bitterness ba the title? hindi wala lang yan. just a thing to ponder on. "why do people just can't keep their mouths shut.?" i mean, if it is for a good thing okei lang eh, eh paano pag bad? eh di lagot kay JOKER ARROYO diba? haha. seriously, okei sana kung ang laging lumalabas sa mga "bibig" naten are good things and won't harm any or other person in any way. kahit the simplest way? sa totoo lang mahirap. lalo pa tayong mga pilipino ay nabubuhay sa intriga at mga usap-usapan, kahit na paminsan-minsan hindi naten alam na hindi na ito mabuti. oo nakakatawa. pero pag ikaw nalang mag-isa naiisip mo pa bang nakakatuwa ang ginagawa mo? minsan din kasi mga "accomplice" (tama ba spelling?) lang tayo. kahit hindi tayo ang nagsisimula ng mga usap-usapan, kasabwat naman tayo at minsan gumagatong pa tayo. haaay nakuu! (hindi ako nagamamlinis katulad ng iba, kaya nga panay "tayo" ang aking pronoun ay dahil isinasama ko ang sarili ko sa mga binabanggit ko. GUILTY po ako! eh ikaw?) oo masaya kapag isa ka sa grupo na nag-uusap usap tungkol sa "issueness", pero paano kapag ikaw na ang kanilang ulam? ikaw na ang pinaka-engrandeng putahe sa kanilang hapunan? (ang MORBID naman!) masaya pa ba? kapag nakaharap ka pilit nilang pinipigil ang mga sarili nila na ipakita talaga kung anong tingin nila sayo, pero the minute you turn your back on them. halaa! patay na. mala-javelin throw ang paraan ng pag-atake sayo. malayo ka palang asintado ka na. haay buhay. kaya nga paminsan mas masarap nalang lumayo pag may nakita kang isang grupo na nag-uusap ng masinsinan eh, para makaiwas nalang sa pagiging "accomplice". pero nakakapraning naman kasi mamaya lalayu-layo ka tapos malaman laman mo ikaw na pala pinag-uusapan nila noh? kakaparanoid diba? (haaay nakuu! GUILTY talaga ako. ganyan kasi ako eh. pag may nakita akong nag-uusap tapos mapapatingin sakin tas tatawa, mapapraning ako at iisipin kong ako yung pinag-uusapan nila. hehehe. sori ah! ganun talaga ko eh.)
so saan naman ako patungo sa mga pinagsasabi kong toh? wala lang. gusto ko lang din mang-BOGGLE ng utak ng iba. oo sige sobrang babaw kung titignan mo eh. pero mababaw nga ba? bat di mo muna try mag-isip? nakakatuwa ba maging isang chismoso't chismosa? gaano naman kasakit ang maging putahe ng mga chismoso't chismosa? personally, di ko pa kayang sagutin yan. why? hindi pa ko sure sa mga sagot ko eh. mahirap na rin kasing magsalita ng isang bagay na hindi ka sure of. ewan ah. pananaw ko lang naman yun eh. sori lang kung di ka agree sakin.
so sige paalam na muna. sana topakin uli utak ko at makapag-blog na ko ng walang halong bitterness. hahaha. ah basta sabi nga ni bits "kapag tinamaan ka GUILTY ka!" hahaha. GOODLUCK nalang! sige babushkee!
No comments:
Post a Comment