29 January 2011

Late Night Rants.

Ano January? Matatapos ka na pero ganito pa rin ako, miserable parin. Saya mo ah! Salamat!

Nung Friday, nacheck ako ng mga Predictions ng mga Zodiac Signs for the year 2011, sabi ang Cancer, Aries at Pisces daw swerte sa first quater ng taon. AH TALAGA? Swerte ba 'to? Tama nga ang mga tao, HULA lang yang mga yan, DI TOTOO!

Ayoko nang marining ang 'three-words-eight-letters' na yan. Hindi na ko naniniwala sa totoong laman ng mga salitang yan. Shet!

Alam ko bakit ako minamalas lately.. Malapit na kasi mag-February eh. February and October ang mga buwan na para akong pinaparusahan ng kung sino man. Lahat ng BV nangyayari ng mga buwan na yan. Lalo na yang Valentine's shit na yan! In your face! Hindi na ko magkakaron ng Valentine's chorvah kahit kailan, sumpa na sakin yan. Bakit ba kasi may ganyang tradisyon pang nalalaman. Che!

Napapagod na ko. Hanggang ngayon umiiyak parin ako. Nahihirapan. Nakakatulog ng umiiyak. Miserable. Sana naman kahit paano gumaan na 'tong kaartehan kong 'to. Hindi na nakakatuwa eh. Tama nga sila, hindi mo mapipilit ang sarili mo maging masaya. NEVER! Haaaaay. :((

Last Rant: May bago akong laban na kailangang harapin. Mas mabigat 'to sa lahat! Magbabago buhay ko 'pag nagkataon. :(

Dito muna. Paalam.

No comments:

Post a Comment