01 August 2008

My Very Special Love.

" i never asked you to love me, itigil mo na yan.. mapapagod ka lang"

*after ilang scenes

"i never asked you to say i'm sorry, itigil mo na yan.. mapapagod ka lang"

sa mga hindi pa nakanood, manood na kayo.
sa mga walang kasamang manood, mag-isa nyo na lang panoorin (parang ako!)
sa mga nakukunyaring JOLOGS daw yung movie pero papanoorin naman sa DVD (kuya mikas!), NO TO PIRACY!
sa mga hindi gusto si john llyod at sarah, manuod kayo to prove yourselves wrong!

maganda yung movie. "feel-good" lang, hindi sya ala bea-john llyod movies, pero ok parin! at tama hinala ko, wala silang "kissing scene". tama lang yun! bagay kasi kay sarah yun mga ganung pa-cute at pabibo lang eh. chaka na yung mga serious scenes! hehehe. :)
di ko rin masyado ma-explain kasi nagandahan talaga ko eh, oo na corny na ko! bakit ba? eh ampogi ni john llyod eh kahit na mejo malaki yata eyebags nya. :)

hindi sya jologs kaya wag na kayong mahiya na panoorin yun! :) patulan nyo na kahit mag-isa lang kayo. pwede rin yayain nyo mga kaibigan nyo kung ayaw ng bf/gf nyo. o kaya yayain nyo yung mommy or daddy nyo para may excuse kayo maging jologs. ("sasamahan ko kasi manood mommy ko eh..")

wag na magpahuli sa kwento! nood na! go! :)

29 July 2008

Isang Tulog Na Lang.

*kumakanta habang naglalaba*
"aaaayyyy.. found a verrry spezzyal luuuv in yoouuuhh.. squeezzinn meee tighterr.. butt aaaaayyy.. never gonna let goo.."

TAMA. TAMA. TAMA KA! bukas na ang showing ng "a very special love" nina sarah geronimo at john llyod cruz. :) weee! kung wala lang akong pasok mag-a-ala "jojie" ako na pipila agad sa ticket booth habang iniintay mag-open yung cinemas eh. pero no need to panic dahil 4pm ang out ko kaya i might, I WILL WATCH IT! :) but don't worry, hindi ako mag-s-spoil sa blog. :) hihilain ko nalang ang aking all-weather date na si mama! :) para libre nya ko ticket, libre ko sya ng kape! ayos! :)

sasampalin ko ang magsabi ng jologs sakin dahil gusto ko panoorin ang movie na toh! :) (except nalang kung iakw si kuya mako, hinid ako papalag. *peace!*) una, MAGALING SI SARAH GERONIMO! (at panget ka! wala kang binatbat!) at syempre GWAPO, MAGALING at PATOK si llyodie! although hindi ko naman sya crush! basta, i think they will really make it! :) (i'm sure hindi ako madidissappoint! not like THE OTHER STAR CINEMA movie that i've seen!) at kung madissappoint man ako, malalaman nyo agad yun dahil hindi ako makakatulog nang hindi na-i-bo-blog yung pagkainis ko.

so yun lang. sana ma-excite narin si mama para libre nya ko tomorrow. :) panoorin nyo din ha? compare notes tayo! :)

07 June 2008

I Love/Hate My Job.

after ilang days.. finally nakapagpahinga na ko ng maayos at nacompose ko na sarili ko! the past two weeks was a nerve-wrecking experience for me, as in! halong tuwa, excitement, pagod, inis, imbyerna at kung anu-ano pa. mga pambalubag loob ko na nga lang yung mga panuod-nuod ng movies, yung click five and yung flo rida.

first week ko pa lang sa job ko parang ayoko na. it's not that i totally hate it, hindi ko lang gusto yung treatment sa mga bagong 'partners'. ewan ko ba. ayoko lang siguro yung feeling na inferior ako kasi madali akong ma-intimidate eh, syempre makaka-apekto yun sa performance ko diba? unang linggo pa lang sabon na sabon na ko sa mga pagalit eh. mga mild offenses lang naman, pero juscoh! araw-arawin ba? wrong shoes, no socks, wearing of tongue ring, chit-chat with friend while on shift, using ipod, texting.. ay te'! lahat na ata sinalo ko. oo alam ko mali, pero yung mgapaliwanag lang naman ba ako at makapagsorry.. hindi nila ako binigyan ng chance mag-explain noh! kaasar! pero ok lang. at least nakilala ko sinu-sino ang mga dapat kong iwasan.

pero itong second week ko was way different than the first. malinis na ang records, no offense! tapos i did well pa sa class kaya i got a certificate (given lang sa mga actively participating sa class discussions. bibo effect!) at ito ang pinaka-malupit.. first shift ko sa floor (yung actual na ha?) hala teh! memorize ko na pano gawin ang mga drinks and everything. (pero syempre may mga tanong-tanong pa sa ibang tao) name your drink and i'll do it! hehehe.. :) "one raspberry black currant with almond syrup frappuccino flavored juice drink for melai" in one breathing lang yan ha? hehehe.. :) maganda din naman ang feedback sakin ng mga managers, fast learner daw ako. iniiwan na nga minsan ako mag-isa sa mga blender na yun eh. pero astig! :)

at syempre sa bawat organisasyon merong oposisyon at administrasyon. ilang araw pa lang ako dito pero may mga ugong-ugong na kong naririnig. pero syempre pa ayoko naman mag-judge kaagad ng mga tao sa paligid kaya chillax lang muna ako, tamang pakikisama lang at iwas lang sa mga plastik! hehehe. ayoko ng kaaway sa trabaho, mahirap na. tatanga-tanga pa ko sa store eh, baka they might use it against me. hehehe. :)

so ayun lang.. wala masyado kwenta eh.. nevermind na nga lang! :) chaaar.

03 May 2008

Star Cinema Has Failed Me. :((

(ate jojie has already written a HATE BLOG about "the movie" but i'd like to have my own.. hehehe..)

IBALIK NYO php120 KO! ilang linggo akong KINILIG to death sa trailer ng movie na yon, tapos.. tapos nung napanood ko na.. aba! yun na yun ha? yun na yung pinagmamalaki nyo? PWEH! PWET! hindi maganda i'm sooorry!

what movie you may ask? eh anu pa ba kundi yung "WHEN LOVE BEGINS" ni aga and anne. well, hindi naman ako mag-he-hate blog ng walang katuturan eh.. nakakalungkot lang na star cinema has indeed failed me.. ever since nagkamuang na ko sa movie industry (at napadalas ang pagnuod ng movies dahil sa mga dates.. haha) never talaga nag-fail ang star cinema sakin.. as in! walang jologs jologs pag star cinema.. kahit VIDEOKE KING ni pops at robin pinatulan ko.. dahil nga star cinema sya! malaki tiwala ko dun! chaka lagi kasi maganda yung arrangement nila kahit na napaka predictable na ng mga plot nila minsan, chaka when you say kasi na star cinema movie yan, hinid pwedeng walang MAGIC yan at mga TUMATATAK na linya eh.. but NOOOO! not this one..

my reasons why i didn't like the movie:

- there is lack of script continuity (yaaak! ang deep!) eh tae naman kasi! napaka tagal ng batuhan ng dialogue eh, gumanda lang nung nagaaway na sila eh, besides it wala na! chaka ang lame talaga nilang pareho! sayang sa frames ang bawat segundong wala silang sinasabi.

- there is no comic relief of some sort (ang deep ulit!) walang funny part. as in KROO-KROO moments sa loob ng movie house.. anaknang! kasi nga masyadong serious yung flow.. ni hindi nga nakakakilig yung mga "chorvahan" nila eh.. mas nakakakilig pa yung mga "round-the-table" nung YOUTH CAMP eh.. hahaha.. :) it could have been better kung sinama nila kahit si EMPOY, POKWANG, VHONG NAVARRO, or even EUGENE DOMINGO! siguradong patok yun! sayang!

- the setting is good, but not that good. yung naging dating sakin nung movie is like parang BORACAY ADVERTISMENT combined with FREEWAY ENDORSEMENT eh. it's pretty obvious na almost yung mga suot ni anne is from freeway (wala eh, endorser sya.) and plus, sayang yung setting. ang ganda ganda sa boracay hindi nila na-maximize. suggestion? they could have done a scene na nag-so-snorkeling si aga and anne! oh diba? tapos maghahalikan sila habang mga snorkels! hahaha! chaaar. even their love scene is not that good. wala lang, may pahawi-hawi pa ng buhok! PWET! hindi intense! mas maganda pa yung kay angelica panganiban sa santa santita! (w/ jerico rosales!) the best! hahaha..

- maraming cast ang nasayang. as in, may mga ibang artista dun na parang napadaan lang (like rizza santos!) even si jon, mickey, desiree, rafael. ah basta madami! ewan ko ba, sana talaga andun si empoy o si eugene domingo! or yung batang mataba na parang bumbay na parang bading! :)

with all these reasons, kahit pano naman open-minded pa ko sa movie at may mga napulot din na magagandang bagay. :)

- gusto ko yung approach ni anne sa relationships! (hahaha... sorry aloi!) yung tipong live one day at a time.. enjoy while you can.. no expectations.. in short CHILLAX LANG! :)

- gusto ko din yung scene nila sa sofa.. yung nag-usap sila about their problem.. (YOU SHOULD REALLY WATCH IT ALOI!) yung tipong about sa pagtetext, pag-sho-show ng care at pagiging affectionate! haaaay. sapul! sapul na sapul! :) WOW! VERY WELL SAID! :)

- gusto ko yung swimsuits ni anne! hehehe.. :)

- at syempre may napulot naman akong qoutable qoute sa movie.. "IT'S NOT ENOUGH THAT YOU ACCEPT ME FOR WHO I AM.. YOU ALSO HAVE TO ACCEPT ME FOR WHO I AM NOT" kaboom! :)

so that's it! yung mga may plan manuod, THINK AGAIN! kung yung mejo hindi nga movie lovers hindi nagustuhan toh paano pa yung mga adeeek sa movies diba? pero its still your choice. after all, sabi nga sa movie naka-23 million sila agad on the first 3 days alone eh. (mostly siguro ng nanuod senior citizen! hahaha) and for anyone who got or will be offended, i am sorry. chaka BAT KA BA? blog ko 'to! opinyon ko lang ang bida dito! WAG KA NA! hahaha.. :)

30 April 2008

I'm Addicted To You. ♥

ang ineeeet! paano ko naman nasabi? oh come on! pagkasampay ko nung ga nilabhan ko, 30 minutes lang tuyo na agad ha? and take note, JEANS yun! hehehe.. :) anyway, wala si ama kaya ako ang reyna ng bahay! busy sya dahil manganganak nanaman pusa namin. haaaay! ilang dosenang pusa nanaman ang pipisilin at haharutin namin ni mama. :) well, mas maigi nang may pinagkakaabalahan sya kesa naman ako ang atupagin nya noh? nakaaaw! wag naman ako. (ako, ako, lagi nalang AKO!)

at dahil mainit... gusto ko ng STRAWBERRY CHEESECAKE SUNDAE MIX ng MCDONALD'S! hhmm... adeeeek na ko dito! kaya pabalik-balik ubo ko dahil dito... (at wala akong pakielam sa sinabi mo STEVEN tungkol sa strawberry cheesecake!) AYLAVET! :)

sinu walang ginagawa? tara MCDO tayo! :)