Dalawang araw na lang at tapos na ang pinaka-masaya at pinaka-paborito kong buwan (Asa!) ng taon.. GOODBYE FEBRUARY! ('Wag ka na muna babalik ah! Epal! Hahaha!)Halos buong buwan ako hindi nakapagsulat dito. At hindi dahil sa wala akong masabi o kung ano man, hindi ko lang ano uunahin ko sa dami ng mga nangyari. Yung iba nga ako mismo nakalimutan ko yung mga detalye, pero yung pakiramdam.. damang-dama ko parin! Chot! Maarte! Gusto ko sanang isa-isahin pero bukod sa wala namang interesado, tinatamad ako. Babalikan ko na naman ang bawat araw ng Pebrero sa utak ko.. NO THANK YOU!
Sobrang busy sa school. At ako naman si magaling na kung kailan kailangang magsipag eh dun pa natuto mag-"procrastinate". (Pinanganak ba ulit ako kahapon at bigla ako naging isang dakilang procrastinator?) Patapos na ang Pebrero, papasok na ang Marso.. Hindi ibig sabihin nito mas dadali ang mga araw. GALAW-GALAW! Deadlines. Final requirements. Finals. Book report. Sheeeeeeeeez! (At ang tapang ko pang mag-9 units next sem para maging qualified sa scholarship program. GOODLUCK!) Pero sabi nga nila, hirap muna bago sarap. So bago ako mag-"Summer Vacation" mode ay magsusunog muna ako ng kilay at tutunga ng mga 5 bote ng kape para makapag-comply sa mga requirements. AJA! This better be worth it!
May pinagdadaanan ako, pero 'wag kayong mag-alala, dinadaanan ko lang, at di ko balak tambayan. Kaya pasensya na sa mga "random fit" ko (Kung sino man ang mga nasampolan na, paumanhin.) at mga unreasonable at irrational (Pero hindi naman totally irrational, di niyo lang ako gets minsan. Haha!) blahs ko. Basta. Matatapos din 'to. Ako na, ako na talaga ang S-T-R-E-S-S-E-D! Wala nga akong FB account pero hindi parin ako natututo at ako parin talaga ang gumagawa ng paraan para "kumuha ng bato at ipukol sa sarili kong ulo". Haaaaaay. -- WOAH! Teka, teka, teka.. Saan galing yun? Memasingit lang? Hahaha! Che!
Isang malaking pasasalamat pala sa limang taong 'to na kahit nakakalat sa iba-ibang lugar ay wala parin kupas sa pambabasag: Mafe, Chi, Tina, Cliff, and Mary. Hahaha! Sakit ng daliri ko kaka-type at panga ko kakatawa sa mga kalokohan niyong lahat! Love you all! BBM all day everyday! ♥♥♥
Dito na lang. Ktnxbye.

No comments:
Post a Comment