19 September 2011

Know What Is Worth Fighting For.

Decisions decisions.. I identifying pros and cons, advantages and disadvantages, weighing what matters most, setting priorities.. WAAAAAH! Nakakahilo na!

Ganito lang 'yan, its either I stay, or I leave. Bakit? Dahil dito:

1.) Yung naghihintay ka na ng "mahabang" panahon [Mga dalawang taon.] para maging "stable" na ang lahat, pero hanggang ngayon malabo pa sa tinta ng pusit kung mangyayari yun o hindi.

2.) Yung tipong wala nang "growth" or "sense of fulfillment" or "career achievement" sa ginagawa mo dahil bukod sa pulit-ulit lang ito, "IRRELEVANT" din ang point of view ko, so kung may "ideas" man ako, deadma lang.

3.) Yung akala kong kakampi ko, yung magtatanggol sakin kapag may problema, [Hindi naman sa pagtatakpan kapag may ginawang mali, tipong FAIR lang.] yung pinagkatiwalaan ko, pero nilalaglag din pala ako kapag 'di kami magkaharap, at walang ka-supo-suporta. Naturingang nasa posisyon pa naman, pero ayaw umasal ayon sa...erm.. posisyon? Ewan! Basta! Walang kwenta. Hindi kaya ipagtanggol sariling nyang kasamahan. Hindi niya man lang ako nagawang ipagtanggol/ipaglaban kahit paano, siya pa mismo, harap-harapan naglalaglag sakin. MAN UP, BITCH! Tapos tatanungin ako bakit masama loob ko? STUPID.

4.) Yung tipong hindi mo na alam bakit nananatili ka pa sa sitwasyon sa kabila ng lahat ng nasabi mo sa 1-3. Magtitiis pa ng konti, baka sakaling gumanda pa takbo ng kwento? Wala pang lilipatan? Nananalig parin sa pagbabago? Baka naman kahit paano ay "happy ending" parin or "win-win situation" parin ito?

HINDI KO ALAM. Wala sa akin sagot sa mga yan. Ayoko narin naman magpadalos-dalos sa mga desisyon ko at ayokong umiral ang 'damdamin' sa pagpili ng tamang desisyon, nagawa ko na yun dati at ngayon ko nakikita ang resulta ng naging desisyon ko.. Ano ako ngayon, eh di ito, nahihirapan. Kaya ngayon pag-iisipan ko ng mabuti 'to. Sana lang ngayon, tumama naman ako.



"People don't leave because things are hard.. They leave because it's no longer worth it.."

No comments:

Post a Comment