31 August 2011

Quitting is forever.

Rainy Wednesday! Hindi na talaga tumigil 'tong si Mina. Anyway..

Euphoria.

I'm here at UST now fixing my application for blah blah blah [I don't want to talk about it yet, baka maudlot eh. Haha!] and since morning I've been going around from building to building doing what I should have done way back 2008, after graduating. [Thomasian 2008, Alumni Card, Clearance from Office of the Treasurer, Official Transcript, etc.] I missed this school.. everything about it. [One thing I didn't miss though.. The rain! Tsk!] Buti nalang puro with friends ang memories ko dito, hindi tuloy nakaka-bitter! Haha! :)

Ganitong-ganito ako before, magrerent ng PC before/after class para mag-blog nung kung ano man habang gumagawa ng paper/assignment/feasib/etc. [In this case, nag-eedit ako ng letter at nagpapalipas ng oras dahil sa lakas ng ulan!] Minsan, naiiyak-iyak pa ko habang nag-bblog. Haha! Anyway, tama na nga. Basta. Nakakatuwang bumalik dito sa paborito kong haligi ng USTe.. Ang DAPITAN. :D

Nalulungkot parin pala ako. Kahit anong gawin kong paglilibang wala parin, umuuwi parin akong malungkot. Kahit ilang "activities" isalpak ko sa idle time ko, wala parin, useless. Haaaaaay! Anu ba naman.. Andito na naman ako sa 'EMOde' na 'to? Kakasawa na. Nabansagan na kong 'Crayola' sa office dahil lagi na kong pumapasok na namamaga yung mata. @_@. Eeeeeeeeehh!

PAIN IS TEMPORARY. QUITTING IS FOREVER. --Elorde

Ayan. 'Yang poster na yan ang bumubungad sakin tuwing may boxing session ako, 'di ko naman siya napapansin before, nung isang araw lang. Haaaaay. Naisip ko nalang, TOO LATE! Nadala na ko ng 'emotional stress'. Kung nakita ko sana 'to ng kahit mas maaga pa, hindi sana ganito.

Pero naisip ko, totoo nga naman ang poster na yan. Halimbawa sa pagtakbo ng 10KM. Sa unang beses mo tumakbo ng 10KM, halos isusumpa mo ito. [Lalo na kung katulad kita na tamad mag-practice.] Siguro yung unang 3KM, ok ka pa, kayang-kaya pa.. Pero pagdating mo sa 7KM makakaramdam ka na ng pagod/sakit/at kung anu pa man. Kung titigil ka, olats, pero kung pipilitin mo pang tumakbo, matatapos mo yung buong 10KM at masaya ang feeling afterwards. Sasakit nga katawan at binti mo, pero alam mong kaya mo naman tapusin.

Tulad din sa 'boxing'. Kahit na alam ng boxer na matatalo siya, go lang sa suntok. Laban lang ng laban. Kesa naman mag-quit bigla diba? Olats yun. Mga bading na boxer na nagpaparami lang ng pera ang gumagawa nun.

Basta. Wala yata akong sense. Basta, gusto ko yung poster na yun. Namomotivate ako sa maraming bagay. Ginawa ko na ngang wallpaper sa fone para kahit wala ako sa gym, makikita ko parin.

I'll never quit. AJA! [Pero sana nga TEMPORARY lang talaga ang PAIN.]


Nahihilo. Nalilito. Asan ba ko sayo? Aasa ba ko sayo? :((

No comments:

Post a Comment