hello philippines and hello world. dalawang araw na lamang po at magaganap na ang THE BIG NIGHT kung saan malalaman na natin kung sino kila cass, jason, nene at uma ang tatanghaling BIG WINNER!grabeh! di ko alam kung bakit pero parang na-e-excite ako sa magiging winner ng big brother. eh kasi naman noh? sa tagal kong hindi nanood ng t.v. tapos dahil sa big brother nakapanood uli ako ng t.v., sinong hindi ma-hu-hook diba? anyhoo, grabeh ala-siete palang ng umaga at heto nasa harap na ko ng pc. bakit kamo? kasi walang pasok! immaculate chervah sa mga catholic school. plenary indulgence daw sabi ng prof ko sa theo. ewan! tapos mas masaya sa commerce kasi hanggang saturday wala kaming class kasi may retreat mga prof. at last! my looooooong weekend! makakapagpahinga ng konti at makakiwas sa mga bugnuting prof. oh what joy..
bakit ba ko nagising ng maaga? eh kasi po may g.k. (g.k.=gawad kalinga) kami ngayon sa cavite. un ung tutulong ka gumawa ng bahay para sa mga less fortunate. requirement kasi sya sa theo class namin eh. sana enjoy magbuhat ng hollow (?) blocks at semento noh? tapos bukas naman ung reunion chervah sa pcu elem. di ko parin sure kung pupunta ako kasi konti lang kami sa batch namin ang pupunta, pero may ticket na ko. tapos bukas din is a gimmick night kasi may party-party friend ko, which hindi ko parin sure kung makakapunta ako kasi wala akong pera at damit. (news flash! kasalukuyan akong naghihirap dahil sa cellphone ko!) tapos sa saturday inaaya naman ako ni dalo sa wildlife. di ko parin sure kung pwede ako kasi baka pumunta kami ni mama sa 168, which hindi parin sure kasi may chervah si mama sa church ata. so to summarize, walang kasiguraduhan ang magiging looooooong weekend ko sa sobrang daming plano. parang gusto ko nalang mag-stay sa bahay at manood ng gilmore girls. (speaking of gilmore girls!, malapit ko na matapos season 2! yehey! nip tuck season 3 next ka na!)
malapit na pasko. nararamdaman mo na ba? ako oo! anlamig kasi ng hangin. parang sinasabi nung hangin sa mga single... "hoy! pasko na! wala ka paring boypren/gelpren! mwahahaha.." (bastos na hangin yan!) hay naku! ngayon ko lang napansin na mejo may trend pala ang love story ko noh? palagi nalang pag pasko zero boys ako. bakit kaya? (para daw less gastos!) hehehe. hay naku! kailangan ko na atya magbenta ng laman para magkaron ng pera pambili ng regalo kila mama, daddy, ate les, ate kat, kuya shad at kuya dave! in short, nauna ko pang bilhan ng gifts ang mga friends and other relatives ko kesa sa family ko. (always naman eh!) pero kasi naman, demanding yang mga yan! hehehe. (ako rin kasi demanding sa kanila eh!)
oh sya dito nalang at nagwawala na tong mga kasama ko! time to go na. babay!
No comments:
Post a Comment