31 December 2005

Now The Angel Has Flown Away From Me.

ilang oras nalang 2006 na! at habang inaantay ang bagong taon; andito ako nag-aaliw ng sarili sa harap ng monitor. bagong taon na naman, parang ambilis naman ata, looking back at 2005, was it worth it? i mean nagmature ba ko over the year? (eeeeww.. parang bangko!)

for me 2005 na siguro ang isa sa mga taong di ko pwedeng makalimutan. why? because of this reasons:

1. finally, naka-get-over na ko kay raefel (ang hirap nun dod ah?)
2. natuto na ko maging independent kahit onti
3. mas close na kami ng mga "nakababata" kong kapatid
4. i'm a working student
5. na-renew yung faith ko kay LORD nung youth camp (most promising!)
6. naramdaman ko ang hirap at pasakit ng ACCOUNTING
7. mas astig ang block namin ngayon
8. mas dumami friends ko nung lumipat ako sa EMC
9. sumali ako sa youth choir (di na ko frustrated singer! yey!)
10. nakapag-assistant teacher ako ung VCS
11. mas naging sensitive ako towards other people
12. how could i possibly forget my 18th birthday?
13. at ngayon ko lang nalaman na kahit wala kang BF, madami paring magmamahal sayo

sa dumaang taon, madaming problema ang dumating. pero sa tulong ng mga tao sa paligid pati narin ni LORD, nakaya ko lahat yun! ginawa ang mga problemang yon para turuan akong mas maging matatag at responsable. i can definitely say na nag-mature ako kahit paano. from pochay na laging laman ng kalsada to a melai na super kikay at harot! ( sabi nga ni kuya shad: from a puppy to a lady!)

tuwing bagong taon, maraming tao ang gusto magbago. pero para saan ba? para bumuti o para sumama? pwede ka bang magbago para sa ikabubuti mo ng di ka napapasama? o mas magandang mapasama nalang dahil hindi naman mahirap gumawa ng kabutihan? (duh! angulo! sakit sa bangs!) mas simpleng terms nalang. regret or resolve? (uy! galing sa our daily journey yan!) basta ako? i'll keep my self this way; bahala na panahon humulma sakin para magbago. sana lang ngayong taon mas maging productive ako, kasi napansin ko hindi na pala biru-biro ang mga bagay-bagay sa paligid. tumatanda na ako at tumatakbo na ang oras naiiwan na ako ng panahon. joke lang!

baka kasi minsan ang isang bagay kapag hindi mo sineryoso, pag nawala na ito, chaka mo nalang maiisip ang kahalagahan nito sayo. (eeeeeww.. baduy! pero it's true!) sana ngayong 2006 matuto na ko mag-handle ng stress ance and for all. bwehehe. hay buhay!

oh pano. dito nalang muna? mejo inaantok ako eh, till here..

p.s.: para kay jop at aloy nga pala..

"rain outside my window pouring down.. (what now? you're gone.. my fault.. i'm sorry..) feeling like a fool cause i let you down.. (now it's too late to turn it around..) i'm sorry for the tears i made you cry.. i guess this time it really is goodbye.. you made it clear when you said.. I JUST DON'T LOVE YOU NO MORE.."

30 December 2005

Push The Button.

haaaay. kahit pagod na pagod na ko nakuha ko parin makapag-blog. syempre ganado eh! daming sarap i-kwento!

dec. 28-30 youth congress at angels' hills in tagaytay. i can say na nag-enjoy talaga ko dun. after all it was my first time to join it. super bonding with friends and bonding naren with new friends; and since EMC people ang kasama, mawawala ba ang laugh trip at kumagan? it was truly a memrable experience for me; i learned new songs (na tinuro ni chasha na galing kay kuya noel), maganda din ang setting (sarap ng weather sa tagaytay!), masasaya yung games! (pati group members ko astig! si rico ang nag-dala. hahaha.), tapos nakasali pa ko dun sa bible quiz (parang elementary na quiz bee. mas mahirap lang ang mga tanong.) and the best sa lahat ay na-link ako kay kuya aloy! hahaha! of all people kay kuya aloy pa, pwede namang kay kuya noel, para mukha kaming number 10! hahahaha! loko lang KN!

well anyways, may sablay din nung congress. disappointed ako kasi hindi kami nagkasabay maligo ni chasha! (azar!) wala tuloy akong taga-scrub ng likod! wehehehe. chaka of course... WATERWORKS! si pochay na iyakin umiyak nanaman dahil sa mga bagay-bagay; ewan kol nga eh, ang weird ng feeling dods! hindi tama yung naramdaman ko; pero dahil tao lang ako, nagpakatao na ko! OMG! nakakahiya pag nalaman nya toh! (alam kong hindi nyo ko ma-gets pero ang hirap mag-mention ng names kaya ang hirap magexplain!)

tama na nga yan! basta CONGRESS=FUN! ewan ko lang sa iba kung mag-aagree sila jan ah? sige dito nalang, di ko na kaya, my achy-breaky body is aching eh. bye mga dods!

p.s.: para nga pala kay chasha... "push the button to let me know!!"

16 December 2005

Sana Naman.

hi world! sa library ako ng ust ngayon nag-bo-blog kaya mejo magmamadali ako, baka sitahin nanaman ako nitong student assistant na may "period" eh. hehehe. heniwey, what's up with me? ewan! disorganized lately, hassle kasi! malapit na pasko, waldasan na ng pera, gamitan na ng mga bagong damit, at syempre bawal umulit! bwehehehe. bukas na ung christmas party ng block namin sa mcdonald's, birthday party nga eh. saya! excited na ko dun, pero syempre wala pa ko damit! at hindi ko pa nahahalughog sa factory ni santa (factory ni santa=kwarto namin pag pasko. magulo, makalat, daming scotch tape.) yung mga gifts ko for my blockmates. tapos may duty pa ko mamaya kaya i'm sure puyatan ito. haaaaay.

tapos sa sunday enchanted kingdom na with college CYF! haha. nakakaexcite din yun! enjoy yun, tagal ko na di nakapunta dun eh. isang linggo ako hindi kumain ng maayos para may pera ako sa sunday! wehehe. kahit gano kalakas ulan sa sunday tuloy na tuloy na ang lakad! (naka set na ang heart ni chasha!)

ayun sige dito muna! pinapaalis na ko eh, dami nakapila kasi. till here.

p.s.: nga pla active na ulit ang buhay pag-ibig ko. next entry na ang saga ko.

08 December 2005

Malamig Ang Simoy Ng Hangin.

hello philippines and hello world. dalawang araw na lamang po at magaganap na ang THE BIG NIGHT kung saan malalaman na natin kung sino kila cass, jason, nene at uma ang tatanghaling BIG WINNER!grabeh! di ko alam kung bakit pero parang na-e-excite ako sa magiging winner ng big brother. eh kasi naman noh? sa tagal kong hindi nanood ng t.v. tapos dahil sa big brother nakapanood uli ako ng t.v., sinong hindi ma-hu-hook diba? anyhoo, grabeh ala-siete palang ng umaga at heto nasa harap na ko ng pc. bakit kamo? kasi walang pasok! immaculate chervah sa mga catholic school. plenary indulgence daw sabi ng prof ko sa theo. ewan! tapos mas masaya sa commerce kasi hanggang saturday wala kaming class kasi may retreat mga prof. at last! my looooooong weekend! makakapagpahinga ng konti at makakiwas sa mga bugnuting prof. oh what joy..

bakit ba ko nagising ng maaga? eh kasi po may g.k. (g.k.=gawad kalinga) kami ngayon sa cavite. un ung tutulong ka gumawa ng bahay para sa mga less fortunate. requirement kasi sya sa theo class namin eh. sana enjoy magbuhat ng hollow (?) blocks at semento noh? tapos bukas naman ung reunion chervah sa pcu elem. di ko parin sure kung pupunta ako kasi konti lang kami sa batch namin ang pupunta, pero may ticket na ko. tapos bukas din is a gimmick night kasi may party-party friend ko, which hindi ko parin sure kung makakapunta ako kasi wala akong pera at damit. (news flash! kasalukuyan akong naghihirap dahil sa cellphone ko!) tapos sa saturday inaaya naman ako ni dalo sa wildlife. di ko parin sure kung pwede ako kasi baka pumunta kami ni mama sa 168, which hindi parin sure kasi may chervah si mama sa church ata. so to summarize, walang kasiguraduhan ang magiging looooooong weekend ko sa sobrang daming plano. parang gusto ko nalang mag-stay sa bahay at manood ng gilmore girls. (speaking of gilmore girls!, malapit ko na matapos season 2! yehey! nip tuck season 3 next ka na!)

malapit na pasko. nararamdaman mo na ba? ako oo! anlamig kasi ng hangin. parang sinasabi nung hangin sa mga single... "hoy! pasko na! wala ka paring boypren/gelpren! mwahahaha.." (bastos na hangin yan!) hay naku! ngayon ko lang napansin na mejo may trend pala ang love story ko noh? palagi nalang pag pasko zero boys ako. bakit kaya? (para daw less gastos!) hehehe. hay naku! kailangan ko na atya magbenta ng laman para magkaron ng pera pambili ng regalo kila mama, daddy, ate les, ate kat, kuya shad at kuya dave! in short, nauna ko pang bilhan ng gifts ang mga friends and other relatives ko kesa sa family ko. (always naman eh!) pero kasi naman, demanding yang mga yan! hehehe. (ako rin kasi demanding sa kanila eh!)

oh sya dito nalang at nagwawala na tong mga kasama ko! time to go na. babay!

15 November 2005

Wala Akong Maisip Na Title.

hello world! ano beh? anong pecha na? tagal ko hindi nag-blog noh? eh kasi ang higpit ng competition dito sa bahay pagdating sa paggamit ng pc. daig pa amazing race eh. anyway, kamusta naman ako? happy naman ba ko sa life ko? partly yes, partly no. reasons? ewan ko rin eh! labo!

ayan. pasukan na uli. kulitan with blockmates nanaman, at getting to know your professors again. bagong set ang teachers namin ngayon kaya matinding pagtatanong-tanong sa higher batch ang ginawa namin. 50% ng prof ko hindi ko gusto! hindi ako makahinga eh, laging may kaba. ewan! di tama ang pagiging strict! parang si ms. minchin! (at ako syempre si princess sarah!) pero mas gusto ko ang ECO2 ngayon. bakit? kasi kamukha, kaugali, kasing SEXY ng tita jeannie ko ang prof namin dun. and she's like elle woods na plus size nga lang, ang kikay, ang arte magsalita. unang meeting palang, sabi ko sa kanya "i like you na!" tapos sabi nya sakin, "i like you too!" hehehe. ayus! instant girlfriend! tapos yung sa ACCTG2a&b naman, sooooper bagal magturo, pati pananalita mabagal. pero ha? antanda na ang berde prin ng pag-iisip. kaya nga gustong-gusto sya ng mga boys sa room namin eh. (lalaki yung prof namin!) at ang general rule nila "two heads are better than one!" ;p (partnership daw..)

so far so good naman ang naging week ko, medyo di parin ako maka-pagadjust ng tulog ko, lagi akong late nagigising, buti nalang kamo 11am pa pasok ko. feeling ko sembreak parin eh, tapos minamadali kong magpasko. hay! sana sumapit na ang pasko. (regalo ko ha?)

dito nalang muna ang aking post dahil maglalaba pa ko ng uniform eh. inepal ko lang tong internet sa tatay ko eh. oh sige dito nalang. bahbher!