11 July 2005

1 Day To Go...

hi peepz! mejo busy-busyhan nanaman ako nitong nakaraan week right? kasi mejo nagkasabay-sabay na ang WORK, SCHOOL, pag-aayos sa DEBUT, pang-aasar ng TATAY ko, pagpapaligo kay LEILA, at ang PAGPUPUYAT dahil sa PAG-AARAL. ambibigat noh? grabher na talaga tech! anyways, nasa library ako ngayon ng ust at sinasamantala ko free time ko para maka-pag-update ng blog ko. wehehehe.

kanina pinuntahan ko blog ni coco. ang ganda. black and white. payapa sa mata. nga lang sablay. bakit kamo? "why a sad sad look in your eyes...." yun pala yung nisasabi ni kuya mikas nung breakfast kahapon. yung lyrics daw ni coco sa "tell me where it hurts" okei lang coco naiintindihan ko. naalala ko tuloy ang version ng mga magagaling kong kapatid ng tell me where it hurts. nagawa pa nilang kantahin toh habang nasa kanto kami ng recto at walang masakyang taxi at madillim na at umuulan pa. san ka pa diba? ganito ang lyrics nila. (todong birit) "why don't you tell me where it hurts now RAEFEL and i'll do my best to make it better.. oh and if you let me stay i'll love all the hurt away.." oh diba ang saya nila? natawa nalang ako sa kakumagan ng dalawa kong kapatid eh. natututo narin. hahaha. meron naman si bebeng version nya ng "the day you said goodnight ng hale" yung chorus nya goes like this "to be.. andaming tutubi.. hinabol ang honeybee.. papunta sa jolibee.." haha. wala lang. ang saya eh. isa lang ibig sabihin nito. lahat tayo pwedeng magkaron ng sari-sarili nating version ng kanta. kaya coco, LUSOT KA SA SABLAY MO! hahaha. joke lang. peace tayo!

alam nyo bang may 2 exam pa ko ngayon at andito pa ko sa harap ng computer, luluwa na mata ko sa puyat, at nasa page 10 palang ako ng kailangan naming aralin ngayon? so pano? till next time nalang! batiin nyo ko bukas bertday ko na! wala lang. bahbher!

No comments:

Post a Comment