12 October 2005

Minsan Talaga..

haller world! as in sooooper tagal ko nang walang latest recent new post ah? anyways, masyado talagang busy! as in! kala mo nga artista eh. anyways uli, dami kasing ginagawa sa school lately. at ngayong week ay ang "judgement week". yes! finals na namin. soooooper kinakabahan ang lahat lalo na ako. why? kasi baka failed ako sa computer. naks naman! computer nalang babagsak ka pa diba? eh nakaka-urat yung prof namin dun eh! kundi galit kay bill gates at sa microsoft, wonders ng buko at virgin oil ang tinatalakay. ang masama nun kapag exam, puro tungkol sa lintek na "why i hate microsoft" yung topic! kaloka talaga!

anways for the third time, as for my other subjects, economics pa ang isa sa kinakakaba ko. why? ewan! ang hirap hirap intindihin eh. puro graphs, money, demand, ang kung anu-ano pang chuvanels! di kasi ako masyado attentive pag class namin sa eco kasi nakikipagdaldalan lang ako eh. (ayan kasi! buti nga sayo!) pero wag ka, ang accounting ko ngayon, SISIW! yes! nararamdaman ko na, destiny ko ang pagiging isang CPA. bwahahaha! sana magpatuloy. (GOD STRENGTH!) ano pa ba? all my other subjects ayos naman.

ano pa bang maikukwento ko? ah si STEVEN JAMES CONTADO! palagi ko nang nakikita si stevn sa school, at lagi nyang suot yung t-shirt na binili nya nung nag-walter mart kami nung summer. (hehehe!) natatandaan ko pa noh? and finally na-meet ko na si "LAIZA", yung girl na "he can't live without". hay teban! pagpatuloy mo na yan ah? hehehe. (chaka na yung 4 hours DOTA mo!)

i can't wait till sembreak, why? dami dahilan eh! unang-una gusto ko nang bumalik sa mcdo. why again? kasi WALA NA KONG SAVINGS! (patay na talaga kay ina!) kailangan maging "work-a-holic" na uli ako para laks pagod lakas kita na! hehehehe. dami ko na nga raw namimiss na happenings dun eh. kasali na yung mga chakang umawy sakin dati! hahaha. secondly, gusto ko nang mahabang pahinga. at least pag sembreak trabaho sa bahay at sa mcdo lang aatupagin ko. walang practice ng play, review for exam, at maagang p.e. class! pero on second thought parang nakakalungkot din magsembreak. why for the nth time? kasi soooooper bonded nga yung block namin ngayong sem. daming bonding moments eh. gimmick sa padi's, sleep overs, truth or dare sessions, billiards sa dapitan at pag-food trip kung saan-saan. haaaay! =,(

at syempre lilipas ba ang post kong 'to nang walang tungkol sa "love life" ko? ang tanong meron ba? ang sagot.....syempre wala! hay ewan ko ba. di ko yata season ngayon eh. kasi always nalang pag may gusto ako, it's either may gusto na iba (friend ko pa!) or may girlfriend naman. hay naku talaga! paminsan nakakapagod din pala ma-infatuate! ngayon ko lang na-realize! (TANGA TALAGA!) okei lang naman talaga maging single eh, madami naman akong friend na i always go out with eh, ang kaso MINSAN lang talaga may mga times na mag-isa ka lang naglalakad at biglang papalibutan ka ng sandamakmak na mag-on! kahit gays or lesbians meron jan! MINSAN lang talaga nakakainggit, yung tipong may magdadala ng bag mo, may maghahatid sayo, may bubuntot-buntot sayo. those things, mababaw man pero aminin....yan ang nagpapakilig sa inyo! MINSAN lang talaga how wish na makita ko na sya! kaso on the other hand i'm too busy with so many things, minsan di ko rn malaman ano gusto ko eh. napaka-unpredictable talaga pag babae ka, lalo na kung "POCHAY" ang palayaw mo! arrrrgh! naiinis na ko. =s

ay naku! mabuti nang putulin ko na 'tong post ko, baka san pa tumungo 'tong mga hinanaing ko eh. iba talaga pag umaatake ang mga "depressing hormones" ko! sige till here.. byerz peepz!

No comments:

Post a Comment