ganito ang nangyayari pag kumuha ka ng 4 na tasang sabaw at sabay-sabay mo binuhos sa sarili mo.. masakit sa ulo, masikip sa dibbdib, at hindi ka makahinga.
hindi ko gusto mag-inarte o mag-drama lang. kaya ko naman kasi 'to eh, wag lang magsabay-sabay.. utang na loob, wag!
akala ko nung mga nakaraang araw ayos na ang lahat, akala ko lang pala yon. siguro nga hindi kailanman magiging maayos ng sabay-sabay, meron at merong sasablay. siguro dapat isa-isa lang. hindi ako makahinga.
---------------------
para sa'yo. sa'yo na simula palang nandiyan na sa tabi ko. kilala na ang buong pagkatao ko, ngunit hindi ito tanggap ng buo. maniwala ka man o hindi, pilit kong sinusubukang magbago para sa ikatatahimik at ikasasaya mo. siguro minsan hindi mo nakikita ang mga pagbabagong iyon dahil ang tanging nangingibabaw parin sa'yo ay ang mga pagkakamaling nagawa ko sa nakaraan. madalas kong isipin "napatawad mo na ba ako?" kasi kung oo, dapat ay sabay nating kinakalimutan ang mga bagay na iyon hindi ba? kung hindi naman, maiintindihan ko, pero hindi mo kailangan isumbat sa akin ang bawat pagkakamaling nagawa ko sa tuwing nagkakaroon tayo ng di pagkaaunawaan. ang ngayon ay iba sa kahapon. ang nakaraan na ay hindi dapat idinuduktong sa kasalukuyan. at ang kasalukuya ay hindi dapat maging basehan ng hinaharap. ang mga bagay ay palaging nagbabago, sumasabay sa ikot ng mundo. bilang tao, dapat ay natututo din tayo tanggapin ang mga pagbabagong ito. para hindi tayo namumuhay sa nakaraan o sa hinaharap. nasasaktan ako kapag nalalaman kong hindi mo parin nalilimutan ang mga pagkakamaling nagawa ko noon, nasasaktan ako kapag pilit mo kong hinahanapan ng pagkakamali sa kasalukuyan, nasasaktan ako na hindi ko na nakikita ang hinaharap na magiging maayos pa ang lahat. sinusubukan ko, pero bilang tao, napapagod din ako, at sumusuko.
alam ko din na hanggang ngayon ay wala ka parin tiwala sa akin dahil sa mga pangyayari ng nakaraan, at dahil dito ay pilit mong inaalam ang bawat detalye ng buhay ko upang mas maintindihan mo ko at maibalik ang tiwalang nawala. pati ang "privacy" ko hindi mo na ginagalang, malaman lang ang mga bagay na pilit mong inaalam. ilang beses narin ito nagpag-usapan, pero wala parin pagbabago. hanep! kapag ako ang may mali, ako talaga ang mali. kapag ikaw ang may mali, ako parin ang mali? malabo. sabi mo nga, kung walang tinatago, hindi magdududa. paano kung gusto talaga itago dahil ayaw lang ipaalam? malabo.
mahal kita. pero nasasaktan na ako. [at alam kong nasasaktan din kita. alam ko yun. alam na alam.]
---------------------
para sa'yo. sa'yo na hindi ko inaasahang hanggang ngayon ay lagi lang palang nandyan. dating kakilala lang, ngunit naging matalik kong kaibigan. busilak ang loob, lubos ang pagmamahal sakin, laging handang tumulong na hindi naghihintay ng kapalit. walang ibang inisip kung hindi ang kaligayahan ko; kahit tahimik, alam kong may pakialam. o ganun nga ba? sa'yo na hindi ko na alam kung anu na nga ba talaga? tila taliwas ang iyong mga salita sa iyong gawa. madalas ako ang lumalapit ngunit wala ka ni isang salita, pero kapag magkalayo tayo dun ka maraming sinasabi. hiya parin ba ito? hindi ko alam. sa'yo na walang ibang hinahangad kundi ang kaligayahan ko, yun din ang nais ko sa'yo. ang maging maligaya ng walang pagdadalawang isip, maging malaya sa mga problemang hindi mo naman dapat pinapasan. taos puso akong nagpapasalamat dahil nakakita ako ng isang kaibigang maaasahan at kahit kailan ay hindi ako hinusgahan sa mga nagawa/ginagawa/gagawin ko. masaya ako, pero nalulungkot din ako. dahil kung gaano mo ko napapasaya, alam kong hindi ko kayang pantayan yun. nalulungkot ako lalo pag alam kong malungkot ka, at ako ang dahilan nun. pinakanalulungkot ako dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam ang sagot sa tanong na 'to. "ano na pagtapos nito?"
wala na kong ibang maisip na salita kundi salamat. naiiyak ako tuwing naiisip ko ang sitwasyon natin. kung baga sa libro, ayoko nang tapusin ang pagbabasa nito. gusto kong tumigil nalang sa gitna, at pagkatapos, isara ng pikit-mata ang libro. sa ganun, kahit medyo malungkot, masaya parin. malabo.
mahal kita. pero hindi ko alam kung hanggang saan. [at kung may patutunguhan nga ito.]
---------------------
para sa'yo. sa'yo na binibigyang kulay ang bawat araw ko. sa'yo na walang ibang ginawa kung hindi lagyan ng ngiti ang labi ko. tuwing kasama kita, pakiramdam ko nasa ibang mundo ako. mundong walang problema, puro saya lang. habang hawak ko ang kamay mo, alam kong walang pwedeng mangyaring hindi maganda. ipinakita mo sakin na kahit masalimuot ang mundo, makulay parin ito. ikaw na isa sa pinakamatalik kong kaibigan, hindi ako binigo kahit kailan. maraming salamat sa lahat ng pagmamahal na patuloy mong binibigay sakin kahit na hindi ko ito hiniling. isa lang ang masasabi ko, hindi ka mahirap mahalin. kaya nga hindi narin ako magtataka kung isang araw makita mo ang taong iyon na magmamahal sa'yo ng sobra, gaya nang kung paano mo mahalin ang mga tao sa paligid mo. tunay na napakalaki ng puso mo, hindi ka tumitingin sa anyo, kundi sa pagkatao ng isang tao. [?]
sa kabila ng lahat ng binibigay mo sakin, naisip ko "ano nga ba ang naibibigay ko sa kanya?" isa lang sumagi sa isip ko.. lungkot. anong klaseng tao ako? isang taong walang ginawa kung hindi paligayahin ako, pero lungkot ang ibinibigay kong kapalit? walang kwenta. kaya ayan, nakakarma. :(
hindi ko na alam kailan kita muling mapapangiti. ngiti na walang halong lungkot sa mata. ngiti na walang halong sikip sa dibdib. ngiti na magaan sa pakiramdam. ngiti na galing sa puso. kailan kaya..
mahal kita. pero hindi ko alam kung tama pa ito. [ano nga ba ang tama at mali?]
---------------------
para sa'yo. sa'yo na hinding-hindi ko inaasahan na magiging maganda ang ating samahan. sa'yong mga ngiti, galak, tuwa, lahat na. tunay na nakakadala ng damdamin. ang oras ay tumitigil kapag ikaw ang kasama. wala na kong ibang iniisp, ikaw at ako lang. masayang-masaya ako na naging magkaibigan tayo at nakilala ng mabuti ang isa't-isa. wala akong nais baguhin sa naging takbo ng istorya nating dalawa. masaya, malungkot, umiiyak, tumatawa.. lahat nang yan masaya akong nangyrai sa atin ng magkasama. isa kang kaibigang hindi ko mapapalitan kailanman. sana hindi ka na mawala. pero sa kabila ng lahat ng ito, may lungkot parin akong nadarama. bakit? dahil para kang isang panaginip. isang panaginip na kapag nagising ako ay mawawala na. panaginip na kahit anong pilit mong ipikit ang iyong mata ay hindi mo na mababalikan. panaginip na kailanman hindi magiging totoo.
hanga ako sa pakikinig mo sa bawat hinanaing ko sa buhay, kahit na masakit na para sa iyo pakinggan ang iba dito, handa ka parin makinig. handa kang gawin kung ano ang makakaluwag sa damdamin ko. pero bakit may nadarama parin akong pagkukulang. sinabi mong mahal mo ako, pero hindi ko ito maramdaman. oo dati kitang-kita ko ita sa iyong mga salita at gawa, pero ngayon, hanggang salita nalang ito lahat, minsan ay malabo pa. kasalanan ko ba kung hindi ako maniniwala kung babanggitin mo ulit ang dalawang salitang iyon? "mahal kita."
hindi kita pwedeng pigilan sa kung anong mga nais mong gawin, o kung sino ang mga nais mong kasama. hindi ko rin mapipigilan kung may iba ka ring minamahal. ang sa akin lang, kung may mahal ka nang iba, sabihin mo. o kaya kung hindi mo kayang panindigan, huwag mo nang banggitin ang dalawang salitang nagpapahirap ng lahat. "mahal kita." nasasaktan ako sa tuwing sinasabi mo ito sakin ngunit hindi mo ito napapanindigan. kasalanan ko ba kung manghingi ako ng patunay? hindi mo ako masisisi.
mahal kita. pero mahal mo din ba sya? [wag ka na sumagot, mahihirapan lang ako.]
---------------------
waaaaah! ngayon na lang ulit ako nagsulat ng umiiyak. [hagulgol] hindi ko mapigilan. kung pwede ko ipanligo tong mga luhang 'to, nagawa ko na siguro. mahirap. masikip sa dibdib. kaya kailangan kong ilabas to.
hindi parin ako makahinga.
sobrang laki siguro ng puso ko kaya ganito ako magmahal . hindi man pantay-pantay, pero alam kong hindi nagkukulang. kaya din siguro iba ang epekto sa akin kapag may nangyayaring masama, nalulungkot ako agad.
tama na. para hindi na ako makasakit. at para hindi na ko masaktan..
P.S.
may pagka self-centered ang entry na 'to i know. pero kung kayo ang nasa kalagayan ko, tignan naten kung kayanin nyo.

No comments:
Post a Comment