24 July 2007

Mar-B And 1611.

semitoxic ang araw sa school today. there's recitation sa TAX (of which hindi ako nakapag-aral! ampf!) and then there's a quiz in ENTREP (na super late ko na nareceive yung leakage, but i was able to answer 3/4 of the questions! hehehe. heavy! essay eh!) and syempre ang super toxic na feasib! grabehan na ang mga happenings dito sa subject na ito? gusto nyo ng kwento? dalii kinig na!

marami nang grupo ang "nabuwag" dahil sa feasib namin! pano kasi, hindi magkasundo sa topic, sa mga members, and sa division ng labor. hay! kahit ako mejo di nakapagtimpi sa temper ko eh! pero dahil mahal ko ang "cabuyao group!" (hi marga jill and marb!) hindi ko sila iniwan! wehehehe. and nag-sorry ako dahil nainis ako sa kanila. (yup! ako ang nagsorry sa pagkainis ko!) kanina, action scene ang naganap sa room, sumbatan ever ng isang gurl at isang daddy! hahaha. (given na given na ah!) ewan! nung narining ko sila parang nawindang ako. "dahil ba ito sa feasib? tsk!" kayo ba? ganito din ba nung panahon nyo? nagaaway dahil sa isang groupwork? hay! GOD help 4ba6!

weniwey, so dahil stressful ang araw, we decided to go home na agad. walang kain, walang tambay, derecho uwi. ngunit subalit datapwa't uuwin na dapat ako. nahagip ako ng masamang hangin na nagngangalang mar-b! oo si marrbhea nga! ayun, may problema ang loko. syempre anu pa ba ang pinoproblema ng henerasyon namin? PAG-IBIG! tumpak! kaya ayun, being a very supportive friend, sinamahan ko muna si loko. nanlibre sa 1611. (isang kilalang "chillax" place sa may p.noval) at ayun habang kumakain ako ng carbonara at umiinom sya (ng alam mo na!) eh derederecho ang kwento. ako naman si super advice! (hanggang advice nalang ako eh, wala sa gawa!) pero in all fairness, i was kind of touched na nag-open sya sakin. hindi kasi kami ganun eh. oo close kami, pero when it comes to matters of the heart, alam namin sa isa't-isa na hindi kami comfortable discussing those things. kaya nga ganun nalang ang pagkawindang ko habang nakikinig sa kanya eh. and in return syempre nagshe-share din ako sa kanya tungkol sa past ko. (yuck! may ganun!)

i felt as though i was talking to a girlfriend! hindi ko alma kung may tama sya or ganun lang sya talaga magkwento! nakakaliw. nakakabaliw! hehehe. but all in all i think ok ang naging pag-uusap namin. at least in a way i know i've helped him! and he helped me! ayun! masaya lang ako dahil dun. kahit amoy yosi kami umuwi dahil sa usok sa labas! pweh! hehehe.

ayan! lagot ako pag nabasa nya toh! baka daw maging issueness sa room eh! hahaha. dont worry mar-b! discreet naman mga sinabi ko eh. wlaang detailed info! yeah boi!

at dahil masaya ako, matutulog ako ng maaga! kaya.. babayuu!!

p.s. ate jojie, malapit ko na matapos shopaholic and baby! :D

17 July 2007

Binabawi Ko Na Lahat Ng Sinabi Ko Sayo. :)

hey hey hey! it's my first time to write in my blog since i turned 20! (yuck! feeling!) sorry naman, finifeel ko lang maging "young adult"! well anyway, for those who really made my birthday real fun and surprising! THANK YOU THANK YOU THANK YOU! sa lahat ng pumunta nung "kaunting salu-salo" ko, pati sa mga nagbigay ng mga mumunting regalo, at sa lahat lahat ng bumati (na hindi ko na iisa-isahin ang mga pangalan!) maraming salamat talaga!

well, may istorya nung party ko eh. that was last saturday. basta may "pochay moments" na naman ako. umiyak ako kay mama. na-touch kasi ako kasi mega effort sya sa pagluto, pag-asikaso, pati sa pamimili. basta sa lahat lahat. kung pwede nga ako na rin magluto eh ginawa ko na. hehehe. ayun naiyak ako after nung party, pati may iba pang dahilan bat ako umiyak. ang nasabi lang sakin ni mama.. "bata ka pa nga anak kahit 20 ka na!" buhuhuhu. siguro nga i may appear TOUGH or BIATCHY pero deep inside super sensitive din ako. hehehe. secret lang yun ha? :D

weniwey, im happy! happy as i can be on that 20th birthday of mine. kahit simple lang ang buong araw, naging surprising sya dahil sa surprise ng mga blockmates ko! weee! I LAB U OL! at syempre anu pa ba ang mas sasaya pa sa mga regalo diba? hehehe. dami ko natanggap na gifts. (as what you can see in the album.) and one of those is a pair of mint green havaianas. oo tama kayo! havies nga! galing yung kay kuya shad!

weniwey, eversince kasi sumikat ang havies nagsabi talaga ko sa sarili ko na never, as in never ako bibili ng ganun. sabi ko pa, 700 para lang sa tsinelas? tsk! but then, nung binili na ni ate les yung isang pair ng havies kay ate kat, nagkaron ako ng chance maka-try. at nag-enjoy ako! hehehe. sarap sya sa paa. at na-realize ko na "its worth the 700" hehehe. at ayun, nawili ako! napadalas ang paggamit ko nito! hanggang sa nakahalata na si ate les na umaabuso ako. at simula nun, naging part na ng wishlist ko ang havaianas!

ngayon ang tanong, why green? ewan ko rin eh. hindi ko gusto at hindi ko ayaw ang green. pero green for a havies? parang hirap bagayan ng damit! chaka "happy feet" pa naman ako, baka hindi ko keri! hahaha. but then mabait ang tadhana! may nag-regalo sakin ng oh-so-ciara na top na color green and white! so cool! at ayun may instant porma na ko. yeah boi!

kaya ayan! kinain ko na lahat ng sinabi ko. from the cranky birthdays to the havainas down to the color green. sorry naman tao lang! so ayan babayuu muna for now. got some things to do eh. till here!

03 July 2007

Irish Ochoa! ♥

WHATTADAY! WHATTA TUESDAY TALAGA! HAPPY. HAPPY. HAPPY.

masaya dahil, kahit na alas-dos na ko nakatulog kagabi (kaka-upload ng pics.) nagising parin ako in time for my class. (salamat aloi!) and take note. "HINDI AKO LATE!" advance pa ko ng 30 mins. oha! oha! tapos, first subject namin taxation. ayun yung terror na recitation. and guess what? natawag na ang pangalan ko kanina. mabuti nalang at yung kokonting page na nabasa ko on my way to school, ayun yung mga natanong sakin. haaay! nasabihan pa ko ng "very good" ng wala sa oras! ang saya talaga! at least ngayon makakapasok na ko ng walang kaba sa isip! wehehe. :D I LUUURVE TAX! :D

tapos hindi pa jan natapos ang masayang araw! ganito yun. last saturday, nag-try outs kami ni irish sa JCBA spikers. (voleyball team ng B.A.) tapos kanina napadaan kami sa bulletin board. and guess what! waaaaaaat! *tonong BODIE* nandun ang name namin! saya saya! sa room kasi 4 kaming blockmates na nag-try outs, at kami 2 ang mapalad na nakapasok! wooot! saya talaga! haaaay! :D

at dahil jan, doble kara na kami. dancesquad sa umaga, spikers sa hapon! hay! sabi ko nga kay irish "magakaksawaan kami!" at hindi ko muna sya aawayin kasi matagal-tagal pa kami magsasama! wehehe. :D

at dahil masaya ang araw, nagyaya ako mag-isaw. (may UST version din ng isaw. mejo mahal onti sa UP, pero mura parin. namimiss ko si DALO pag-nag-iisaw kami! waaaaaaat! *tonong BODIE*) at kung titignan ay safe naman sya kainin, siguradong hindi nilalangaw. dito ako tinuruan ni irish kumain ng "dugo". sarap pala nun! wehehe. :D at dahil jan nakumpleto na ang araw ko.

but wait there's more. habang nakatambay kami sa field, biglang nagtext si "yobey" sakin. nasa bahay pala sya at hinihintay ako. naknang! kala ko mga 8pm pa sya pupunta. super takbo ako para makauwi agad. tas ayun, buti nalang 30 mins. lang sya naghintay. wehehe. binigay ko na kasi yung gift ko sa kanyang flowerhorn. (ingatan mo yun yobey ah?) nakakatuwa lang kasi nung nakita ko sya, naalala ko nanaman ang masaya nyang birthday party! haaay! :D

at dahil masayang masaya ako ngayon, napagdesisyunan ko na maaga ako matutulog ngayon! magpasalamat ka sakin ishie dahil special mention ka dito sa blog ko. kapal ng mukha mo. kung di ka lang malakas sakin at kung di ka lang mahal ni nevado! weeee! (may boypren ka na? hahaha!) wehehe. sige sige till here. babayuu! :D

*panibagong araw nanaman tomorrow. makita mo kaya si allan chua ng 3M3? weee! lantut ka! mana ka sakin! :D


02 July 2007

You Write Such Pretty Words. ♥

naman naman naman. look at the time! 12:31 am and im still awake. super gising pa. ewan ko ba. 3 days na kasi hindi kumpleto tulog ko dahil sa kakapuyat kaya ayan, nagka hang-over ata mata ko sa puyatan at alive na alive pa sya. kamusta naman sa eyebags diba?

heniwey, super upload aku sa multiply ngayon ah? pics. blog. event. and the layout itself. lovely ba? nakuu ha! naka 4 na palit ako jan. dahil yung ibang layout palpak sa graphics or sa alignment or sa color. basta. imperfect. and so not me. eh itong napili ko mejo nakakatawag pansin kasi black and red tas may achechenes sa gilid tas may stars pa. kaya ayan goodbye violet for now muna. di maganda combination eh. :D

updates. updates. kamusta naman ako? well. mejo masasabi ko na kahit paano eh HAPPY ako. (shout out ko nga sa friendster "HAPPY! :D" eh at hindi kung anu-anong achechenes na lyrics ng senti na kanta!) masaya nga kasi ewan. kasi hindi malungkot? masaya kasi sa haba ng panahon (yuck! exag!) na malungkot ako eh kahit onti / simpleng bagay masaya na ko. or dahil JULY na kaya masaya ako. ewan. ayoko din i-push masyado ang pagka-saya ko dahil baka bigla uli umikot ang gulong at lumagapak nanaman ako sa ilalim! wag ganun!

masaya nga pala sa school ngayon! isa lang yung subject na pinasukan ng prof kong hindi nakakatuwa! prof na hindi kapupulutan ng magandang asal. at prof na walang ibang alam sabihin kung di "UL*L! TI*I NILA!" ewan ko ba bat hindi kami pinagpala sa subject na ASIAN FOCUS at BUSINESS STRATEGY AND POLICIES at yan ang napuntang prof samin! hay naku! pero ayun na nga, dahil isang beses lang sya pumasok, minus 1 hour ng buong araw ang naging maginhawa! plus maaga din kami nakauwi dahil wala din yung isang prof. ansaya! whatta monday! no worries. no stress. no more tangles! hahaha.

at simula nang pagka-uwi ko andito na ko sa harap ng pc. siguro pa-alis alis lang pero naman naman. ilang oras ata ang ginugol ko ngayon kaka-pc. (very rare i should say!) eh kasi naman ang daming OL na ba6 (hello sa inyo!) at isa sa inaasahan kong OL ng mga ganitong oras (papangalanan na ba kita?) basta! nakakadagdag sa kasiyahan ang PC at internet! wehehe. period!





last saturday yung birthday ni robert. (hi yobey!) at syempre punta kami sa bahay nila para sa "konting salu-salo". masaya. kahit hindi ako yung may birthday parang ako yung sobrang saya. bakit nga ba? as usual, simple things.

* i get to see my HS friends (last time kasi was may pa. birthday ni kath)

* mas marami kami ngayon dahil ung mga usual na hindi nakakasama (liz and phoebe hello!) ay nakasama!

* marami akong natanggap na comment dahil sa aking new haircut. (wag nga lang sana "marielle". masyado na atang sobra yun! hehe.)

* i stayed until the party ended. (lagi kasi ako umaalis agad!)

* nakausap ko yung mga hindi ko masyado nakakusap (hi there jabin!)

* napagalaman kong buhay pa si louis at hindi sya kathang isip lang!

* nalaman kong marami na pala nagbago, ang mga tao ay namumulat sa mga maka-mundong bagay!

* nakakatawa malasing si katherine! hehehe. ngumingiti pag binubuhat ni mac!

* close-close-an aku sa mga tropa kong boys! (yeah! sabi na lalaki talaga ko eh!)

* yung iba secret na...

*at ang pang huli.. akalain nyong naka-usap ko si mikel! hahaha..

(sa mga hindi maka-relate.. BASA!)

si mikel. hhmm. para sa mga EMC peepz, para lang sya si DALO! may achechenes dati, tas hindi nagpansinan (pero in this case walang "bridge / third person"), tas nagkahiyaan, tas ngayon lang naging okei uli. as in CIVIL!) sa mga taga UST naman, para lang syang. uhm. teka. kunyari si justin at ivee. (pero hindi naging kami. tulad nga ng sabi ko "achechenes" lang!) so ayan may somewhat idea na kayo ha?

napagtanto ko na kahit pala college / graduating na kaming lahat ay may part parin samin na "so highschool" talaga! iba na talaga kapag HS friends eh. kahit anong achechenes ang gawin mo, parang highschool parin tingin nyo sa isa't isa. mas mature at may sense nga lang! basta masaya ako nung gabing yun! pasalamat kayong lahat sa nanay ko dahil malaki ang tiwala nya sa inyo! mabuhay ang israel 03-04! mahal ko kayo! *yaks! drama!*

so kamusta naman sa title? ganito yan. si 'closeness' nag OL at ayan ang status nya. tinanong ko kung sino. no answer. tas kwento achechenes, tas sabi ko "sayang di mo na nababasa blog ko". sabi nya nababasa nya daw minsan. tapoooos...

miKeL Marasigan: hahaha, bibisita ako maya maya
miKeL Marasigan: tapos sasakto na yung status ko d2 sa YM hahahaha

soooo.. ayun naman pala eh! self explanatory na! hehehe. salamat for that word. PRETTY! :D

sya sya dito na muna ha? onti onti nang sumusuko mata ko eh. babayuu for now! masaya na ko! para sa lahat ng nagtatanong ng "okei ka lang?" ito na ang sagot ko. I'M HAPPY! salamat sa masayang JULY 1 israel! :D kayo lang pala ang susi! mwaaaahugz tsup tsup sa lahat! *kadiri!*

29 June 2007

Oh Yeah Friday! Ü

halluu! finally, weekend na! ambilis talaga ng araw (para sa mga students!). at nakuu, SWELDO ngayon! kaya pala ang mga "empleyado" sa bahay na ito! hehehe. baka asa mall or sa mga kanya-kanyang lakad pa. :D (libre naman mga ate!) weniwey, kamusta naman ang nakaraang linggo ko? masaya naman. mas light compared to my previous weeks. why oh why? small things.

* nakamit ko na ang tinatamasa kong "closure" with ______. (no more tears!)

* i THINK i did well with school. (bawal tamad!)

* JCBA dancesquad try-outs was a success. (semi-mean girl lang akuu!)

* hindi kami nag-away / nag-kaasaran ni dad. (soooo peaceful!)

* wala akong naka-away na sinu man ngayong linggo! (woot!)

*hindi ako na-late / na-absent the whole week! (what an achievement yan!)

*nabawasan na kami ng 1 cat sa bahay. (wu-hoo! 14 to go!)

* and so on..

hayan! sa tingin ko medyo napagod na tear ducts ko kaka-iyak kaya nag-decide muna sya mamahinga for a while. aba aba! pagbigyan naman! malapit na birthday ko noh? wehehe. woot!

speaking of birthday, salamat kathy at ikaw ang unang bumati sakin in ADVANCE! daig mo pa mga kapamilya ko sa advance! wehehe. hay! kadiri! 20 na ko, hindi na ko teen! ang lagi kong sagot kung bakit kadiri kapag 20 na ko.. "nakakahiya na gumimmick, silang lahat teen, tas ako 20 na. tas ang liit ko pa!) bwehehehe. ang babaw! :D

naku! tapos na ang JUNE. yung kay tagal tagal kong hinintay natapos na agad? oh well, at least dami naman nangyari. masaya nga eh. at eto, papasok na ang JULY. mejo excited, pero kasi i have this "weird" attitude kapag july. everytime nalang birthday ko wala ako sa mood. as in! bugnot, irita, antok, ewan! naalala ko dati lagi kasi kapag birthday ko, dinner lang kami ng family ko. sa don hen, chef, CPK, at sa kung san san pang resto. eh nung mga panahon na yun "adik" ako sa kalye. hay nakuu! i would rather play 5-10 BLOCK 123 (cops & robbers sa mga coño jan!), pati patintero, kesa sa kumain sa labas. kaya ayun everytime nalang kumakain kami, lagi ako walang gana, at nag-yayaya na umuwi agad. (wala pa rin akong sense sa pagkain na masasarap nun!) tapos nung HS days ko na, lagi nalang malakas ulan kapag birthday ko kaya konti lang nakakapunta sa house tas kainan lang yun. (hindi pa ko allowed uminom nun eh.) basta ewan ko ba, mas gusto ko kasing bisita lang lagi ako kesa ako yung binibisita eh. basta. ayoko rin na binabati ako ng "happy" birthday kapag hindi ako masaya. (kaya sakali mang hindi ako naka-smile ng birthday ko wag ka nang mag-atubiling bumati pa. ok na yung tapik sa balikat!) tapos sa pagkaka-alala ko hindi laging sakto sa mismong araw ng birthday ko ang celebration. lagi yatang july 15, or 10. basta hindi sakto. kaya "why bother!" hahaha.

pero don't get me wrong, kahit papano naman i enjoy my birthday. aba! andaming batch ata lagi ng celebration ko. PCU friends, tas UST, tas minsan church. ewan! ang dami kasing friends eh! hahaha. hindi naman pwede sabay-sabayinn lahat diba? :D

anu beh! birthday na agad iniisip ko. tagal pa yan eh. erase. erase. erase! anu beh? ah alam ko na. picture! ayan! sa school yan syempre. (espana side.) org fair kasi sami nitong week an toh kaya may achechenes na ganyan. nung una nahiya ako magpapicture ksai dami-daming tao jan. eh nainggit ako sa kanila kaya ayan sumali na ko. bwehehe. nakita nga to ni ate les eh, biglang gustong pumunta sa ust at magpapicture jan. hehehe. on the contrary, cool din pala magpa-pic jan. lalo na kung "kapal muks" mga kasama mo. *peace ishie*

sige sige dito muna, humihiyaw na sikmura ko. baabyuu!