13 October 2007

LAGUNA! ♥

laa laa laa laa...

haaaay! whatta way to end the sem. isang malupit na getway sa LAGUNA with 4BA6! isang van, isang sportage, Php 600 per head, 5 kilo ng liempo, swimwears, GRANDMA, at ang "desire" to come.. ALL SET ANG OUTING! mga more than 20 din kami (21 kasi kami eh, so more than 20 na sya considered!) kaya sobrang saya talaga! bonding to the maxx, pati timelss ang mga moments. want a sneak preview? go!


laa laa LANGOY!

syempre sa swimming kami sobrang nag-enjoy, mula 3pm hanggang 5am! oha oha. todo kulubot na nag mga balat sa sobrang babad. partida HOT SPRING pa yun ha? eh hindi naman kalamigan lately diba? so ayun! tamang mga laro sa pool. pero ang pianak enjoy is yung "caterpillar" (taya si ey!) pati yung "basket tosses" (na nung una trip lang nila sharon, son, john, at marga!) masaya kasi super kulit nung boys! as in kulang nalang big noses at super red lips ay clown na sila! (peace brad!) basta. i enjoyed swimming. (kahit annoying na meron akong period. haha!)

laa laa LAMBINGAN!

ang daming "couples" na kasama. wala lang. seeing them, haaay! no comment! kahit gaano katoxic sa school, may time pa sila sa mga chorvahs nila. nakakaliw kasi parang bawat couple may kanya-kanyang "chorvah". may silentlang pero sweet. may casual-casualan lang. may LQ ng LQ! may PDA. ah basta. samu't sari! pero kahit ganun hindi naman na-OP ang mga walang partner. syempre masaya lahat! :) ang hindi nag-enjoy papatayin ko!

laa laa LASING!

syempre kami'y matatanda na, at pwede na uminom! hahaha. (ako po hindi!) Php 1,700 worth of alcohol! grabeh! kundi ka ba naman mawindang nyan eh. halu-halo na yun. san mig, red horse, grandma, lahat na. shenglot lahat eh! (lalo na yata si ey! haha! tulog pa ey!) kapag talaga bisyo na nila pinag-uusapan, ang lakas maglabas ng pera eh. so anyways, ayun. maraming alak natural marami ang napagapang, nahilo, at nalasing. haaay! magpasalamat kayo at may mga mabubuting loob ang nag-alaga sa inyo. hehehe. nakakatawa ang day after kasi sarap pagtripan ng mga lasing. kung anu mga ginawa nila, panu sila nakaligo at nakapagpalit ng damit. ang sarap mang-praning eh! hahaha!

all in all SUPER SAYA ng outing. i've cut my post short kasi ang hirap mag-type kung anu uunahin ko eh. whether or not nabanggit ko un dito, it will be kept in my heart! hahaha. basta! timelss moments! (lalo na ang picture ko with pher! hahaha. and syempre sa ibang boys narin!) sayang sana kasama si IVEE (yes! special mention!) kasi feeling ko hindi lang si son aalagaan dun eh! hahaha. pati para basag din si justin sa mga hirit! hahaha! (prime factorization!) oh sya sya. ako'y pagod na. pwede matulog? hehehe. nytie! babush! :)

p.s.: ish.. okei lang yun! andito si besfren melai.. picture picture nalang tayo with justin para masaya! jaaaaa-paaaan! :)

03 October 2007

Konti Na Lang..

wooot! konti na lang at SEMBREAK na! ang saya! hindi na ko makapag-antay pa! pero syempre nakaklungkot din kasi 1 sem na lang ako tas graduate na ko (hopefully!) kaya ngayon "endure the toxicity while it lasts!" haaaay! pero don't worry! mas kering-keri na ngayon! saya-saya ng buhay eh. MAKULAY! (parang rainbow! nyahaha!) ah basta! :)

so ngayon eto nanaman ako sa blog. eh pano kasi ni-rush ko nanaman ang isang paperwork sa feasib namin, kaya ito at naglilipas ako ng stress. hehehe. naalala ko bigla na ampanget na ng multiply ko. hindi na updated yung pics, nakatambak nalang sya sa desktop sa bahay! (lagot kay dad!) haaay!

na-aadik na ko sa PSP! lalo na sa tennis! (kahapon lang ako nag-start ng character at rank 200 na agad! anu ba yan!) so ayun. parang gusto ko tuloy, kasi may psp slim na purple eh. pero syempre ang mahal pati wala akong pera. kaya hanggang hiram nalnag muna ako. nyahaha. sana may mag magandang loob na nilalang jan na bigyan ako ng psp! nyahaha! (asa boy!)

ayan ayan! anjan na mga ka-group ko. work work work. babayuu for now! :)

DALOOOOO UMUWI KA NAAA! :)

29 September 2007

Missing My Girlfriends. :(



haaay! one saturday morning. ang sarap! walang iniisip na schoolworks (except entrep, pero minor lang!) tapos umuulan pa. haaay! sarap ng ganito. at wala pa namang "attack" si ama kaya okei na okei ang umaga! nakakain ng "hearty" na breakfast, nakapag-organize ng school things, nakapag-meditate (?), at eto nakapag-internet! (meaning hindi naglalaro ng CS si daddy! nyahaha! yeah!)

so why the blog? wala! kasi asa multiply page ako ni chasha (my fave site by the way!) at nagnanakaw uli ng pics for my planner and scrapbook, tapos ayun habang tumitingin ng pics.... NAMISS KO SILA!! huuuu. ewan ko ba! parang nung youth sunday lang magkakasama kami the whole day, tas after nun di na nasundan kasi BUSY na ko. kainis! pero pero pero dahil saturday ngayon, aattend ako ng choir para masaya! hehehe. (hindi nga lang 1:30. sorry ronald!)

feeling ko ang O.A. ko! hindi kasi ewan ko ba. namimiss ko yang mga yan kasi almost twice lang ata kami nagkikita every week! eh kasi nag-eenjoy ako kasama sila. napaka-diverse kasi ng mga pag-uugali, pero pag pinagsama-sama mo na hindi halata! if there's one thing that's common to us, un ang hobby namin ng "pagpupuna" ng mga tao sa paligid! hahaha! (MEAN GURLS!) hindi joke lang yun! :) ayan! kaya ako napapagkamalan laging TIBO dahil sa masyado akong "sentimental" pagdating sa mga friends ko na gurls eh. hehehe. (pero ang hindi ko matetake ay ang i-holding hands sila. eeeeww! kay bits pwede pa!)

nakakatouch lang kasi THEY WERE MY SUPPORT GROUP nung time na sobrang down ako. (emo days!) especially chasha and bituin! (kasali din si ate joj!) kasi they let me rant and rant and rant until i felt well. (alam ko sandali lang mga attention span nila kaya naappreciate ko talaga!) and now that i'm okei na syempre hindi naman ako magmamalaki at lalayo or iiwas or babaguhin ko treatment ko sa kanila. syempre love na love ko yang mga loka-loka na yan! hehehe. :)

so ayun lang. nag-inarte lang ako tungkol sa kanila. :) sana maiyak sila dito! :)

24 September 2007

Bring It On! [Commerce Cheerdance Competition 2007]

september 23, 2007 ----> big day for me, for the JCBA dancesquad, for kuya ajjie (?), for our seniors and alumni, and for the B.A. community (nga ba?).
4AM gising na ko, to think past 1AM na ko nakatulog, ewan! laging may ganitong jitters every competition day! kaba, takot, excitement, yabang! lahat na naghahalo-halo! pero with prayers naman nawawala talaga ang lahat ng yan! isa lang mindset ko, TO HAVE FUN AND TO MAKE THE B.A. COMMUNITY LOUD AND PROUD! yeah! (ang drama! speech ba toh?)masaya naman ang buong event, kahit na olats yung parade dahil sa umulan ng walang warning! (kelan ba naman nagwarning ang panahon?) keri parin! :) bago kami mag-perform (kami kasi yung una.) may narinig ako from the juniors; "ate, intermission number lang daw tayo sabi ng ECO.." syempre nakakasad, kasi first of all, alam kong naghihina loob nila. secondly, such words.. nakakainis! kasi diba? oo na! kabado talaga kasi kami sa ECO, pero yung may ganun pa. kakaiyak. sabi ko nalang "hayaan nyo na sila, hindi pa naman tapos diba? wala pang judgement.." kahit paano naman kasi may friends ako from the other squad kaya hindi rin ako makapagbitaw ng salita. so anyhoo, the show must go on! dedma sa kaba!


masaya mag-perform knowing my family was there to watch me.(kahit na yung isa jan LATE na dumating! wala na ngang naabutang performance from any squad eh!) oo hindi uber big deal contest to, pero seeing them there makes me want to perform really really uhm.. HYPER? ewan! can't find the words. lam ko kahit ganyan yang mga yan, proud yan sa mga pinaggagawa kong tublings at bodywaves! nyahaha! (of course may ginagaya nanaman si ate kat na move ko diba? hahaha!) nagiging FAMILY AFFAIR na nga tong cheerdance competition eh, kaya nga napaka-halaga talaga sakin ng event na toh! sa pagsali ko dito, wala talagang pagsisisi! yeah!




so ayun, announcement na ng winners. syempre kabog factor na. napaka-WILD pa naman ng crowd ng eco kaya nakakasindak pa! (isa pa tong si mary jill! super tili sa eco! hmpf! hahaha!) so ayun, nakuha nila lahat ng special awards. (best pep squad, best uniform, pati best in commerce cheer!) heyon, kakasad kasi wala kaming nakuha, kaya dumagdag pa sa kaba factor yun! ngunit sadyang mabait si GOD! at kami ang nanalo! weee! kung susukatin height ko nun malamng 6-footer na ko sa sobrang taas ng talon ko. nawalan na kasi ako ng pag-asa afetr knowing na wala kaming nakuha ni-isang special award! pero naman.. as kuya ajjie said "marunong naman siguro yung mga judges eh.." so ayun! ang saya sobra! pressured kami kasi nga defending champs! at sa awa ng diyos, hindi napahiya ang gumawa ng banner na "3-peat! back-to-back-to-back champions". yeah! masaya kasi andun din ang mga seniors namin and ibang alumni! at nasa circle din sila nung announcement na, pati syempre nung kainan present din sila. haaay! nakakamiss sila. it just shows na hindi lang talaga sa cheerdance natatapos ang lahat! and pag-graduate ko, promise ko dadalaw and susuportahan ko parin ang JCBA dancesquad! :)

and that ends my blog! hehe. sa mga bumasa salamat sa tyaga! sa mga hindi, wala lang. go on! haha. :)

21 September 2007

The Feeling Of Being Missed By Someone.

hello world! omg! this is it! this is finally is it! isang tulog na lang (kung makakatulog ako ng maayos) at cheering competition na. huuuu. super kabado talaga ako, ewan ko ba. naiiyak nga ako lagi kapag every after practice lalo na kapag nag-pe-pray na. eh kasi naman eh! ah basta.. LABAN KUNG LABAN! SO BE IT! :) pero excited din ako on how the competition will be tomorrow. kailangan i-treasure every moment kasi graduating na eh. hehehe. :) basta goodluck to all! good luck to JCBA dancesquad, and goodluck to the B.A. community! :)

weniwey, 2 days akong nawala sa school. hindi ako nakapasok dahil first, nagkasakit ako. tapos ngayon excused kami whole day kasi championship ng JCBA at SCARLET sa volleyball! (we won! yeah yeah yeah!) so ayun, at since ngayon nalang uli ako nakapag-YM. heto, isa-isang nag-p-pm mga blockmates ko. namiss ako ng mga mokong! 2 days daw kasi ako nawala. aaaaww. (i miss you too guys!) kakatouch kasi nung mga araw na wala ako hindi ko naisip na mamimiss nila ko. ambabaw ampf! basta salamat namiss nyo ko. may kiss kayo sakin sa GUMS! hahaha. :)

at syempre, mas masaya kapag alam mong miss na miss ka ng isang taong sobrang tagal mo hindi nakasama / nakausap. haaay! sarap ng feeling! hahaha. (ito nanaman ako umaaribba! hahaha.) basta *KiLiG FACTOR!* (hoy irish! mananalo parin ako sa bet naten! tae ka! die fish die!) basta hanggang kiligers muna. bawal boypren, matatalo ko sa pustahan eh! hahaha. bawal ako magboypren buong fourth year, yun ang kasunduan. kapag nanalo ako, great reward from ishie! kapag natalo ako. patay na! baka havaianas ang kapalit! huuu! :(

all in all masayang masaya ang friday ko. :) basta secret! masaya sya! at dahil yung sa simpleng bagay na maraming tao ang nakamiss sakin! INCLUDING SI ATEKOI! amishuu too ate kat! :) okei sige i got to sleep na. big day tomorrow eh. chillax! :)