip's too tight, let me know if i can stay all of my life.. let me know if dreams can come true, let me know if this one's yours too, cause i see it and i feel it right here.."

whatta day! nakakapagod. kahit 4 hours lang ako sa work napagod parin ako. ambigat kasi ng utak ko ngayon eh. dami masyadong iniisip. (diba nga dapat wala, kasi sembreak eh, dapat stress-free pag sembreak eh!) ewan ko ba! bakit nga ba ganito ako lately. hmmm. siguro "kailangan ko muna hanapin sarili ko.." (sabay tayo chasha! c;) bakit nga ba ako nag-iinarte ng ganito? eto basahin mo:

1.) masayang isipin na sa dami ng hirap, puyat, pagod, away, gulo at sakit sa ulo sa mcdo ay AT LAST 6 months na ko. (tumagal ako! yehey!) masaya kasi REGULAR (ata!) na kami, more benefits, and syempre dagdag rate. pero habang tumatagal ka dun, nakikilala mo isa-isa ang mga tao sa paligid mo, at nalalaman mo ang tunay nilang mga ugali. hay naku! kung ikaw siguro ang nasa posisyon ko at matyagang nagmamanman sa kanila, tiyak matatawa ka! (malupet pa sa big brother ito! kumbaga dito pati si big brother tinatalo! hahaha.) pero kahit na matagal na ko dito, parang hindi ko parin gusto ung ginagawa ko. i mean, parang kaya ko lang ginagawa to dahil kailagan ko ng money. wala lang, parang hindi ganun kasarap yung feeling. or baka nag-iinarte lang ako na hindi masaya. ewan! hati kasi eh, masaya na hindi, mahirap na hindi, nakaktamad na hindi. ewan! magulo ako!

2.) clearnce namin nung monday. awa ni LORD i passed all my subjects! (yup! including computer!) nakakatuwa, after i've received my clearnce hindi na nabura sa mukha ko yung "smile". ansarap ng feeling eh. cool! pero hindi rin ako ganun ka happy ng buong loob. why? eh kasi parang naawa lang yung prof kaya ako pumasa, pero hindi rin! andun naman yung effort eh. (and as if his subject is that interesting! hehe! BITTER!) at chaka i feel sad sa mga other blockmates ko kasi may mga bumagsak, at hindi sa ACCOUNTING kundi sa LITERATURE! yup! sa lit! yung "sisiw" na subject na yun may bumagsak. namersonal ata yung teacher. kasi may mas hindi deserving na pumasa eh. ewan! ayoko mag-isip ng masama, baka nagpapakatao lang ako kaya ako ganito mag-isip. haaaay! sana lang sa second sem kayanin ko pa para naman masabi ko sa sarili ko a "pumasa ako sa sarili kong pagod, utak, at sa sarili kong diskarteng mangopya! hahaha. just kidding!)

3.) syempre, ano pa ba ang numero unong bumabagabag sakin? LOVE LIFE! ewan ko ba. this past few weeks, parang naiinis na ko sa sarili ko. ganun na ba ko ka-panget para walang nagtatangkang manligaw sakin? kainis lang! (ganda kong toh? aba! dumadami ata nabubulag ngayon?) eh kasi parang everytime i'm alone, yun lagi sumasagi sa isip ko. nagkaka-flash back ako. yung memories namin ni "ex"! naiinis ako, kasi sa lahat ng ex ko bakit sya pa ung lagi kong naaalala? eh sya ung nakasakit sakin ng sobra eh. naiiyak lang ako. does this mean i haven't moved on yet? how pathetic! 1 taon at 5 buwan na nakakaraan ah? (nabilang eh noh?) waaaah. of all talaga, sana naman hindi ikaw ang naalala ko! back to my story, yun na nga. nag-se-self pity ako, kasi parang nakakalungkot lang na walang "chuvaness" sa buhay mo. i mean, kung kelan legal na ko and all chaka ako walang "chuvaness"? sana talaga hindi nalang ako nagmadali nung high school ako. baka sakaling ngayon may "chuvaness" ako. waaaah. (umiiyak ako ngayon for real!) hindi ko pa kayang tanggapin na baka nga destined ako to be SINGLE. FOREVER! maybe kaya lang ako nagkakaron ng "chuvaness" ay para ma-feel yung other kind of love. (not the ones you have towards your family and friends.) or para turuan lang din akong masaktan. (pwede bang matutunan yun?) or baka, wala lang. para lang ma-experience ko magkaroon ng "chuvaness" but not end up with him. nakakainis. parang lagi nalang sa panaginip may happy ending buhay pag-ibig ko ah. kung sa panaginip nga lang, sana hindi nalang ako nagigising. (baduy sobra! pero isipin mo, minsan ito nalang gusto mo mangyari diba? uy.. umamin ka na!)

ngayon sabihin mo sakin, mababaw ba ang mga pinoproblema ko? kung para sayo mababaw aba! hanga nako sayo! kasi ako nahihirapan. mahirap kalabanin ang mga bagay0bagay na tumatakbo sa isip mo, lalo na kung hindi mo alam kung pano mo malalabas toh. tulad ng frustration ko sa results ng 1st sem ko. ano gagawin ko? eh anjan na yan diba? ewan! anlabo ko! bad trip! wala eh, blog nalang kaya kong gawin para masabi lahat toh eh, di kaya sa diary ko kai mananakit kamay ko.

so pano? till here nalang. sana next post ko matino na ko at masabi ko na ang salitang "boyfriend"! babush! c;

No comments:

Post a Comment