21 April 2010

Para Sa'yo...

♥ LAPIT ♥

Pikit mata. Nagtatanong ng sagot sa "Bakit?". Pikit mata. Lumuluha. Di maintindihan puno ng pait. Parang walang nakikinig. Dyan ka nagkakamali.
Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, di ka nagiisa.
Naghahanap, Naghihintay, o sa mundo kaya nalang sumabay. Nangingimi na sumuko na. Di makita san bang pagasa. Parang walang nakikinig. Dyan ka nagkakamali.
Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, di ka nagiisa.
Problema'y parang ulan na walang katapusan. Di makita kung san sisilong. At sa hakbang merong dilim na laging nandyan. Di alam kung san tutungo.
Parang walang nakikinig. Dyan ka nagkakamali.
Lapit sa akin at huwag matakot ka. Papawiin ang luha, ulan ay titila na. Kahit sabihin mo na di na kaya. Araw ay sisikat, may bagong liwanag, di ka nagiisa.

No comments:

Post a Comment