18 July 2010

Hindi Makatulog.

Mga kalat na pagiisip dahil hindi ako makatulog:

1. Tumatanda na ba ako? Dahil hindi na ko makasabay sa puyatan, naiinis ako kapag hindi kumpleto tulog ko, at naiirita ako sa mga maiingay kapag hindi ako makatulog. Haaaaay. 23 palang ako pero ugali ng 32 'to diba? :(

2. "YOU WANT WAR? I'LL GIVE YOU WAR!" Kung may attitude problem ka at ako ang aartehan mo, (Nang hindi kumpleto tulog ko) asahan mong babalik sayo ng x2 lahat yan, and worse! Che!

3. Loner din pala ako. Mas gusto ko mapagisa kaysa sa makasama ang maraming tao. Mas naeenjoy ko ang paligid pag mag-isa. Peace of mind. Relaxing.

4. Hindi pala sa hindi ko kaya magpuyat, may pinipiling panahon lang. Parang ngayon, antok ako pero dilat na dilat pa ko.

5. Meron pala talaga akong ugali na "Bago ako, sila muna." Tipong ok lang na ako ang magadjust (Sometimes to the extent that even I couldn't imagine) basta maging masaya/ok lang sila. Sacrifice baby! Para lang wala nang masabing kung anu man.

6. Kaya ko palang magtype ng random tulad nitong blog na 'to na hindi ko iniisip sunod kong sasabihin. Bira lang ng bira!

7. Naho-homesick parin pala ako. At alam ko tuwing kailan yun. Tuwing wala ako sa bahay (Malamang!) at hindi ako masaya sa kasalukuyan kong kinalalagyan kaya namimiss ko sa bahay. (specifically sa kama katabi mommy ko.)

8. Hindi parin pala ako over sa stage na hindi nakakatulog ng walang ilaw. Parang ngayon, dahil hiniling ng kasama kong patayin ang ilaw, ayan! Sya'y mahimbing na mahimbing na habang ako blog pa ng blog para makatulog. Haaaay.

Ititigil ko na muna dahil masakit na daliri ko. (I'm just using my fone kasi.) Till here. :)

No comments:

Post a Comment