29 February 2012

Of Love, Friendships, Closures, And Everything In Between.

Huling hirit sa February.. Game?

LOVE.

All the while I thought that as you grow old, you also get to be wiser when it comes to love. But it seems that I'm the otherwise. Tama ba? Hindi ba masyado na yata akong matanda para sa mga paulit-ulit na hinanaing tungkol sa pag-ibig? In fairness, I think I'm having enough. (Present tense, still ongoing.)

Yesterday, I saw a friend's tweet -- "Dear maturity, choosy ka?" I forgot the next line, but it goes something like pili lang yata yung binibigyan ni maturity ng 'maturity'. Get it? Natawa ako at first, pero naisip ko, ako mismo sa sarili kulang nito minsan. Haha! Minsan lang sumpungin ng maturity. Olats.

LOVE + LIES = AWAY NA 'TO!!

I just don't get it. Why do you have to lie if you're not hiding something from someone? Or better yet, why lie if you don't have to? I'm not being self-righteous, I've had my fair share of lying to someone about something, but what I don't get is why lie about something that's already out in the open?

Sample ba? Ganito.

Sample #1 : Kunyari si Person A nakita ni Person B may ka-HHWWPSSP sa isang mall, eh parang kagabi lang magka-text pa sila at binalak mag-Vday date at kung maka-arriba si Person A single na single ang datingan, so ayun na nga. Nakita ni Person B si Person A, na BOOM BOOM BOOM niya, and when asked about it, todo deny pa si Person A. "FRIEND" lang daw yung ka-HHWWPSSP niya. Ibang klase! Caught 'red handed' na, nagdedeny pa. Wala namang kaso kay Person B, kaya nga nakakapagtaka bakit kailangan pa i-deny ni Person A. Kalerks!

Sample #2 : "It's Complicated" ang peg ni girl at boy. Nagkataon na inatake ng 'curiosity' si boy at sa kagagawan niyang yun may nakita siyang mga bagay na sana di nalang niya nakita. Matagal na nangyari yung mga nakita niya, pero ang ipinagtaka lang niya ay nung mga panahong 'yon, iba ang kwento ni girl. Salisi yata. Ok lang sana kay boy eh, kaya lang di maiiwasan na masabaw siya. "Hindi siya nagsinunggaling, hindi niya lang nasabi yung totoo." -- Paulit-ulit sa utak ni boy yan. At si girl, kebs ang. Deadma. Patay malisya. Ang tanong, may dapat bang gawin ang kung sino man para maayos nila yun? At anong ugat nitong 'problema' na 'to? LIE! Tsk.

I have lied and I have been lied to. Kaya nga I know the feeling on both ends eh. I'm still wondering, if you really love a person, why do you have to lie to him/her? Para di siya masaktan? Eh diba pareho lang naman kung sakali?Inevitable ba talaga ang pagsisinungaling? Siguro nga. Mabuti nalang marami paring mga tao ang mapagpasensya, mahinahon, at malawak ang pag-unawa. Sa inyong lahat, saludo ako! Ü


"Don't tell me you're sorry, 'cause you're not. And baby when I know you're only sorry you got caught. But you put on quite a show, really had me going. But now it's time to go, curtain's finally closing. That was quite a show, very entertaining. But it's over no, go on and take a bow."



FRIENDSHIPS.

Lately, I've been re-assessing the friendships I've made the past years. I'm not the type of person kasi na kung makipag-kaibigan akala mo Facebook. (Maisingit lang ang kabitteran sa FB. Haha!) Tipong friend of a friend, iffriend mo na? Sometimes, it works, pero for me, more of an 'acquaintance' pa lang yun. I'm more into the 'depth of friendship' kasi. (Kaya nga nabuo ang kataga na 'Test of friendship' eh.) Hahaha!

For me, friendships are a lot like relationships (Minus the intimacy of course.) -- they need to make an effort for it to be stronger and stand the test of time. Bwahaha! KAARTEHAN! Simple lang, kung paano kayo sa mga jowa niya, ganun dapat kayo sa mga kaibigan niyo. Nakakainis na nga maiwan sa ere ng bf/gf/fling/chorvah/girlaloo/boylaloo mo, ano pa yung 'kaibigan' mo talaga diba? I really REALLY value the friendships that I have with a ton of people. (I have lots of 'best friends' and 'better friends'. Haha! Meron din 'best friends turned lovers turned strangers'. Hahaha! That's another story!)

I just don't like it when a 'friend' of yours suddenly shuts you off (?) just because he/she/it (Haha!) is doing well. Naaaaamaaaaan! Fair-weathered friends ba yung term dun? Basta. But that's just me and that's my prerogative. (It's Britney bitch!) Marami na nga akong na-encounter na 'jerk', hanggang sa pakikipag-kaibigan ba naman meron parin? OA! "Natural na nature lang ng mga kaibigan ang di magparamdam. Malay mo may pinagdadaanan na sila na di mo alam, o ayaw ka nalang nila guluhin dahil baka may pinagdadaanan ka din." Something like that. Nasermonan pa ko ng mabuti kong kaibigan dahil sa isang 'childish act' na nagawa ko recently. Yeah, I was quick to assume that a certain person and I were no longer friends.. just because. (Haha! No explanation. Or di ko lang ma-explain ng maayos. Kung baga.. nag-AWOL. Ganun! Eh pikon na pikon ako sa ganun eh, seryoso!) But at the end of the day, things were clarified.. If I'm to put it in words, it would be this simple.. "Steady lang."

Naku! Kaya kayo, kilalanin mabuti ang mga kinakaibigan. Mahirap na. Haha! Di purket masaya kasama yun na yun. :p Mas maganda yung kahit hindi masaya ay kasama mo parin. BOOM BOOM BOOM! Ü


"Do you cling to your pride and sing 'I will survive'? Do you lash out and say 'How dare you leave this way'? Do you hold on in vain as they just slip away.."



CLOSURES.

Is it really important? Does it matter? Or is it just an excuse to get another shot at something/someone? While closure eliminates ambiguity, it also stirs up confusion. Ha? labo ba? It's like (Conyo ampf!) not leaving someone "hanging" or to tie up loose ends; but when closure is attained, it doesn't end there. A lot of "What if's" and "Should have been's" will be drawn, thus leaving you more confused than ever. (Hindi na makuntento. Isip ng isip, parang babae! Haha!)

But on the contrary, closure sets limitation. Kung may closure na, malamang nalinaw na ang mga dapat linawin, at napagkasunduan na ang dapat na "lagay" ng kung sino man. TRANSPARENT. No more gray area.

Walang kwenta. Haha! Naisip ko lang kasi bigla. And kung bakit ba ko nakakaramdam ng "need for closure" eh feeling ko wala namang dapat i-close. Gets? Labo! Erase. Erase. Erase.

Basta, pag humirit ako ng "Kailangan ko ng closure." pakisilip nalang yung zipper ko, baka nakabukas lang pala, umaarte pa ko. :p


"Well I guess I'm trying to be nonchalant about it. And I'm going to extremes to prove I'm fine without you. But in reality I'm slowly losing my mind; underneath a disguise of a smile, gradually I'm dying inside.."


EVERYTHING IN BETWEEN.

** Nape Tattoo
** Pet Shih Tzu
** Blackberry Torch 9800
** First sem almost over.. Getting ready for the whole acad year..
** And many more to come..

And in everything.. there is constant change.

My motto for 2012 : "This year is all about change."

And I strongly believe that this year will bring out a lot of changes in me, for me, and by me.

BRING IT!
\m/



** (Kalat-kalat na kaisipan, pinilit isulat lahat sa iisang entry. Ito ang resulta. Bow.)


28 February 2012

Nalipasan.

Dalawang araw na lang at tapos na ang pinaka-masaya at pinaka-paborito kong buwan (Asa!) ng taon.. GOODBYE FEBRUARY! ('Wag ka na muna babalik ah! Epal! Hahaha!)

Halos buong buwan ako hindi nakapagsulat dito. At hindi dahil sa wala akong masabi o kung ano man, hindi ko lang ano uunahin ko sa dami ng mga nangyari. Yung iba nga ako mismo nakalimutan ko yung mga detalye, pero yung pakiramdam.. damang-dama ko parin! Chot! Maarte! Gusto ko sanang isa-isahin pero bukod sa wala namang interesado, tinatamad ako. Babalikan ko na naman ang bawat araw ng Pebrero sa utak ko.. NO THANK YOU!

Sobrang busy sa school. At ako naman si magaling na kung kailan kailangang magsipag eh dun pa natuto mag-"procrastinate". (Pinanganak ba ulit ako kahapon at bigla ako naging isang dakilang procrastinator?) Patapos na ang Pebrero, papasok na ang Marso.. Hindi ibig sabihin nito mas dadali ang mga araw. GALAW-GALAW! Deadlines. Final requirements. Finals. Book report. Sheeeeeeeeez! (At ang tapang ko pang mag-9 units next sem para maging qualified sa scholarship program. GOODLUCK!) Pero sabi nga nila, hirap muna bago sarap. So bago ako mag-"Summer Vacation" mode ay magsusunog muna ako ng kilay at tutunga ng mga 5 bote ng kape para makapag-comply sa mga requirements. AJA! This better be worth it!

May pinagdadaanan ako, pero 'wag kayong mag-alala, dinadaanan ko lang, at di ko balak tambayan. Kaya pasensya na sa mga "random fit" ko (Kung sino man ang mga nasampolan na, paumanhin.) at mga unreasonable at irrational (Pero hindi naman totally irrational, di niyo lang ako gets minsan. Haha!) blahs ko. Basta. Matatapos din 'to. Ako na, ako na talaga ang S-T-R-E-S-S-E-D! Wala nga akong FB account pero hindi parin ako natututo at ako parin talaga ang gumagawa ng paraan para "kumuha ng bato at ipukol sa sarili kong ulo". Haaaaaay. -- WOAH! Teka, teka, teka.. Saan galing yun? Memasingit lang? Hahaha! Che!

Isang malaking pasasalamat pala sa limang taong 'to na kahit nakakalat sa iba-ibang lugar ay wala parin kupas sa pambabasag: Mafe, Chi, Tina, Cliff, and Mary. Hahaha! Sakit ng daliri ko kaka-type at panga ko kakatawa sa mga kalokohan niyong lahat! Love you all! BBM all day everyday! ♥♥♥

Dito na lang. Ktnxbye.

19 February 2012

Church At Prayer.

Our most gracious and loving heavenly Father, all glory and honor be unto you.

We come to you with humble hearts.

We thank you Lord, for your sustaining grace and everlasting love. We thank you Lord, for in the midst of so much suffering around us. You still always make your presence felt.

Bless our country Lord. Give our leaders wisdom to see what is right and the strength to pursue it. Help those who have been struck by calamities and those who suffer. We pray Lord, that you extend your healing hand and give them peace that they may become aware of your love and presence.

We pray for our church Lord. Be with our leaders and help them. Give them the discernment, that they may know your will and give them faith that they may follow it. Bless our pastors. Sustain them as they do the work you have entrusted to them. Empower them, that they may always remain faithful.

We pray for the youth. We pray that you will continually guide them. Help them Lord to channel their energy for your service. Give them sound minds as they study and give them the will to resist all the temptations around them. Be with them as they grow in faith and keep them steady in the path to righteousness. We pray that you continue to nurture their talents and skills so that it may be used all for your glory.

Forgive us Lord for all our shortcomings. Forgive us if at times we fail to remember our duties and responsibilities as stewards of your faith. We pray that you accept our sincere apology.

We thank you Lord for always hearing and answering our prayers. All of these we faithfully ask, in the most precious name of Jesus. Amen.

02 February 2012

On Leave.

Sobrang busy the past.. err.. months (?) na wala na talaga akong time to post something "worth reading". Lahat yata puro rants and blahs lang eh. Anyway, sorry for that. Things are just a little crazier this time. Pero dahil ginusto ko 'to, wala akong dahilan para magreklamo ng bongga. So, dito muna for now. 'Till then.


I LOVE GRAD SCHOOL! Not. ♥♥♥



** When I come back.. I'll come back with a bang. [Chot!]

18 January 2012

$%!@*&#^ This!

$%!@*&#^ This! I hate it! I quit! AYOKO NA! AYAW! AYAW! AYAW!

Hindi ako mapili sa trabaho, alam yan ng mga magulang ko at sa mga taong matagal nang nakakakilala sakin. Hindi rin ako tatamad-tamad tulad ng sinasabi sakin dito, alam din yan ng Nanay ko, HINDI AKO TAMAD! At lalong-lalo naman na may tiyaga ako sa kung anong trabaho ang iharap mo sakin.. Pero ngayon? $%!@*&#^ This! SOBRA NA! Ayoko na! Sawang-sawa na ko sa araw-araw na dalawang libong mahigit na phone calls na kalahati pa dun ay mga bastos at walang modo [SOBRANG UNPROFESSIONAL] na clients na akala mo residential yata ang tinatawagan at kung minsan parang pay phone pa sa kung saan ang gamit! ANG EEPAL NINYONG LAHAT! [with matching turo-turo ala Assunta de Rossi in JOLOGS.]

Parang ganito lang yan eh.. HINDI AKO NAG-ARAL NG APAT NA TAON SA KOLEHIYO PARA BAGSAKAN NG TELEPONO NG ISANG WALANG MODONG [AT JOLOGS MAG-ENGLISH, TRYING HARD, FEELING SOCIALITE] CLIENTE! $%!@*&#^ This! At ano tingin niya sakin? Robot na walang "programmed" na sagot kapag nagaalburuto ang cliente? Underdog na hidni alam gagawin kapag nasigawan? Ako pa ba magpatalo? DEMMET! EH di nasigawan siya! Hahaha! Well, hindi naman yun biglaan at tipong "marketer" [Palengkera] ang dating at bigla nalang ako nag-snap ng ganun. Pang-anim [Oo, nabilang ko.] na beses niya na kong binabastos over the phone, yung hindi courteous/professional kind of bastos, ganun. Eh nabosesan ko siya. So ayun, inunahan ko na.

"MA'AM SANA PO HINDI NIYO PO BINABAGSAK YUNG TELEPONO KASI MASAKIT PO SA TENGA AT MEDYO HINDI PO MAGANDA YUNG ASAL NIYO." Tapos hindi siya nagreply. At marahan niyang binaba ang phone. Olats!

Ang nauna ay "external stress factor", iba pa yung "internal stress factor". Tao ba 'to? OO! Hayop ba 'to? Pwede. Hayop sa katamaran! $%!@*&#^ This!

Ganito yan eh, kung alam ko lang sagutin LAHAT ng tanong ng mga cliente niyo, hindi ko na ipapasa sa inyo yung tawag. Alam ko namang busy ang lahat, lalo na sa department niyo. [Oo, sensitive ako sa environment ko. Unlike you!] Pero wala akong alam sa mga processes na yan eh . [At hindi ko kasalanan na wala akong alam, I WAS NOT INFORMED!!] So talagang babagsak at babagsak sa inyo yung mga tawag... Tapos anong gagawin mo? Deadma ka lang? Muta ang phone? Kiber sa mga phone-in queries? ANO KA, BOSS? $%!@*&#^ This! Tibay ng loob niyo "boss"! Ang laki-laki ng sweldo niyo, konting effort pa jan para naman kahit paano tumugma ang pinapasahod sayo sa tinatrabaho mo. Oo judgmental siguro ako sa pagkakataon na 'to, pero "boss", last year ka pa ganyan. Dati nga lakas mo pa makareklamo sakin na pinuputakti ka ng tawag. EH ANO PA PO AKO? Lunok lang pahinga. Palit tayo, trip mo?

Tama na. Galit ako kaya kung ano-ano sinasabi ko. *In hell.. Excel..*

Anyway, ayun lang, nag-rant lang ako. Ang init ng ulo ko [Literal. Yung parang may steam. Ganun ka-init.] at ang tigas ng batok at balikat ko [Malamang ay dahil sa stress.] at wala na kong energy para magalit pa. Naubos na mula alas-otso [Oo, pagpasok na pagpasok palang, umaaribba na ang mga tawag!] ng umaga. Haaaaaaaay! $%!@*&#^ This!