02 July 2007

You Write Such Pretty Words. ♥

naman naman naman. look at the time! 12:31 am and im still awake. super gising pa. ewan ko ba. 3 days na kasi hindi kumpleto tulog ko dahil sa kakapuyat kaya ayan, nagka hang-over ata mata ko sa puyatan at alive na alive pa sya. kamusta naman sa eyebags diba?

heniwey, super upload aku sa multiply ngayon ah? pics. blog. event. and the layout itself. lovely ba? nakuu ha! naka 4 na palit ako jan. dahil yung ibang layout palpak sa graphics or sa alignment or sa color. basta. imperfect. and so not me. eh itong napili ko mejo nakakatawag pansin kasi black and red tas may achechenes sa gilid tas may stars pa. kaya ayan goodbye violet for now muna. di maganda combination eh. :D

updates. updates. kamusta naman ako? well. mejo masasabi ko na kahit paano eh HAPPY ako. (shout out ko nga sa friendster "HAPPY! :D" eh at hindi kung anu-anong achechenes na lyrics ng senti na kanta!) masaya nga kasi ewan. kasi hindi malungkot? masaya kasi sa haba ng panahon (yuck! exag!) na malungkot ako eh kahit onti / simpleng bagay masaya na ko. or dahil JULY na kaya masaya ako. ewan. ayoko din i-push masyado ang pagka-saya ko dahil baka bigla uli umikot ang gulong at lumagapak nanaman ako sa ilalim! wag ganun!

masaya nga pala sa school ngayon! isa lang yung subject na pinasukan ng prof kong hindi nakakatuwa! prof na hindi kapupulutan ng magandang asal. at prof na walang ibang alam sabihin kung di "UL*L! TI*I NILA!" ewan ko ba bat hindi kami pinagpala sa subject na ASIAN FOCUS at BUSINESS STRATEGY AND POLICIES at yan ang napuntang prof samin! hay naku! pero ayun na nga, dahil isang beses lang sya pumasok, minus 1 hour ng buong araw ang naging maginhawa! plus maaga din kami nakauwi dahil wala din yung isang prof. ansaya! whatta monday! no worries. no stress. no more tangles! hahaha.

at simula nang pagka-uwi ko andito na ko sa harap ng pc. siguro pa-alis alis lang pero naman naman. ilang oras ata ang ginugol ko ngayon kaka-pc. (very rare i should say!) eh kasi naman ang daming OL na ba6 (hello sa inyo!) at isa sa inaasahan kong OL ng mga ganitong oras (papangalanan na ba kita?) basta! nakakadagdag sa kasiyahan ang PC at internet! wehehe. period!





last saturday yung birthday ni robert. (hi yobey!) at syempre punta kami sa bahay nila para sa "konting salu-salo". masaya. kahit hindi ako yung may birthday parang ako yung sobrang saya. bakit nga ba? as usual, simple things.

* i get to see my HS friends (last time kasi was may pa. birthday ni kath)

* mas marami kami ngayon dahil ung mga usual na hindi nakakasama (liz and phoebe hello!) ay nakasama!

* marami akong natanggap na comment dahil sa aking new haircut. (wag nga lang sana "marielle". masyado na atang sobra yun! hehe.)

* i stayed until the party ended. (lagi kasi ako umaalis agad!)

* nakausap ko yung mga hindi ko masyado nakakusap (hi there jabin!)

* napagalaman kong buhay pa si louis at hindi sya kathang isip lang!

* nalaman kong marami na pala nagbago, ang mga tao ay namumulat sa mga maka-mundong bagay!

* nakakatawa malasing si katherine! hehehe. ngumingiti pag binubuhat ni mac!

* close-close-an aku sa mga tropa kong boys! (yeah! sabi na lalaki talaga ko eh!)

* yung iba secret na...

*at ang pang huli.. akalain nyong naka-usap ko si mikel! hahaha..

(sa mga hindi maka-relate.. BASA!)

si mikel. hhmm. para sa mga EMC peepz, para lang sya si DALO! may achechenes dati, tas hindi nagpansinan (pero in this case walang "bridge / third person"), tas nagkahiyaan, tas ngayon lang naging okei uli. as in CIVIL!) sa mga taga UST naman, para lang syang. uhm. teka. kunyari si justin at ivee. (pero hindi naging kami. tulad nga ng sabi ko "achechenes" lang!) so ayan may somewhat idea na kayo ha?

napagtanto ko na kahit pala college / graduating na kaming lahat ay may part parin samin na "so highschool" talaga! iba na talaga kapag HS friends eh. kahit anong achechenes ang gawin mo, parang highschool parin tingin nyo sa isa't isa. mas mature at may sense nga lang! basta masaya ako nung gabing yun! pasalamat kayong lahat sa nanay ko dahil malaki ang tiwala nya sa inyo! mabuhay ang israel 03-04! mahal ko kayo! *yaks! drama!*

so kamusta naman sa title? ganito yan. si 'closeness' nag OL at ayan ang status nya. tinanong ko kung sino. no answer. tas kwento achechenes, tas sabi ko "sayang di mo na nababasa blog ko". sabi nya nababasa nya daw minsan. tapoooos...

miKeL Marasigan: hahaha, bibisita ako maya maya
miKeL Marasigan: tapos sasakto na yung status ko d2 sa YM hahahaha

soooo.. ayun naman pala eh! self explanatory na! hehehe. salamat for that word. PRETTY! :D

sya sya dito na muna ha? onti onti nang sumusuko mata ko eh. babayuu for now! masaya na ko! para sa lahat ng nagtatanong ng "okei ka lang?" ito na ang sagot ko. I'M HAPPY! salamat sa masayang JULY 1 israel! :D kayo lang pala ang susi! mwaaaahugz tsup tsup sa lahat! *kadiri!*

29 June 2007

Oh Yeah Friday! Ü

halluu! finally, weekend na! ambilis talaga ng araw (para sa mga students!). at nakuu, SWELDO ngayon! kaya pala ang mga "empleyado" sa bahay na ito! hehehe. baka asa mall or sa mga kanya-kanyang lakad pa. :D (libre naman mga ate!) weniwey, kamusta naman ang nakaraang linggo ko? masaya naman. mas light compared to my previous weeks. why oh why? small things.

* nakamit ko na ang tinatamasa kong "closure" with ______. (no more tears!)

* i THINK i did well with school. (bawal tamad!)

* JCBA dancesquad try-outs was a success. (semi-mean girl lang akuu!)

* hindi kami nag-away / nag-kaasaran ni dad. (soooo peaceful!)

* wala akong naka-away na sinu man ngayong linggo! (woot!)

*hindi ako na-late / na-absent the whole week! (what an achievement yan!)

*nabawasan na kami ng 1 cat sa bahay. (wu-hoo! 14 to go!)

* and so on..

hayan! sa tingin ko medyo napagod na tear ducts ko kaka-iyak kaya nag-decide muna sya mamahinga for a while. aba aba! pagbigyan naman! malapit na birthday ko noh? wehehe. woot!

speaking of birthday, salamat kathy at ikaw ang unang bumati sakin in ADVANCE! daig mo pa mga kapamilya ko sa advance! wehehe. hay! kadiri! 20 na ko, hindi na ko teen! ang lagi kong sagot kung bakit kadiri kapag 20 na ko.. "nakakahiya na gumimmick, silang lahat teen, tas ako 20 na. tas ang liit ko pa!) bwehehehe. ang babaw! :D

naku! tapos na ang JUNE. yung kay tagal tagal kong hinintay natapos na agad? oh well, at least dami naman nangyari. masaya nga eh. at eto, papasok na ang JULY. mejo excited, pero kasi i have this "weird" attitude kapag july. everytime nalang birthday ko wala ako sa mood. as in! bugnot, irita, antok, ewan! naalala ko dati lagi kasi kapag birthday ko, dinner lang kami ng family ko. sa don hen, chef, CPK, at sa kung san san pang resto. eh nung mga panahon na yun "adik" ako sa kalye. hay nakuu! i would rather play 5-10 BLOCK 123 (cops & robbers sa mga coño jan!), pati patintero, kesa sa kumain sa labas. kaya ayun everytime nalang kumakain kami, lagi ako walang gana, at nag-yayaya na umuwi agad. (wala pa rin akong sense sa pagkain na masasarap nun!) tapos nung HS days ko na, lagi nalang malakas ulan kapag birthday ko kaya konti lang nakakapunta sa house tas kainan lang yun. (hindi pa ko allowed uminom nun eh.) basta ewan ko ba, mas gusto ko kasing bisita lang lagi ako kesa ako yung binibisita eh. basta. ayoko rin na binabati ako ng "happy" birthday kapag hindi ako masaya. (kaya sakali mang hindi ako naka-smile ng birthday ko wag ka nang mag-atubiling bumati pa. ok na yung tapik sa balikat!) tapos sa pagkaka-alala ko hindi laging sakto sa mismong araw ng birthday ko ang celebration. lagi yatang july 15, or 10. basta hindi sakto. kaya "why bother!" hahaha.

pero don't get me wrong, kahit papano naman i enjoy my birthday. aba! andaming batch ata lagi ng celebration ko. PCU friends, tas UST, tas minsan church. ewan! ang dami kasing friends eh! hahaha. hindi naman pwede sabay-sabayinn lahat diba? :D

anu beh! birthday na agad iniisip ko. tagal pa yan eh. erase. erase. erase! anu beh? ah alam ko na. picture! ayan! sa school yan syempre. (espana side.) org fair kasi sami nitong week an toh kaya may achechenes na ganyan. nung una nahiya ako magpapicture ksai dami-daming tao jan. eh nainggit ako sa kanila kaya ayan sumali na ko. bwehehe. nakita nga to ni ate les eh, biglang gustong pumunta sa ust at magpapicture jan. hehehe. on the contrary, cool din pala magpa-pic jan. lalo na kung "kapal muks" mga kasama mo. *peace ishie*

sige sige dito muna, humihiyaw na sikmura ko. baabyuu!

28 June 2007

Remembering Fontana.

hiyee world! at last! my day permitted me to have some "internet time" at heto makakapagblog nanaman ako. weeee!

mejo hectic sa school pero ayos lang. "rak en rol lang!" yan ang prinsipyong pinanghahawakan ko ngayong 4th year na ko. (si ate PAU pa nagsabi sakin nyan ah!) and once agen my friends, nakasurvive nanaman ako sa TAX recitation namin. phew! para kaming mga housemates na nag-aantay ng announcement ni toni gonzaga kung sino lalabas sa bahay ni kuya eh. hehehe. (yuck! hang-over ng PBB!) pero syempre, panibagong kalbaryo nanaman ito dahil panibagong photocopy ng book, panibagong aral, at panibagong stabilo nanaman! tsk. tsk.

sa entrep naman, super aral pa ko dahil ito ang unang quiz namin, not only sa subject na yun but also sa sem na 'to. kaya ayun, karir sa pag-aaral. hindi na ko nanood ng rounin para mag-aral. :D tapos ang lumabas, tsk! 2 questions lang, essay pa! ako talaga, ayokong-ayoko ng essay type. bakit? nakakapagod magsulat, ang hirap mangopya (although hindi ako nangopya kanina.) at hindi mo alam san magsisimula at magtatapos para makakuha ng perfect score. tsk. kumbaga ang scoring nun ay naaayon sa mood ng professor mo at sa penmanship mo. heh! tae! (pero sure ako sa quiz kanina mataas ako! ako pa. biased ako eh. haha!)

sa feasib naman, hay! habang iniisa-isa namin ang mga parts ng PFS at dinidiscuss ang mga factors na dapat included dun, mejo pabigat na ng pabigat yung feeling. "gosh! ang hirap." yan lagi ko sinasabi every after slide na pinapakita ng prof namin. hay! pero katulad nga ng prinsipyo ko, "rak en rol lang!" pag bumagsak *katok sa kahoy* roll na lang! hahaha. CORNY!


ayan! gusto nyo ba malaman sino si jill? eto sya.. hehehe. sya yung katabi ko malamang! yang mga ibang tao jan sa likod, props lang lahat yan. hindi sila tunay! hahaha. :D taken during our fontana outing last sem. yan pinili kong pic namin kasi pretty sya jan! hehehe. hindi halata ang tunay na kulay! bwehehehe. (ayan! nagsisimula nanaman ako!) para po sa mga EMC peeps, ang pagtrato namin kay jill ay maihahambing sa pagtrato ni kuya mikas sa lovely sister nya na si bituin. gets? hehehe. :D




















speaking of fontana. yun nga pala nag-udyok sakin mag-post ngayon. si son kasi asked for our pics, eh yung fontana pics namin, i copied pa one by one sa photobucket. thinking na mabagal ang pc namin! so ayan habang naghihintay na matapos tinitignan ko maigi bawat isa. and nag-flashback ang lahat sakin! bwehehe. (sa mga hindi nakasama, lalo na si ISHIE at MIKO! mainggit kayong muli!

marami nangyari nung buong 2 araw na yun. halong saya, lungkot, inis, peste, laugh trip, at pagod ang dinanas namin nun. pero enjoy. first time ko makapunta dun, kaya talagang i enjoyed every moment there. i-bu-bullet form ko nalang para mas mabilis i-type.

- it was our very first outing as 3BA6, although hindi lahat nakasama, at least lagpas 15 kami!

- bago makarating ng fontana, 6 hours kaming nakatambay sa SM clark dahil nagkaproblem sa car na mag-hahatid samin sa fontana.

- pagdating sa fontana, wala pala kaming matinong pagkain! puro e-aji, pillows, v-cut, at kung anu-ano pa. wala din kaming tubig, 2 gallon lang. for the whole 2 days! tae talaga! puro beer laman ng cooler.

- yung buong vila ay covered ng makapal na FOG! (usok galing sa yosi) kaya kahit hindi ka smoker, lahat ng parte ng katawan mo, pati loob ng bag mo, amoy yosi na.

- nakausap ko ang mga blockmates kong hindi ko normally kinakausap sa room (e.g. moi, justin, iggy, jesse)

- na-break ko ang numero unong rule sa aking precious tattoo ko.. "BAWAL MAGSWIMMING!"

-ang lakas ng hilik ko! hindi yata nakatulog si mark dahil dun. *soree!*

- may picture kami ng major crush ko (dati! take note! dati lang!) na si PHER! :D (kaso wala akong copy, nakay justin lang ata copy nun.)

- konti nalang yung natira para mag-swimming, kaya todo-bonding talaga!

- may mga nabuong "loveteams" sa lugar na yun. syempre given na si CHA and DEX. si son at si *blank* pati si ivee and *blank*. (ayoko na mag-name drop! baka malagot pa ko. hahaha! peace girls!)

- masaya naman yung outing, kung may pagkain lang talaga! tsk!

so ayan. ayan mga naalala ko eh, yung iba baka hibang na ko o kaya antok na kaya di ko na nasulat. memorable as in! hehehe..

so paano dito nalang muna. i need to go na, may MAPUA trip nanaman ako tomorrow eh. babayuu! :D

26 June 2007

Umiyak Si Jill. :((

hey hey hey! hay nakuu. andami ata "dramedy" moments ngayong araw. nangawit 'cheeks' ko eh. anu umpisahan ko na? GO!

una, sa taxation namin. everytime nalang na time na ng tax yung room namin parang nagiging temple ng Buhddist, lahat may kanya-kanyang panalangin na sana hindi matawag sa recitation / memorization of the book word per word. hay! sinu ba naman hindi mangangatog sa nerbyos nyan diba? first subject pa yan so kapag hindi ka nakapag-aral ng gabi, wala ka na! ASA! lahat kami, nakayuko, basa kamay, at tensyonado. random kasi ang pagtawag sa students. (hindi ala roleta ni kuya mikas. hehe!) ah basta. nakakabaliw lang dahil up until now hindi pa rin ako natatawag, meaning to say, tuloy ang kalbaryo sa pagmememorize! tsk! UBOS NA STABILO KO! :D

pangalawa, sa entrep namin. masaya kasi we had this activity wherein you would make a collage about yourself from magazine cut-outs. enjoy talaga dahil, aba! FORTE ko ata mag-gu-gu-gupit sa back issues ng candy mag noh! so weniwey, ayun, pakikayan, mapalalaki or bakla, kering-keri! hahaha. tapos lahat ng "artwork" namin dinikit sa board, then lahat kami pinakuha ng isa na hindi samin, then we would explain it to the whole class. yung pinili kong work is kay IVEE, and yung pumili ng akin is si SON. (syempre kaming magbabarkada ang nagpilian diba?) sayang kasi wala akong dalang cam kanina kaya hindi ko napicturan work ko. (next blog ko nalang promise!) tapos nakakatawa kasi yung pag-eexplain ngmga boys walang kwenta, pero yung sa mga girls naman akala mo DEBUT eh. haha. mala-18 candles ang pagdedeliver ng explanation. tulad nalang ni son, seriously, na-touch ako sa pagkaka-explain nya nung work ko. (next blog nalang. basta masaya, nakkaiyak. :D)

pangatlo, at panghuli. nung feasibility study namin. si JILL! umiyak. :C dahil jan sa "sex toys" na yan! hahaha. ganito kasi yun, groupings kami kanina para mag-brainstorm ng ideas na gagawin namin for our PFS. tapos biglang sumigaw si jill "sex toys" daw. eh kami mga loko-loko binara sya. "weh!" "epal!" "libog mo!" "wag ka dito Christians kami!" (hirit ko yan!) at samu't-sari pa. tapos biglang tumahimik si jill, patuloy parin kami sa pagtawa. LALO NA SI MARGA! nataatwa sya sakin dahil sa tawa ko. (alam naman naten siguro lahat paano ako tumawa diba?) tapos ayaw nya tumigil, hindi rin ako makatigil. tapos ayun tumahimik si jill. nung nag-consult na kami kay ma'am, hinid sumama si jill, tapos syempre hinanap sya ni ma'am, ayun tas nasermonan pa na kung may problema daw sa groupmates, this early palang mag-palit na raw. eh mejo napalakas ata ang announcement at narinig ng whole class. syempre ang 'cabuyao group' (kami yun!) tawa-tawa lang pero mejo napahiya. tas ayun, nung dismissal na, umiyak si jill paglapit sa kanya ni mar-b. kasi daw she felt na sya daw pinariringgan ni ma'am. (aaaaww.) chaka siguro napikon ng onti samin, chaka siguro PMS, chaka siguro may hang-over ng away nila ni kyle. (grabeh! dami ko naisip na dahilan kung bakit ka umiyak.) so ayun. JILL JONSON soreee na. pls.? sige na maganda naman bangs mo eh! *peace*

ayan! isang makulay na araw nanaman sa UST ang lumipas. sa dami ng mga pangyayari, guess what? walang nagtext sakin ni isa! as in wala! kahit advisory ng sun cell wala! hay! napaisip tuloy ako, wag na nga kaya ako mag-globe at mag-cellphone. hihihi. :p

so paano? dito nalang muna ha? babayuu!

23 June 2007

Tama Na.. Let Me Move On..

"said it was over and im slowly dealing but deep inside there's this awful pain im feeling.. i wonder when it will end when can love start again.. told myself that you probably need some time and maybe then you would come to change your mind but.. now i know i was wrong guess i gotta be strong.. i gotta move on.. though in time things will heal in my heartbut right now im just falling apart..if i knew that you still love me, i could.. undo the pain i caused and i would take it all away so you'd stay, but its too late for that coz your not coming back .."

emotera nanaman ba ako? i hate it when i'm like this at times. sabi nga ni frank "masaya maging malungkot." pero syempre nakakapagod din maging malungkot. it seems that you've got the whole world at your back. i mean, oo na sige na LOVELIFE nanaman ito. ang babaw noh? eh wala eh, ayan talaga ang kahinaan ko. kumbaga sa superman, kryptonite ko yon. kaazar!

i've decided once and for all (and for good) na i'm gonna move on. because of certain reasons na he hasn't given me enough reasons to stay, i don't know what will happen (if there will be something happening), and medyo nakakapagod narin maghintay when the world is already giving you the reasons to just let it all go and move on. haaay! (naiinis talaga ko sa sarili ko kapag ganito ako kaarte! sorry. post-menstrual syndrome lang po! :D)

i've made a tactic/strategy kung paano ko gagawin ang nasabing "move on/let go". i've made a journal, entitled "forget him in 30 days (or less)". and journal na ito ay pinakatatago-tago ko talaga. bawal may makakita, mamaya mali ang mga teorya ko dun magkamali pa yung makabasa nun. weniwey, bout that journal, so ayun, the goal is to syempre let go within 30 days. so why 30 days? wala! 1 month, and i think that's long enough na to forget your feelings for that someone. syempre ayoko din ng bitter ako sa kanya. kaya nga i'm always praying na "i-cleanse" yung heart ko kasi ayoko maging bitter. kahit na alam ko at nasa ugali kong bitter ako. haaay! chef! so ayun, dapat every day (from day 1 to day 30) dapat may progress ako. for example, nung day 1 ko i erased all my contacts of him, 2nd day i threw away all our pics together. basta mga ganung achechenes. pathetic? oo! sobra! wala eh. i have to deal with this once and for all. ayoko na ng may ganitong "hanging" feeling between us coz i don't want this to interfere with my schoolworks especially my project feasibility study. so i have to sort out things, between me, between us. so ayun! basta chorvah na ang ibang details. alam ko namang itong blog entry na ito ay magiging "public property" kaya i'm keeping somethings nalang for my privacy. hehehe! :D

hay ewan. sorry, stressful the week that was kaya ito ang isa sa mga outlet ko. ang aking blog. (wala pa syang name.) at least when i go to church tomorrow, light-headed na ko at maiintindihan ko ang sermon. hehehe. wala munang mga rain clouds sa utak ko.

so ayun till here muna. pag may problema ulit ako kita-kits. babayuu! :D