06 November 2005

When The Lord Calls..

hello philippines and hello world! haha. (nice one intro!) hay naku! mejo na-hu-hook na ata ako sa "pinoy big brother" ah? well, feeling ko yan lang yata ung bonding time naming mag-iina sa isang araw eh. (salamat sayo kuya!)

hay naku! nung friday ko lang yata ne-feel ung sem break eh. kasi sumama ako sa choir retreat ng EMC sa bahay nila ate jojie sa bailen. well, syempre masaya! astig! retreat/bakasyon ang nangyari. kahit 2 days lang yun, sobrang nakaka-relax naman. at sa 2 days na yun marami rin akong napag-isip-isip:

a.) na ang pagkanta sa choir ay wala sa boses kundi nasa purpose.
b.) na kahit iba-iba ang tao, they can still be one in GOD.
c.) na magiging committed na ko sa pagkanta sa choir. (sana!)
d.) na kahit sa bailen, may TUKO parin.
e.) na ang tunog pala ng uwang (yung salagubang na malaki na may sungay sa harapan) ay "kkksssh. kkksssh."
f.) na masarap talaga kasabay si chasha maligo. (kahit muntik na kami maubusan ng tubig.)
g.) na kaya kong yakapin si kuya noel gamit isang braso lang.
h.) na kahit na minsan may "maldita" factor ako ay naiintindihan mo pala ako. c; (salamat sayo.)

basta. i can't explain the feeling. masaya yung retreat. bonding with the members. pinaka-naappreciate ko si FRANK kasi makulit na sya, tapos sya pa yung treasurer namin. at syempre si CHRISHAN my favorite na asarin. kung dati si chasha, ngayon si chrishan na trip ko pagtripan. haha.

anyways, 3 weeks ago lang mula nung nalaman kong pasado ako ng 1st sem ko sa UST. 3 weeks ago lang mula nung nag-debate kami about "contraception" na nauwi sa "withdrawal method" ang buong debate. 3 weeks ago lang mula nung i-present namin yung class play namin na ako yung native girl. at 3 weeks ago lang mula nung nagsusunog ako ng kilay kakaaral sa accounting, economics, at management. tapos bigla ko nalang naisip. "pasukan na pala bukas?.." parang nakaka-excite na hindi. ewan! nakaka-excite yung mga new adventures for the sem (abangan nyo nalang!) at syempre yung mga profs ko. ewan ko ba. pero syempre dapat nang i-set yung utak pati i-on ang willing heart para maka-survive sa darating na sem.

tapos na ang sem break. nahanap ko na ba ang sarili ko? sa tatlong linggo na yun may na-achieve ba ko? siguro meron, sa work lang. batak sa mcdo eh. pero besides that meron pa ba? i did get to sleep WELL nung sem break. (emphasis sa "well" kasi lagpas 8 hours tulog ko lagi eh.) ano pa ba? yung pagbalik ko uli sa church. sana tuloy-tuloy na talaga. yang love life chuva na yan! kung dati depressed ako, ngayon mejo gumaan na loob ko. ewan. basta masaya! and most of all sayo. buti nalang naayos naten yung prob bago pa lumala. sorry sa pagtataray, di na po mauulit! hehe. c;

oh sya pano? dito nalang muna ha? antok na ko eh. chaka pasukan na tom. kailangan ko mag-plantsa ng buhok. haha. sa susunod nalang. bahbher!

No comments:

Post a Comment