15 July 2010

Am I REALLY Over It?

When I said "IT'S OVER..", do I really mean that it was "over"? Or do I really want it to be "over"? Seriously, I don't know where the difference in these two lies. All I know is that I'm still affected by what is / what is not happening between us. I am still hurting. I am still missing you. And the situation I am / we are in right now, its not helping at all.

I just have to let this out. This thought has been bugging me for almost a week now, and it really burdens me to think about these things, cause I know that I can't do anything to make it better. I just have to endure the 'pain' and hope that eventually, it will be ok again.

I know I have faults [I'm not perfect. Almost perfect lang! Ü] that's why I think I deserve this uhhmm.. problem? Hindi ko alam ang tawag, basta THIs. ITO. Kung anu man to. :(

Ayoko na mag-English. Sumasakit na nga dibdib ko, dudugo pa ilong ko. Haha! Pati natatagalan ako mag-blog pag English kasi iisipin ko pa maigi. Di katulad pag Filipino, dere-derecho lang. Parang ngayon, pointless na tong sinusulat ko pero sige, GO LANG! Ü

Game. Anu nanaman nga ba kasi to? 23 na ko [Di parin ako sanay, ilang araw palang akong 23.] at ganito parin mga drama ko sa buhay. Well.. Isa lang masasabi ko.. "SORRY NAMAN! NAGMAMAHAL/MINAMAHAL LANG!" Hahaha! Ü Seriously, hindi ko din alam bakit ganito ako ka-affected kapag L-O-V-E ang usapan, lalo na kung L-O-V-E-L-I-F-E ko! Hindi naman ako mababaw na tao para yun lang ang isipin ko sa buhay, affected lang talaga ko ng SOBRA that's all!

Anyway, ayun. Back to what I was saying. Hindi ako sure kung over "OVER" na nga talaga kung anu man yung meron sakin / samin. Hindi ko din alam kung gusto kong over na nga talaga diba? Selfish? I know. Kasi for me, kapag sinabing "over" na, it means tapos na, the end, period, etc. Yung tipong "no turning back", bawal ang "urong-sulong" at "balimbing". Dapat kapag over na.. OVER na talaga. Kaya ako gumaganito ngayon kasi parang hindi ganyan ang nangyayari sakin ngayon. Huhuhu. Ang hirap ko intindihin. :(

Ganito kasi yan. Bakit tuwing nakakakita ako ng something from someone [Let's say sa FB.] parang may tama sakin. I mean, hindi naman ako yung pinatatamaan or hindi naman ako involved dun sa nakita ko, pero may tama talaga. Yung tamang parang 'kirot'. Yung alam mong may laman. Yung alam mong kahit paano masakit? [Or exagg lang ako?] Basta ganun yung feeling. Tapos idagdag mo pa dun na alam mong hindi kayo ok lately, as in totally walang communication, pero ikaw naman ang nagdecide na maging ganun in the first place. So either way, olats ka. Ako pala, I mean. Nagiging 'self-centered' na ba ako? Hindi ko alam. Baka nga. Nooooo!

Bukod dito ay may isa pa kong nararamdaman na alam kong hindi dapat. SELOS. Aaaaw! matagal ko nang kinondisyon ang utak ko na hindi dapat ako maging selosa, or magselos sa kahit anong bagay. As in KAHIT ANO! Dito ko unang natutunan ang salitang "Chill.." meaning, kalma lang. Hindi dapat magselos dahil pinagmumulan lang 'to ng away. Ayoko pa naman ng away, dahil kasunod nun usap. Haaaay! So ayun nga, wala na kong selos sa katawan.. DAPAT! Kaya lang, dahil nga nagiging self-centered na ko, parang nagiging selosa narin ako. Tama ba? Basta point is, nagseselos ako ng hindi dapat. At ayoko 'to! Kasi naman, may ibig sabihin dapat yun kung bakit ko nafifeel yun diba? Dahil ba sa sobrang selfish ako, gusto ko akin lang sya? Dahil ba kahit pinakawalan ko na sya dapat ako parin gusto nya? Dahil ba dapat kahit wala na, meron parin? Ha? Anu daw? Di ko na magets mga sinasabi ko. :((

Till here nalang muna. I think I'm not thinking straight anymore. Sabog na ideas and thoughts ko eh. :(

PS.

Naisip ko lang, ito yata yung hardest part eh. Yung tipong alam mong gusto mo na talaga mag-move on pero may 'longing' kang nararamdaman with the person kaya nahihirapan ka.

Or, pwede din kasi na it didn't end up well kaya may slight 'bitterness'.

Pwede din na gusto mo na sila i-let go pero ayaw mong i-let go ka nila. Peste! Selfish nanaman?

Feeling ko jinujustify ko lang yung mga whines ko sa taas kanina. Oh well. Sorry naman. :(



No comments:

Post a Comment