13 May 2010

Sa Iyong Ngiti.

hindi ko hiniling na mahalin mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko sinasabing alagaan mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko inaasahang iintindihin mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko ninanais na pakinggan mo ko, pero ginawa mo.

hindi ko iniisip na mapapasaya mo ko, pero ginawa mo.


ang alam ko lang, hindi ito pang habang-buhay.

dahil kahit kailan hinding-hindi ko mapapantayan ang lahat nang yan.


kung nahihirapan ka na, pwede mo ako iwanan.

kung nasasaktan ka na, pwede mo ako iwanan.

kung hindi mo na ko maintindihan, pwede mo ako iwanan.

kung hindi ka na masaya, pwede mo ako iwanan.

kung hindi mo na ko mahal, pwede mo ako iwanan.


tangap ko kung iiwan mo ko.

kaysa naman katabi nga kita, pero nakikita kong hirap na hirap ka na, kahit pa naka-ngiti ka.



No comments:

Post a Comment