09 August 2005

If You'd Still Go I'll Understand..

"go think about it cause we only have one shot at destiny, all i'm asking is it possible for you and me.."

haller peepz! another rainy day. wala nanaman kaming pasok. urat na urat nako kakaaral ng theology at accounting ng sabay. and worse "AYAW MATUYO NG MGA SINAMPAY KO DAHIL SA ULAN! AMPHF!"

habang tumatagal narerealize ko na mahirap pala talaga ang "college life". oo mas masaya sya sa highschool, pero doble naman ang sakit sa ulo ng mga school works. kapag dumadating yung time na hirap na hirap nako napapasigaw nalang ako eh. "DING! ANG BATOOOOO!"


nakakamiss mag-update ng blog. di tulad dati halos araw-araw akong may post. ngayon? asa ka pa! tumalon ka na pag-updated yung blog ko! (haha!) pero maraming salamat sa mga taong (mga fans!) patuloy na tumatangkilik ng mga olats kong post. "inspirasyon" ko kayong lahat para mas gumawa ng mas makabuluhang entry! (WOO-HOO! THANK YOU ARANETA!)


oh ano? gusto nyo na bang malaman yung mga nangyari nung mga nakaraang araw? KISS MUNA! haha. oh sige eto na.

FRIDAY

i woke up at 5am kasi may surprise party kami for our friend sa QC. 7am call time, since galing pa ko ng paco lugi nanaman ako. ayun, okei naman ang naganap na "breakfast party", naiyak sya. (ako rin naiyak kasi ako nag-organize nun eh, sakin tuloy yung stress!) after nun nag-inuman sila (sila lang di ako nakisali!) kasi 1pm pa naman class namin eh. so ang kinalabasan, pumasok silang "basag". tawa ng tawa kahit walang nakakatawa. PATHETIC!

SATURDAY

NO CLASSES! pero parang may pasok din kasi pumunta ako ng recto para mag-pa-edit ng MTV namin (shala!) 12 pm ako umalis ng bahay at 9pm nako nakabalik, meaning ang isang buong araw ko ay nalustay sa harap ng monitor. hmpf!

SUNDAY

(habang nag-be-breakfast)

kuya noel: kamusta na kayo ni dalo?
pochay: ha? anong kami? wala namang kami ah?
kuya titus: ah talaga wala?
pochay: wala noh! nuh ba kayo! dalo oh..
pochay: ikaw kuya noel kamusta na kayo?

(kuya noel biglang napayuko)

kuya titus: wala! kakakiskis ng dalawang stick nasobrahan yung spark! binuhusan tuloy ng tubig, ayun nawala!
pochay: hahahahahahahahahaha.

natawa lang ako sa sinabi ni kuya titus pero napaisip ako. joke ba yun o may realidad sa likod ng mga salitang yun? hmmm. naisip ko kasi ganun ganun nalang ba yun? biglaan nalang kung mawala? maganda na yung nasimulan tapos di-maganda yung pagtatapos? di naman yata pwede yun!

maraming mag-"juwa" ngayon na akala mo pari nalang ang kulang ay kasal na sila. yung mga ganung tipo talaga yung gusto kong buhusan ng tubig eh para magising sa katotohanan! kainis! P.D.A. pa! parang yung mag-"juwa" na katabi ko ngayon sa computer shop! eche! pak shirt!


nakita ko yung lumang autograph book ko kanina, nabasa ko yung mga definition dun ng "love". ito mga sample:


"love is like a rosary that is full of mystery."
"love is blind."
"love is 100% headache."
"love is a four-letter word."
"love makes the world go round."
"love is like a bubblegum that sticks to your heart."

sa lahat ng 'toh WALANG TOTOO eh! mga ignoranteng bata talaga! dapat ang love ihahambing mo sa ASO! aso as in DOG! bakit kamo? kasi ang as tatahi-tahimik lang yan pero di mo lang alam mahal ka rin nyan! (weh! korni na!)

kaya ikaw kuya noel, mahal ka rin nun! ASO sya diba? at syempre mahal na mahal ng mga aso ang "BUTO" diba? kaya no doubt about it! mahal ka nun! "go think about it cause you only have one shot at destiny, all you have to ask, is it possible for YOU and HER..."


nakanangtuts! akalain mong sayo pala matutuun ang post ko ngayon? haha. sige dito nalang muna peepz! review pa ko for prelims. (masipag na bata!) ciao! c;

04 August 2005

After All The Partying.

haller my lovely, sassy, sexy, cool fans! (yuck! sipsip daw eh noh?) how's your fine? me? yes! anyways, ang dami nang nagyari this past month (?) and di ko talaga "mawari" kung san ko sisimulan tong entry na toh! sige basta kung ano nalang maalala ko yun na yun!

DEBUT KO!! (july 15, 2005)
ansaya pwamiz! kahit nakakstress talaga yung preperations ay okai lang dahil truly it was a MEMORABLE exprience for me. ISA NA KONG GANAP! hahaha. kahit onti ang pumunta, andun naman lahat ng gusto kong makita! masaya ko nung gabing yun kahit may problema ako nun. at nung gabi na yun isa ang napatunayan ko sa sarili ko. ISA AKONG BABAE! (sabi ng blockmates ko mukha daw akong "life-size barbie" ng gabi na yon! wala nga lang KEN!) ano pa ba? masaya kasi may "MUSTARD SEED" nung debut ko. kakatuwa eh. basta dami din nagenjoy sa pagkanta at pagtugtog nila. (maraming salamat po!) basta yun na yun! (pictures to follow nalang!)

DEBUT NI DARENE!! (july 22, 2005)
PANIS as in PANIS yung debut ko kay darene! 100,000! todo na toh! tapos lahat ng girls nakagown, 3 lang kami nakadress! kaiya talaga. pero ayos lang. CARRY naman eh. nilapastangan yung debut ko! sa paru-paro palang eh. kanya MARIPOSA! nakakafrustrate talaga! tapos ang food.... hay! heaven ba ito? kain kung kain. kalimutan ang carbs! kasi block lang namin invited pati family nya kaya walang hiya hiya nun! ah basta anganda nya nun! ganda din ng theme! lahat maganda! tapos!

KAGULUHAN SA MCDO (date not remembered)
lintek na! lagi akong hot seat sa mcdo. trip na trip ako ng mga crew awayin kaya ayun. chismis dito, away dun! usap dito, away dun. AYOKO NA! ayoko pumatol sa kanila kasi masasalamin na k-level ko sila ng ugali (which isn't true!) kaya ayun. lagi ako naiyak chaka tumatahimik. (at sa isip nila mahina ako at madalai lang awayin.) isa lang masasabi ko sa kanila. "ang pagiging mahina ay hindi nasasalamin sa pag-iyak, tandaan nyo! kung san pumapatak ang bawat luha ko, dun kayo luluhod at magmamakaawa sakin ng duguan!bwahahahahaha." ANG TARAY! NAKAKATAKOT! kala mo totoo! tama na nga!

FINANCIAL STATUS (everyday)
ahem! di sa nagyayaang ako pero oo magmayabang ako! naka 15K ako nung debut ko! and lahat yun HINDI KO MAN LANG NAHAWAKAN! hahaha. okei lang. nakakagaan ng loob kasi 9K dun pinambayad sa tuition ko. prod tuloy ako. ewan! labo eh noh? tapos di ko pa nabibili yung "kahon" na gusto ko. wala kasing red eh kaya ayun! tapos nastart naren ako sa fund-raising ko. 50% ng baon ko tinatabi ko para may ipon me at para pumayat me! (syempre di ako masyado kakain diba? hahaha.) bsta yun na yun!

SOCIAL LIFE (every monday, tuesday and saturday)
bakit kamo monday, tuesday at saturday lang? dahil yan lang ang rest day ko from mcdo! jan lang ko nagkakaron ng free time. paminsan nga hindi pa dahil nasasapawan ng schoolworks! pero nagyong agust 1-15 wala akong pasok sa mcdo dahil...
1. prelims ko na (aral muna bago trabaho!)
2. iwas away (di ko kailangan ng AWAY at GULO sa buhay ko!)
3. pahinga muna ang princess (kailangan ng 8 hours sleep para iwas eyebags!)
4. bonding with my dogs (tampo na sila lahat sakin lalo na si boomie!)
pero ngayong week ay sumaya saya ako ng onti kasi nakanood na ko ng movie ulit with my 'kada! D' ANOTHERS! ang laugh trip grabeh! jologs na kung jologs pero nakakatawa eh. hahaha. (i think you're sick! then call the doctor very quick!) la lang.

BUHAY PAG-IBIG
duh! meron ba? siguro meron. pero ala eh. pa-crushcrush nalang ang landi ko ngayon. so much for love. la na kong alam jan. hands-off on that matter. bsta masaya ako sa mga nag-iibigan ngayon, at galit ako sa mga naglolokohan ngayon! tapos! walang GWAPO or POGI ng freshie ngayon sa komersyo! kakainis!

saka na yung iba kong kwento! late na ko sa class ko. di pa ko kumakain. kawawa naman ako. basta saka na yung mga misadventures ko.

nga pla, may bago na kong labasan ng sama ng loob. si HALO! (hey-low) ang diary ko na gift sakin ni xian nung debut ko. color green at silver pinansusulat ko dun para ang CHISMOSANG babasa nun ay mananakit yung mata. -evil- hahahahaha.

sige peepz dito muna. estudyante pala ko at kailangan ko nang gampanan ang pagiging estudyante ko. bahbher! mwah! c;

11 July 2005

1 Day To Go...

hi peepz! mejo busy-busyhan nanaman ako nitong nakaraan week right? kasi mejo nagkasabay-sabay na ang WORK, SCHOOL, pag-aayos sa DEBUT, pang-aasar ng TATAY ko, pagpapaligo kay LEILA, at ang PAGPUPUYAT dahil sa PAG-AARAL. ambibigat noh? grabher na talaga tech! anyways, nasa library ako ngayon ng ust at sinasamantala ko free time ko para maka-pag-update ng blog ko. wehehehe.

kanina pinuntahan ko blog ni coco. ang ganda. black and white. payapa sa mata. nga lang sablay. bakit kamo? "why a sad sad look in your eyes...." yun pala yung nisasabi ni kuya mikas nung breakfast kahapon. yung lyrics daw ni coco sa "tell me where it hurts" okei lang coco naiintindihan ko. naalala ko tuloy ang version ng mga magagaling kong kapatid ng tell me where it hurts. nagawa pa nilang kantahin toh habang nasa kanto kami ng recto at walang masakyang taxi at madillim na at umuulan pa. san ka pa diba? ganito ang lyrics nila. (todong birit) "why don't you tell me where it hurts now RAEFEL and i'll do my best to make it better.. oh and if you let me stay i'll love all the hurt away.." oh diba ang saya nila? natawa nalang ako sa kakumagan ng dalawa kong kapatid eh. natututo narin. hahaha. meron naman si bebeng version nya ng "the day you said goodnight ng hale" yung chorus nya goes like this "to be.. andaming tutubi.. hinabol ang honeybee.. papunta sa jolibee.." haha. wala lang. ang saya eh. isa lang ibig sabihin nito. lahat tayo pwedeng magkaron ng sari-sarili nating version ng kanta. kaya coco, LUSOT KA SA SABLAY MO! hahaha. joke lang. peace tayo!

alam nyo bang may 2 exam pa ko ngayon at andito pa ko sa harap ng computer, luluwa na mata ko sa puyat, at nasa page 10 palang ako ng kailangan naming aralin ngayon? so pano? till next time nalang! batiin nyo ko bukas bertday ko na! wala lang. bahbher!

06 July 2005

The Week That Was.

haller my peepz!! sooooooobrang tagal ko ng walang post!! i'm so shy na!! anyways,, dami soooooooobrang inasikaso.. lam nyo na pag artista busy talaga.. (haha!! asa!!) eh kasi masyadong inasikaso yung debut ko eh.. (sa 15 na yun at hindi ko parin ma-feel hanggang ngayon!!) soooooooobrang stressed na ko.. meron pa ngang gabi na umiiyak ako hanggang 2 am kasi sa sobrang daming gagawin.. "hoy yung program mo asikasuhin mo na!!" "ano ka ba gawin mo na yung guest list mo!" "kelan pictorial mo ha??" "nakuha mo na yung invitation??" "pasalubong ko ha.." "my mcdo ka ngayon??" waaaaah!! pakshirt sabay sabay ang dikta.. ayoooowko na!! pero wala na eh andito na eh.. pinipilit nila na excited ako kaso mukhang nawawala yung WILLING HEART ko eh.. hahaha..

sa isang linggo naming pagaasikaso ni ate kat dami naming taong nakasalimuha na wala sa sarili.. mga WEIRD!! nasasabi na nga lang namin "hindi na nila gusto ginagawa nila.." naisip ko tuloy.. "ako ba gusto ko tong ginagawa kong pagaasikaso??" EWAN!! ang pinaka gusto kong nangyari nitong linggong nakaraan ay yung pictorial ko sa QF sa fairview.. soooooobrang saya talaga.. FEELING ARTISTA!! (post ko dito pag nakuha ko na.. not your kind of melai!!) hahaha.. chaka yung sa gown.. masaya kasi 2 gon ko pero mura lang.. hehehe.. at chaka yung sandals na binili ko.. mura lang din kaya masaya!! sana shopping galore nalang debut ko.. (naku!! pag nabasa toh ng nanay ko tatamaan ako!! nyay!!) anyway,, ano pa ba?? di ko na matandaan yung iba eh.. hehehe..

nyaks!! ilang days nalang 18 na ko.. ano kaya feeling?? siguro wala lang.. ma-fi-feel ko na 18 na ko pag nakagimmick ako after ng debut ko.. (kaya ma payagan mo na ko!! puhleeeez??) most awaited nga daw ang debut ko sabi ng 4-israel.. bat kaya?? kayo ha!! hehehe.. excited lang me kasi i get to see my long lost friends on that day.. tapos mega picture ever.. kahit la ng program.. picture-picture nalang agad!! hehehehe..

oh pano dito muna.. la ako sa sarili ngayon.. pinilit ko lang mag-update eh.. hehehe.. basta next time nalang ha?? can't tell when.. till here.. bahbher!!

13 June 2005

Abaaaa..

hi blogsters!! tagal ko hindi nakapag-blog diba?? busy kasi eh.. (lagi nalang melai!!) chaka kasi topak yung pc namin pagnaka-connect.. anyways,, kamusta naman ba ako?? eto ewan ko kung pumapayat ako or tumataba.. (mga tao kasi sa paligid eh,, iba iba paningin.. haaay!?) so far okei pa naman ako.. medyo napapagod pero happy pa naman.. (wag nyo lang ihaharap sakin si father!!) bruhahahaha.. lam nyo ba bat ako nag-blog?? si chasha kasi eh.. "huy!! mag-update ka na!! saaaaaalliiii ak0ooo00oo!!" hahaha lalala.. ano pa ba masasabi?? yung mga araw ko kately umiikot sa mcdo at sa household chores eh.. gigising. mag-ma-mop. magpapakain ng aso. maliligo. papasok sa mcdo. uuwi. magpapakain ng aso. kakain. manonood ng tv. text text ng onti. minsan telepono. tapos tulog na. grabeh noh?? walang exciting happenings at kilig moments.. kaya nga wala rin ako maisip na i-blog eh.. (palusot nanaman!!) pero don'ry,, pasukan na.. may mga misadventures na ko at mga makaka-enounter na taong jabar!? bruhahahahaha..

nung sunday (june 12) ang pinakamasyang araw ko.. ewan ko ba.. peo mga nangyari nun eh..

-7am simba ko sa emc.. kanta sa choir.. masaya.. ewan.. magkatabi kasi kami ni bits at kuya aloy eh.. hahaha-lalala..
-9:30am cyf na.. despedida for coco kumag.. masaya rin kahit nakakalungkot na aalis na si coco..
-11:30am kain na ng lunch.. sagot ni steven.. CONTADO TALAGA!? sarap pramiz!! p.g. na kung p.g. eh ang sarap eh..
-12:30pm punta kami ng rob nood ng movie sagot naman ni coco.. haaay!! ang saya walang gastos.. hehehehe.. ganda nga lang ng palabas "SHUT UP AND KISS ME" haay.. don't ask!!
-3:30pm uwi na ko kasi magaayos pa ko dahil aattend pa ko ng debut ni leah..
-6pm hinatid na ko ni ama sa max's orosa..
-9pm tapos na agad yung debut.. ang saya kasi almost 75% ng bisita nya highschool friends namin.. bonding moments na ito!!
-9:30pm punta kami malate.. gimmick na.. last day na daw bago magpasukan eh.. punta kami cart noodle.. tapos arkdia.. tapos bedrock.. ayos lang,, di masakit sa bulsa.. share share naman sa bayad eh.
-1am nagpahatid na ko kay matt pauwi kasi naalala ko may sched pa me sa mcdo the next day at wala pa kong uniform.. hahaha..
-buti nalang hanggang 2am pnaalam ko.. hindi tuloy ako napagalitan,, pinuri pa ko dahil maaga ako!! yehey!!

parang nagbuhay highschool ulit ako nung linggo na yun,, masaya pwamiz!! church friends sa umaga,, highschool friends sa gabi.. saya noh?? so yun lang happenings lately.. pics nalang uli pambawi. sige dito muna ha?? i'll try my best to update my blog every now then.. (hay!! tuwing kelan kaya yun??) sige dito nalang peepz.. byerz!!