04 May 2010

Hangover. SugarFree.


Mahirap bumangon, anong nangyari kahapon?
Pano umabot dito? kumikirot ang ulo at puso

Refrain:
Sa dinami dami ba naman ng gustong malimutan
Ikaw pa ang naiwan sa puso’t isipan

Chorus:
Lumangoy sa alaala mo
lumangoy hanggang malunod sa iyo
Kung ang gamot sa aking sakit ay pag-ibig
Akoy ay nauuhaw at ikaw ang aking tubig
Ako’y uhay at ikaw ang aking tubig

Buong araw nahihilo
Ang mundo ay slowmo
Dahan-dahang buksan ang aking mata
Ang sikmura, sumisirko sirko

Thank You for Providing.

at last i'm back! and i'm feeling better. much better.

the past week, i was at laguna for our annual youth camp. it was indeed another blessing for me to be able to join the camp given the circumstances at work, naging possible parin ang lahat. *may mga praning moments nga lang* and not just that, toxic din ang naging preparations for this year's camp kasi we have a whopping 90 CAMPERS! first time in youth camp's history nangyari to, kaya nga we're overwhelmed eh. kaya naman talagang "rak en rol" ang mga counselors and staff. [kailangan pa ba pangalanan? wag na! kulang to!] kahit ano pa man harapin ko after camp, i know it will be all worth it! :D [buti nga may trabaho pa kong binalikan eh. hahaha.]

during my stay there, i found the "peace of mind" that i've been longing for the past err 3 or 4 months? sabi nga ng isang camper "dito sa camp, pag binati ka ng "good morning!" GOOD talaga ang morning!" true indeed! parang ang sarap ng feeling, andaming positive energy. lahat ng nasa paligid mo mabait. basta, parang hindi totoong mundo. hindi pwedeng hindi ka naka-smile. kahit tirik ang araw, naka-smile ka parin! chaka lahat ng worries ko, iniwan ko sa manila, lahat-lahat. pagsakay ko ng van, yun na "camp mode:ON!" siguro kasi iba rin ang purpose ko for this camp, hindi pang-sarili, kundi para sa ibang tao. and it feels good to have been used as an instrument for God's glory.

i also had the time to stop, think, and reflect on how things are going in my life. well, oo masaya kung sa masaya, pero sometimes alam ko yung iba dun mejo pang-sarili. the harder i try to be selfless, mas lalo akong nagiging selfish. anlabo noh? basta may ganung kaisipan lang na nabuo nun. chaka siguro, kailangan ko din muna mag "recharge" para pag nilapitan na ulit ako ng kung sino man asking for help, mas may lakas na ko tumulong [at nasa tamang pag-iisip. FAIR JUDGEMENT!] may point pa ba ko? sana.

and lastly, i get to cry my heart out without having to explain why. as in, andun lang ako. iyak ng iyak. hagulgol pa nga eh, pero ang sarap ng feeling. lahat ng negative energy, bad vibes, sabaw moments. lahat yun iniyak ko. ang sarap. ang luwag sa loob. pag naaalala ko naiiyak parin ako [iyakin lang talaga ko.] kasi kahit nakakalungkot yung mga yun, at least alam kong tapos na sila, at yung iba dun siguro malapit narin matapos.

kung meron man akong bagay na sobrang ikinatutuwa ko, ito na yung mga yun:

1.) i saw how God worked all throughout the camp. as in! yung mga lumalabas sa bibig ko habang nagtuturo, alam kong hindi ako yun. at hindi yun siguro galing sakin. it was given to me at that time. parang impromptu speech. ang galilng! pati tuwing may i-wo-worry ako for another activity, magugulat nalang ako na dumadaan yung bawat araw na nagagawa naman ng maayos yung mga yun. [at hindi basta-bastang nairaos lang.]

2.) new friends. deeper friendships. ito na yata nagiging thinking ko lagi. ewan ko ba bakit all of a sudden sobrang naging sensitive ako sa topic na to. pero natutuwa ako dahil dito sa camp, napatunayan kong hindi sa saya, gimmick, kakikayan, laitan, harutan, at kung anu-ano pa natatapos ang pagkakaibigan namin. together, hinarap/haharapin pa namin ang isang "struggle" ng isa samin. ONE LEVEL DEEPER. grabe! ang saya ko kahit pumuputok na mga eyebags naten kakaiyak ng gabing yun, at least it was all worth it. ♥ mahal ko kayo CHASHA, BITUIN and JASMINE! ♥ syempre hinid lang yan, every year naman yata one level deeper din ang friendship namen ni aloi eh. kaya masaya rin ako, kasi iba ngayong taon na to. basta! pareho lang pala kaming tao, kala ko kasi perfect sya. hehehehe. [joke lang!]

3.) renewed Christian. oo, naging struggle ang pagtuturo ko sa camp dahil most of the lesson, nasasapul din ako. syempre tao lang naman eh. pero gaya nga ng sabi ni Pastora, hindi naman kami humaharap sa kanila bilang mga sarili namin eh. pero syempre having taught them the lessons, we also have to abide by it and practice what we preach. oo nga naman, paano maniniwala yung mga bata kung hindi kami magiging example para sa kanila diba? :) oo nakaka-pressure, pero wala naman masama mag-try magbago dia? lalo na kung para sa ikakabuti mo/naten yun diba? :) alam ko magiging mahirap, but i'm up for that challenge! GAME ON! :)

4.) don't talk when your mouth is full.. of gossip that is! ito na siguro yung greatest lesson ko for the month. i know guilty ako sa ganyan, lalo na kung ang mga kasama ko ganyan din, pero ngayon nakita namin kung ano ang "damage" na nagagawa when you talk about others, and when you don't mind your own business. i have come to live by the saying "it's not mine to tell".. pero i admit minsan hindi ko to nasusunod. pero ngayon i'll try my best. also, i'll try harder to keep my mouth shut. if it's not my story to tell, i'll just keep quiet. [and eat ice cream perhaps? :)]

ayun lang for now. :)

"Thank You Lord for Providing... Everything..."

23 April 2010

Takas. Ninja Takas.

thank God it's friday. not! usually, ecstatic na ko pagdating ng friday, but today it's different. i am not in my "perky-friday" aura today. nag-iisp ako kung bakit, ito lang mga napagtanto ko:

1.) BUSY AKOOOO! PRESSSSURED AKOOOO! *Eugene Domingo face*

sa monday na yung most awaited activity ko every summer, and that is our YOUTH CAMP. normally naman, gusto ko yung "toxicity" that goes with all the preparations for that camp. punong abala sabi nga nila, pero ok lang sakin yun. pero ewan ko bat ako pressured this year. siguro kasi i know that im not in a good state lately, natatakot ako baka hindi ako maging effective counselor sa mga campers. i mean, sa haba ng given time, i still failed to go over the lessons thoroughly, kaya feeling ko hindi ako equipped to teach. ayoko lang kasi maulit yung experience ko last year na halos masabaw utak ko sa kakaisip kung paano pa pahahabain yung discussions dahil super bibo ng mga napunta saking campers. this year i wanted to be better, and to be deserving to be called "ATE POCH". siguro lang mas may pakialam ako on how the activities will affect the campers, syempre we wanted them to dig deeper with their faith diba? kaya nga kami andito eh, to be instruments of what God wants to happen in this camp. pero dahil tao lang ako, i can't maintain focus on what i really wanted to do. [isang dahilan na jan ang FB. haha!] kaya nga i'm really holding on sa paniniwalang "Kaya namin toh, dahil para SA KANYA to.." as long as our purpose is for Him, i think everything will fall into place perfectly.

2. DUMADALAS ANG MINSAN.

dati madalas ako matawa [not in a negative way] whenever i read posts of "kasabawan" from louis, mikel, and ate jojie. iba't ibang dahilan pero iisa ang kinakalabasan. sabaw! nung una, hindi ko talaga ma-gets kung bakit "sabaw", basta natatawa lang ako sa thought. iniisip ko kasi parang sa hirap ng [reason for kasabawan] ay wala ka nalang magagawa, matutunaw ka nalang. hence, magiging sabaw ka. yuck! inexplain ko talaga? basta parang ganun. at dahil sa dumalas ang mga "chillax" moments namin ng paborito kong pinsan (?) at si closeness, mejo naintindihan ko na ang salitang "SABAW." at nagagamit ko na sa tamang paraan. [wag ka na humingi ng example.] and little did i know, unti-unti narin akong nagkakaroon ng "sabaw moments" of my own. nakakaloka. kung dati nakikitawa lang ako sa kasabawan nila, ngayon i am one of them. minsan nga may mga ganung bagay na nangyayari saten noh? yung tipong hindi mo alam gagawin mo dahil baka lumala lang yung sitwasyon, ang tanging masasabi mo nalang "sabaaaw sirr." at ayun na nga, siguro nitong nakaraang linggo, ilang beses din ako nasabaw. isa? dalawa? tatlo? madami? oo madami! pareho lang ng puno't dulo pero iba-ibang angulo ng kasabawan. [teka, overused na yata ang salitang sabaw. titigilan ko na.] yung feeling na "eto na naman?" pero ibang degree/factors naman ang involved. ah basta! sobrang nasasa.. ooopps! sobrang nahihirapan ako mag-isip ng mga bagay-bagay. itanong mo na lahat sakin, wag lang ang "bakit?". [mas masaya pag ako nagtanong nun.] dahil kahit ako hindi ko parin alam ang sagot sa tanong na yan. :( nakakatawa. nakakalungkot. dumadalas na yung ganitong feeling. DISLIKE.

3. BE TRANSPARENT. BE VERY TRANSPARENT.

sa kabila ng lahat ng tumblings, kamot, cartwheels at gulong ng mga nakaraang linggo, isa parin ang natutunan ko. na dapat kahit anu man ang daloy ng sitwasyon o emosyon mo, you have to be transparent. tipong ganito "oh sige, laro tayo. matching type. kailangan yung sinasabi mo "match" dun sa ginagawa mo. game?" pero anu nga ba kasi ibig sabihin ng "maging transparent"? as defined eto sya:

trans·par·ent

ADJECTIVE:
  1. Capable of transmitting light so that objects or images can be seen as if there were no intervening material. See Synonyms at clear.
  2. Permeable to electromagnetic radiation of specified frequencies, as to visible light or radio waves.
  3. So fine in texture that it can be seen through; sheer. See Synonyms at airy.
    1. Easily seen through or detected; obvious: transparent lies.
    2. Free from guile; candid or open: transparent sincerity.
  4. Obsolete Shining through; luminous.
i like the 4.b part. transparent sincerity. yung something na alam mong totoo and you show it. period. wala nang mga kung anu-anong iispin pang "hidden motives" or "underlying connotations" about what you've said/done. basta tipong match ang mga sinasabi sa ginagawa. mahirap to, kahit ako di ko magawa yan eh. pero diba, kung lahat ng tao matututo nyan kahit konti. mas makakaiwas tayo siguro sa mga assumptions. kokonti na ang mga assumptionista. haha! i might be wrong, pero this is how i understand things eh. and diba nga, everyone is entitled to their own opinions? so eto yung akin. *i don't care eh-eh-ehr eh-ehr..*

patapos na ang linggo. sana matapos narin to. gusto ko nang tumakas na parang ninja. gusto ko nang bumalik sa tubig para kumuha ng lakas gaya ng kay Persius. gusto ko lang naman..... *kanta ng migraine*

dito na lang. gutom na ko. :c bye!

p.s.
na-LSS ako kagabi sa "Love Story" ni Taylor Swift. wala. napangiti lang ako. [dahil siguro sa mga knock-knock jokes tungkol dito?]


We were both young, when I first saw you.
I close my eyes and the flashback starts-
I'm standing there, on a balcony in summer air.

Romeo save me, they're trying to tell me how to feel.
This love is difficult, but it's real.
Don't be afraid, we'll make it out of this mess.
It's a love story, baby, just say yes.

I love you, and that's all I really know.

21 April 2010

Make BLOG Not War.

after almost three hours of tweeking, finally, natapos na rin ako sa layout ko. although pwede na, mukhang may kulang pa eh. basta basta, pag sinipag na ko ulit chaka ko nalang sya ayusin ulit.

kanina [while chatting with mikel] pinaalala nya ang mga "old school" kong blogs. as in from 2006 pa yata yung iba. nakakatuwa lang balikan at basahin ulit. sobrang "JOLOGS" ko pala dati. hahaha. at isa rin pala akong certified "JEJEMON" before. [nakakahiya. haha!] while reading it, naisip ko na sobrang sipag ko pala magblog before [wala pa kasing FB nun] as in every detail of my day nakasulat dun. and hindi ko rin naman alam kung sino mga nagbabasa nun, basta sulat lang ng sulat ng sulat. siguro yun lang talaga pinaka-outlet ko ng lahat lahat lahat at that time. masaya. masaya pala maging "autistic mode" minsan. hahaha. nakakatuwa din dahil kahit na nag-mature na ko kahit paano, i'm still facing the same problems pero on a diffrent degree na siguro. una, kung dati pressured sa studies [every sem] ngayon naman pressured sa work [everyday]. kung dati di ako magkandaugaga sa mga gagawin [studies, cheering, work, socialization], ngayon nanaman hindi ako magkandaugaga sa iinumin [kape, cuervo, red horse, kwatro kantos. joke lang!] at syempre mawawala ba ang "LOVE LIFE" chorvah sa buhay ko? hindeeeeeh. :p

kaya ngayon i found my inspiration to blog again. i'd like to know if i still have the "carrie bradshaw" [tama ba?] in me. hahaha. plus, since mawawala na ang FB dito sa office, i need to have an alternative to keep me sane. [exagg!] chaka malay nyo later on maging "photo blog" narin to diba? [keeeeerrriii... meeeoooowwwrr..]

basta. basta. basta.

Para Sa'yo...

♥ LAPIT ♥

Pikit mata. Nagtatanong ng sagot sa "Bakit?". Pikit mata. Lumuluha. Di maintindihan puno ng pait. Parang walang nakikinig. Dyan ka nagkakamali.
Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, di ka nagiisa.
Naghahanap, Naghihintay, o sa mundo kaya nalang sumabay. Nangingimi na sumuko na. Di makita san bang pagasa. Parang walang nakikinig. Dyan ka nagkakamali.
Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, di ka nagiisa.
Problema'y parang ulan na walang katapusan. Di makita kung san sisilong. At sa hakbang merong dilim na laging nandyan. Di alam kung san tutungo.
Parang walang nakikinig. Dyan ka nagkakamali.
Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, di ka nagiisa.