13 May 2010

Sa Iyong Ngiti.

hindi ko hiniling na mahalin mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko sinasabing alagaan mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko inaasahang iintindihin mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko ninanais na pakinggan mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko iniisip na mapapasaya mo ko, pero ginawa mo.


ang alam ko lang, hindi ito pang habang-buhay.

dahil kahit kailan hinding-hindi ko mapapantayan ang lahat nang yan.


kung nahihirapan ka na, pwede mo ako iwanan.

kung nasasaktan ka na, pwede mo ako iwanan.

kung hindi mo na ko maintindihan, pwede mo ako iwanan.

kung hindi ka na masaya, pwede mo ako iwanan.

kung hindi mo na ko mahal, pwede mo ako iwanan.


tangap ko kung iiwan mo ko.

kaysa naman katabi nga kita, pero nakikita kong hirap na hirap ka na, kahit pa naka-ngiti ka.



12 May 2010

Routine.

gigising ng maaga para pumasok sa trabaho.
kakain, maliligo at magbibihis ng mabilis.
byahe mode.
time-in.
bubuksan ang pc.
DEVOTION MODE.
sasagot ng calls, mag-che-check ng emails.
sasagot ng calls, mag-lo-login sa kung anu-anong sites.
sasagot ng calls, kakain ng chippy, bread pan, o kahit anong meron.
sasagot ng calls, magtetext, magsusulat ng notes.
sasagot ng calls, LUNCH BREAK.
sasagot ng calls, kahit inaantok.
sasagot ng calls, sasagot ng calls, sasagot ng calls.
treasure isle, cafe world, nightclub city.
status, blog, status, blog.
maghihintay mag-5PM.
time-out.
byahe mode.
pagdating ng bahay, magpapalit ng damit.
hihiga sa kama, magpapahinga.
magtetext, makakatulog.

end of day.

boring right? what can i do? routine na ang araw-araw na buhay ko eh.

11 May 2010

A World Without You.

napapadalas na ang pag-e-emo ko. ayoko nito. pero sa bagay, masaya nga ang malungkot minsan. at mas masarap umiyak ng walang dahilan. it helps clean the heart "daw". :) hindi naman ako yung terminal na emo na naglalaslas na at suicidal. gusto ko lang minsan nagrereflect sa mga bagay-bagay. aminin man natin o hindi, minsan hindi na masaya mga pangyayari sa paligid.

hindi ko makuha yung point bakit ako nag-iinarte at malungkot.

naalala ko, highschool pa lang pala ma-drama na kong tao. sa mga super close friends ko, ilang beses na nila ko nakita umiyak [lalo nung 4th year highschool.] chaka pag malungkot ako, dun ako nakakapagsalita ng mga bagay na hindi ko alam na nasa isip ko pala. nakakapag-english pa nga ng di oras eh. naalala ko tuloy nung second year highschool, may semi "tampuhan" or "emo episode" kami ng paborito kong pinsan na si louis. hindi naman kami ganun ka close nun, pero hindi ko na matandaan yung exact details basta ito lang natatandaan ko:

- summer yun ng 2002, nasa batangas ako, nasa zambales [yata] sya. eh alam naman naten na nakaka-emo talaga sa mga lugar na malapit sa beach or basta malayo sa manila, so ayun, siguro mood setting na yun.

- hindi pa uso ang UNLI or kahit anong promo sa text messaging nun, pero magkatext kami lagi nun tuwing gabi. basta ang drama drama nya kasi, ang likot ng utak, andaming sinasabi, yung iba di ko na maintindihan.

- sinabayan ko ang ka-dramahan nya at kumuha ako ng isang verse sa kanta ni emma bunton. ayun! hindi sya nagreply. hehehe. :)

- hindi ko din alam paano natapos yung episode na yun, basta alam ko pagpasok ng 3rd year highschool, awkward kami! hahaha. basta hanggang ngayon ginagamit ko parin pang-asar sa kanya ang episode na yun.

nung saturday, may pinarinig si cuz sakin na kanta ni emma bunton sa E72 nya. tinanong nya ko, ito ba yun? sabi ko hindi. ang natandaan nya lang daw kasi ay emma bunton.

anu nga ba tong mahiwagang kantang to, na una kong naging emo song? at dahil natutuwa akong nalulungkot ako ngayon, papakinggan ko sya maghapon? the title speaks for itself, A world without you. ♥


A World Without You By Emma Bunton

I know that you can hear the rhythm of the rain
Although we're miles apart I know you feel my pain
I try to be so strong, I try to carry on
But since you left the sun don't seem to shine

My tears are falling on the words you wrote to me
I wish that somehow they could take me where I wanna be
It seems so long ago, you held me when I cried
For now I just pretend you're by my side, oh yeah

Everything that I touch turns to blue
When I'm living in a world without you
I'm going crazy, baby, I am missing you

Can't imagine all I go through
When I'm living in a world without you
I'm not alone, I know that you can feel it too
La, la, la, la, la, la, la, la

I try to watch a movie but you're all that I can see
(All that I can see)
And in my dreams I know I always see you constantly
But then a dream comes to an end and I'm alone
And I can't seem to let this feeling go, whoa, oh baby

Everything that I touch turns to blue
When I'm living in a world without you
I'm going crazy, baby, I am missing you

Can't imagine all I go through
When I'm living in a world without you
(Can't live without you)
I'm not alone, I know that you can feel it too

I try to be so strong, I try to carry on
But since you left the sun don't seem to shine, whoa

Everything that I touch turns to blue
When I'm living in a world without you
(I'm going crazy, missing you, baby)
I'm going crazy baby, I am missing you

Can't imagine all I go through
When I'm living in a world without you
(A world without you)
I'm not alone, I know that you can feel it too

Can't imagine all I go through
When I'm living in a world without you
(Living without you)
I'm not alone, I know that you can feel it too

I'm going crazy, missing you, baby
Living without you
(Living without you)

ayun lang. masaya din ang melody nyang kantang yan kasi relaxing. basta everytime maririnig ko tong kantang to, maiisip ko ay beach, coconut trees, nakahiga sa sand, at nag-aabang ng shooting stars. happy emo-ing! :p

08 May 2010

Mobile Blogging

attempt no. 2. just trying to blog using opera mini. (thank you ariel!) hope this works. :)

06 May 2010

Speechless.

hindi ko alam paano i-explain. sige 5 letters nalang. S-A-B-A-W! ngayon lang ako naubusan ng words to really explain what i'm feeling. pati kahit almost 3 araw nako nag-whi-whine, parang hindi parin maubos yung sama ng loob. ang hirap, ang sakit. pero mababaw lang.

at dahil jan, naalala ko yung isang kanta na ginamit sa "Rubi", yung nag-e-emote na si Angelica habang may "Lov Scene" sila ni Jake. oha! galing nya noh? basta yun. nahanap ko na kasi yung kantang yun kaya yun nalang muna sasabihin ko dito. isang malaking HAAAAAIIIZZZXXXTT para sa isang hindi magandang araw. :((


Hindi Lang Ikaw
by: Juris

Pansin mo ba ang pagbabago
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila hindi na nananabik
Sa ‘yong yakap at halik

Sana’y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging malaya

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

Pansin mo ba ang nararamdaman
Di na tayo magkaintindihan
Tila hindi na maibabalik
Tamis ng yakap at halik

Maaring tama ka
Lumalamig ang pagsinta
Sana’y malaman mong ‘di ko sinasadya

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

BRIDGE:
Di hahayaang habang buhay kang saktan
Di sasayangin ang iyong panahon
Ikaw ay magiging masaya
Sa yakap at sa piling ng iba

Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nahihirapan
Damdamin ko rin ay naguguluhan
Di lang ikaw
Di lang ikaw ang nababahala
Bulong ng isip, ‘wag kang pakawalan
Ngunit puso ko ay kailangan kang iwan

p.s.: hindi ako heartbroken at hindi ako nag-e-emo. konti lang. haha. isang sabaw moment na hindi ko makakalimutan. haaaaaiiiizzzzxxxttt!