02 February 2011

Ayan Ka Nanaman Melissa Joy!

♫♪ Nandyan ka na naman, tinutukso-tukso ang aking puso. Ilang ulit na bang iniiwasan ka di na natuto. Sulyap ng 'yong mata laging nadarama kahit malayo. Nahihirapan na, lalapit-lapit pa di na natuto. Isang ngiti mo lang at ako'y napapaamo. Yakapin mong minsan ay muling magbabalik sa'yo na walang kalaban-laban. Ang puso ko'y tanging iyo lamang. ♪♫

Oo na. Ito na naman ako, si Melissa Joy, tatalon na naman sa bangin. Wuuuuuzaaaaah! [At ikaw EMMA CRISTINA OBENZA, 'wag ka tatawa-tawa diyan!]

Ganito lang yan: RISK. Kung THIS would turn out fine, eh di ok. Isang masayang araw sa Pebrero? Check. Kung hindi naman, eh di back to square one na naman at iiyak at magpapaka-emo at magttweet ng kung anu-anong naaalibadbaran na si John Benson. Hahaha! =))

Pero seriously, hindi ko alam kung anong laro nanaman meron 'tong si 'FATE' at bakit may ganitong kaganapan sa payak kong araw. Nakakabigla. Nakaksuka. Nakakaexcite. Para na naman akong sasakay sa roller coaster! Aakyat, bababa, paikot-ikot, nakakahilo. Tapos magugulat ka nalang, tapos na yung ride. Am I in for another ride? Malay naten. Pwedeng oo, pwedeng hindi. Ayoko mag jump into conclusions pero sana.. sana.. sana my heart would be still. Para di na ko mag-hope. Para less narin yung sakit. Basta.

Ngingiti ako mamaya. Alam ko. Positive.

Dito na lang muna. Bye!

1 comment:

  1. ayaw ko na ikwento dito kung bakit ako natatawa.. baka sapakin mo na ko.. :D

    ReplyDelete