Kaya ayokong gising ng mga ganitong oras eh.. Nakaka-emo! Bad trip. :|
"Bakit 'di mo maantay yung 'change'? Hindi naman biglaang nangyayari yun eh." -- May isang taon narin mula nung may nagsabi sakin nito. Sobrang tumatak sa isip ko 'to, at mula nun sinasabi ko lagi sa sarili ko na ang sama sama ko naman for [almost] giving up that easily.
Pero ngayon, makalipas ang isang taon, dapat na ba akong umasa sa 'change' na yun? Kasi here I am, a year after, still confused, still stuck in the very same situation. Naghintay naman ako eh.. [At naghihintay parin] para sa pagbabago, pero wala eh.. Hindi lang talaga ko 'patient' siguro.. :(( [Alam ko yun, alam na alam ko yun.. Wala akong talent pagdating sa pagiging 'patient', kahit pa pilitin ko ng bonggang-bongga!]
Let me just put it this way.. Ako na, ako na ang masama..
Ako na ang masama. Ako na ang 'di makaantay sa 'pagbabago' na gaganda pa ang takbo nitong kwentong 'to..
Ako na ang masama. Ako na ang nang-iwan sa ere at inisip ang sariling kapakanan. Ako na ang di tumupad sa pangako.
Ako na ang masama. Ako na ang palaging umaasa at nag-eexpect, kaya madalas madisappoint.
Ako na ang masama. Ako na ang mahina. Ako na ang bumitaw. Ako na ang ayaw lumaban.
Yung feeling na ang tagal mo nakakakapit sa isang bagay. Na kahit masakit na ay mas hinihigpitan mo yung kapit. Darating yung panahon na nakakapit ka nga pero wala ka nang maramdaman. :((
I need a break.. I'm sorry..
[I know medyo wrong timing 'tong 'call' na 'to.. Pero I couldn't be of any 'help' to you anymore.. Wala na kong mabibigay.. I don't wanna be unfair to you.. I'm sorry..]
No comments:
Post a Comment