06 July 2005

The Week That Was.

haller my peepz!! sooooooobrang tagal ko ng walang post!! i'm so shy na!! anyways,, dami soooooooobrang inasikaso.. lam nyo na pag artista busy talaga.. (haha!! asa!!) eh kasi masyadong inasikaso yung debut ko eh.. (sa 15 na yun at hindi ko parin ma-feel hanggang ngayon!!) soooooooobrang stressed na ko.. meron pa ngang gabi na umiiyak ako hanggang 2 am kasi sa sobrang daming gagawin.. "hoy yung program mo asikasuhin mo na!!" "ano ka ba gawin mo na yung guest list mo!" "kelan pictorial mo ha??" "nakuha mo na yung invitation??" "pasalubong ko ha.." "my mcdo ka ngayon??" waaaaah!! pakshirt sabay sabay ang dikta.. ayoooowko na!! pero wala na eh andito na eh.. pinipilit nila na excited ako kaso mukhang nawawala yung WILLING HEART ko eh.. hahaha..

sa isang linggo naming pagaasikaso ni ate kat dami naming taong nakasalimuha na wala sa sarili.. mga WEIRD!! nasasabi na nga lang namin "hindi na nila gusto ginagawa nila.." naisip ko tuloy.. "ako ba gusto ko tong ginagawa kong pagaasikaso??" EWAN!! ang pinaka gusto kong nangyari nitong linggong nakaraan ay yung pictorial ko sa QF sa fairview.. soooooobrang saya talaga.. FEELING ARTISTA!! (post ko dito pag nakuha ko na.. not your kind of melai!!) hahaha.. chaka yung sa gown.. masaya kasi 2 gon ko pero mura lang.. hehehe.. at chaka yung sandals na binili ko.. mura lang din kaya masaya!! sana shopping galore nalang debut ko.. (naku!! pag nabasa toh ng nanay ko tatamaan ako!! nyay!!) anyway,, ano pa ba?? di ko na matandaan yung iba eh.. hehehe..

nyaks!! ilang days nalang 18 na ko.. ano kaya feeling?? siguro wala lang.. ma-fi-feel ko na 18 na ko pag nakagimmick ako after ng debut ko.. (kaya ma payagan mo na ko!! puhleeeez??) most awaited nga daw ang debut ko sabi ng 4-israel.. bat kaya?? kayo ha!! hehehe.. excited lang me kasi i get to see my long lost friends on that day.. tapos mega picture ever.. kahit la ng program.. picture-picture nalang agad!! hehehehe..

oh pano dito muna.. la ako sa sarili ngayon.. pinilit ko lang mag-update eh.. hehehe.. basta next time nalang ha?? can't tell when.. till here.. bahbher!!

13 June 2005

Abaaaa..

hi blogsters!! tagal ko hindi nakapag-blog diba?? busy kasi eh.. (lagi nalang melai!!) chaka kasi topak yung pc namin pagnaka-connect.. anyways,, kamusta naman ba ako?? eto ewan ko kung pumapayat ako or tumataba.. (mga tao kasi sa paligid eh,, iba iba paningin.. haaay!?) so far okei pa naman ako.. medyo napapagod pero happy pa naman.. (wag nyo lang ihaharap sakin si father!!) bruhahahaha.. lam nyo ba bat ako nag-blog?? si chasha kasi eh.. "huy!! mag-update ka na!! saaaaaalliiii ak0ooo00oo!!" hahaha lalala.. ano pa ba masasabi?? yung mga araw ko kately umiikot sa mcdo at sa household chores eh.. gigising. mag-ma-mop. magpapakain ng aso. maliligo. papasok sa mcdo. uuwi. magpapakain ng aso. kakain. manonood ng tv. text text ng onti. minsan telepono. tapos tulog na. grabeh noh?? walang exciting happenings at kilig moments.. kaya nga wala rin ako maisip na i-blog eh.. (palusot nanaman!!) pero don'ry,, pasukan na.. may mga misadventures na ko at mga makaka-enounter na taong jabar!? bruhahahahaha..

nung sunday (june 12) ang pinakamasyang araw ko.. ewan ko ba.. peo mga nangyari nun eh..

-7am simba ko sa emc.. kanta sa choir.. masaya.. ewan.. magkatabi kasi kami ni bits at kuya aloy eh.. hahaha-lalala..
-9:30am cyf na.. despedida for coco kumag.. masaya rin kahit nakakalungkot na aalis na si coco..
-11:30am kain na ng lunch.. sagot ni steven.. CONTADO TALAGA!? sarap pramiz!! p.g. na kung p.g. eh ang sarap eh..
-12:30pm punta kami ng rob nood ng movie sagot naman ni coco.. haaay!! ang saya walang gastos.. hehehehe.. ganda nga lang ng palabas "SHUT UP AND KISS ME" haay.. don't ask!!
-3:30pm uwi na ko kasi magaayos pa ko dahil aattend pa ko ng debut ni leah..
-6pm hinatid na ko ni ama sa max's orosa..
-9pm tapos na agad yung debut.. ang saya kasi almost 75% ng bisita nya highschool friends namin.. bonding moments na ito!!
-9:30pm punta kami malate.. gimmick na.. last day na daw bago magpasukan eh.. punta kami cart noodle.. tapos arkdia.. tapos bedrock.. ayos lang,, di masakit sa bulsa.. share share naman sa bayad eh.
-1am nagpahatid na ko kay matt pauwi kasi naalala ko may sched pa me sa mcdo the next day at wala pa kong uniform.. hahaha..
-buti nalang hanggang 2am pnaalam ko.. hindi tuloy ako napagalitan,, pinuri pa ko dahil maaga ako!! yehey!!

parang nagbuhay highschool ulit ako nung linggo na yun,, masaya pwamiz!! church friends sa umaga,, highschool friends sa gabi.. saya noh?? so yun lang happenings lately.. pics nalang uli pambawi. sige dito muna ha?? i'll try my best to update my blog every now then.. (hay!! tuwing kelan kaya yun??) sige dito nalang peepz.. byerz!!

24 May 2005

Hataw Na.. Wag Kang Mapagod..

haay!? antagal tagal ko na di nakapag-blog.. na-miss ko sya.. anyways,, nagig super busy me last week kasi punta dito,, duty don,, practice dito,, and everything.. but ayhow,, i'm still alive and kickin'!? (oh yeah oh yeah)

dapat kasi kahapon at kanina wala akong schedule sa mcdo,, kaso ako'y pinagpala at borrow ako ng u.n. ave. kasi magpapack kami ng 10,000 goodie bags para sa members ng mcdo fun club.. tinamaan ng magaling!? sampung libo sa dalawang araw?? are you drugs?? how's your buusiness naman?? heeeeelllllllleerrrrr?? pero go na ko,, pambawi hours na rin yan.. at guess what?? ganun na nga kadali ang gagawin,, 6 hours pa ko,, at 2 meals ako.. breakfast and lunch!? (yummy the pancakes!?) nakakatawa nga kasi halos lahat ng nandun mga 2nd assistan,, at ako lang ang crew,, at take note crew na limang araw pa lang.. bwehehe.. AMBANGIS!!

kanina naglakad narin ako nung atm ko para sa sweldo matransfer na agad sa atm.. punta ko office ng mcdo sa paseo de roxas.. nagpakatanga muna ako for 30 minuts kakatanong ng direksyon..

ako: boss,, magkano hanggang landmark??
mamang drayber na may jabar: siks pipti..
ako: bayad ho oh.. pakibaba ho ako dun sa malapit sa citibank tower ha??
mdnmj: oh kala ko ba landmark??
ako: sinabi ko lang ho yun kasi yun yung sinabi sakin ng kaibigan ko na sabihin sa drayber..
mdnmj: tapos nun pupunta ka ng landmark??
ako: (nainis sa drayber) basta manng sa citibank.. kulit mo eh..
mdnmj: ano ba kasi gagawin mo sa citibank,, sa landmark ka na bumaba..
ako: (inis to the next level) (alapit lapit na sa citibank) PARA NA NGA MANONG!?

so ayun.. nakarating na ko sa office ng mcdo,, nag-antay ng 48 years para pirmahan yung pesteng form na lukot lukot na.. at pagkatapos umalis na..

pauwi ko.. ang saya-saya.. nakasakay ako ng AIRCON JEEP!? wow!! pers taym ko to ah?? 9 pesos yung fare,, sulit na kasi mas malamig pa sa fx,, at wala ka pang makakatabing mamang may putok o kaya'y naninilaw ang kolar.. (eeeewww..) nakadungaw lang ako sa bintana.. tapos napadaan sya sa may yamaha,, nakita ko yung mga saxophone.. naalala ko si kuya dave.. tapos katabi nun mga flute naman.. ang KYUT!? may pink.. orange,, blue,, at green.. tapos naalala ko rin sya.. at sa kapestehang palad biglang tumugtog ang version ni sarah geronimo ng can this be love.. (can this be love i'm feeling right now.. chuvaness..) NAKAKINIS!? ANG BAHO NG PASOK MO SARAH!! KORNI KA!! tapos tapos na..

5:49 na.. at may meeting kami ng ACTS ngayon sa emc.. bat pa ko andito sa bahay?? wala lang!? pagod ako eh.. OH MY GOSH>> METEOR GARDEN NA!! gtg na.. bye..

15 May 2005

Toxicness.

bwahahahahaha!? masayang araw peeps!? antagal kong nawala,, pero sa pagkakataong toh ang pagkawala ko ng 3 linggo ay "jampack" sa mga di malilimutang pangyayari.. simulan ko na?? game!?

may 2-7 (VCS at leveriza)

para sa mga hindi nakakaalam.. ang VCS (vacation church school) ay parang bible study for kids ngunit araw-araw sa loob ng isang linggo ito ginaganap at tuwing bakasyon lang.. so anyway,, sa "riverside" na part ng leveriza kami na-assign.. unang kita ko sa lugar.. "oh men!? san ka naman magtuturo dito?? ang baho!? ang init!? tapos yung mga bata parang.. parang.. parang may isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti!?" pero naisip ko.. "no!? no!? never!? never!? ahh.. ahh.. ahh.. im not turning back anymore.. AJA!?" partner ko si ate tin sa paghandle ng middle and older elementary so medyo nakakgaan ng loob.. may ka-share ako sa kahirapan..

ate tin: hello mga bata!? ako nga pala si ate tin!? at sya naman si..
pochay: si ate pochay!?
batang may nakakatakot na mata: pochay?? di ba dapat pechay?? ahahaha..
batang may libag sa leeg: pechay!? hahaha.. p*cha naman oh!?
ate tin: oh tama na yan.. bawal ganyan dito..

mejo kinaya ko naman ang unang araw ng pagtuturo.. masaya kasi napakaswerte na kilala ko si LORD.. hindi katulad ng ibang bata.. masayang mahirap nga!? nagdaan ang mga araw akala ko hindi ako makakatagpo ng katapat ko dahil mga bata ang mga kahalubilo ko.. ngunit.. ngunit.. may isang malditang mukhang garapata na nag-inarte samin ni ate tin.. maldita to the nth degree talaga.. habang naglelesson naninipa sa ilalim ng table (kami po ang biktima at hindi kapwa niya garapata ha??).. nangkukurot (andumidumi pa naman ng nails!? eeeww..).. nambabato.. at kung an-ano pang kagarapatahan ang pinaggagagawa niya.. pero dahil ako'y galing ng camp at paslit lang sya.. HINDI KO SYA PINATULAN.. (yikee!? bait points=100!?)

may 9-13 (VCS at jacobo)

matapos ang isang linggong patuturo sa leveriza ay sa jacobo naman kami ngayon.. mas maganda sya kupara sa leveriza.. dito bahay ang tinutuluyan namin at napakabait ng maybahay dahil kada araw may merienda kaming mga teachers!? (yummy!?) mas marami rin ang mga bata dito ngunit mas mababango at mas maamo tignan kesa sa mga nauna naming tinuruan.. game!? si ate tin uli ang partner ko.. at sa pagkakataong toh hindi na naging issue ang pangalan ko.. KUNDI ANG RELO KO!? ung mga bata sabi.. "wow nagalaw yung aso!?" "ang ganda naman!?" "magkano yan ate??" napangiti nalang ako.. sabi ko nalang.. "maswerte ako at may relo ako para malaman ko kung anong oras ko lilisanin ang lupalop na toh.." nyahahaha.. mababait ang mga bata.. tahimik.. ngunit.. ngunit.. sa pangalawang pagkakataon ay may black sheep nanaman sa aming students.. si MONALEZA.. (monalisa ang bigkas nyan!?) kilala nyo ba si matti ng captain planet?? yung sa power ng HEART.. yun!? yun na yun ang itsura ng tinutukoy kong bata.. hindi sya maldita.. hindi rin sya nangaaway.. masyado syang madikit at.. at.. ah basta madikit sya!? JABAR!? hehehehe.. lagi nya kong nilalapitan at kinakapitan.. pamatay ang kuko nitong batang toh.. "ISANG KALMOT,,AMOY MO'Y MAGIGING MABANGHOT.." (ansama kong bata.. masma ang masyadong tapat sa sinasabi!? hahaha..) ayun.. pero infairness okei ang linggong yun.. (mejo hindi ko nga lag nakumpleto dahil mga araw na wala ako dahil sa ibang bagay.. na nagbigay issue sa mga bata sa dahilan na wala ako at wala rin pala si kuya dalo..)

batang may lisa sa ulo: ate poch bat wala ka kahapon??
ate poch: may inasikaso kasi ako..
monaleza: eh bat si kuya dalo wala rin kahapon?? nagdate kayo noh??
ate poch: (nagmataray) ano bang pakielam mong bata ka??
batang babae: (pabulong kay ate tin) ate tin,, boypren po ba ni ate pochay si kuya dalo??

mga bata nga naman oo!? chismaxx ang inaatupag pag walang magawa.. anyways,, magpatuloy tayo..

may 14 (familympics at ellinwood)

waaaah!? 9am ang start ng games at ang nagmamagandang ako dumating ng 1:30pm.. (reason?? ask my dad!? SUPER SAYAN ANG LOLO MO!? WARLA TO THE MAXX!?) masaya naman at nakakapagod talaga.. table tennis at darts ang pinili kong laruin.. at sa masayang palad ay nanalo kami sa darts.. pero butata ako sa table tennis.. pero okei lang,, sa dami ng calories na naburn ko kakapulot ng table tennis ball ay advantage na yun!? nyahaha.. ano pa ba?? pagtapos nun ay derecho akong caloocan sa isa pa naming church para magpraktis ng mime at ballet kasi nga may concert sa may 23.. mga 11pm na kami nakauwi at paktay na paktay na katawan ko.. pero ayos lang.. "AJA!?"

may 15 (church)

kahit puyat ako 7am parin ako nagsimba.. iba feeling pag maaga ka nagsisimba.. at peace pa ang utak mo at wala pa masyadong ingay ng mundo ang naririnig mo.. after CYF derecho kami ng rob,, naglunch,, bonding moments,, at pagkatapos nagpunta sa G-BOX para maglaro ng walang kamatayang "photo hunt".. after nun kinailangan ko nang umalis dahil pupunta na uli ako sa caloocan para sa praktis namin.. at alam nyo ba ha?? gusto nyo ba malaman ha?? may kasabay ako pumunta dun!? hehehe.. pero hindi ko sasabihin.. SECRET!? bwahahaha.. hulaan niyo na lang..

trisha: melai,, sino bf mo ngayon??
melai: wala ah.. tagal na nga eh.. hehehe..
trisha: ibig sabihin si -toot- yung huli mo?? tagal na nun ah??
melai: oo.. mag-iisang taon na nga eh.. (tingin sa relo) ay tama!? ngayon yun!? ISANG TAON NA KO WALANG BOYPREN!? ANIBERSARI KO!? hehehe..

oh sige dun muna ha?? maganda hanging yung kwento eh para may aabangan pa kayo.. hanggang sa muli.. PAALAM!? c;

30 April 2005

Most Promising? Bakit? Marami ka bang na-promise? :D

heller world!? antagal ko nawala noh?? miss nyo ko?? ako rin eh.. na-miss ko sarili ko.. 5 days akong nawala sa ikot ng mundo sa manila kasi i was in batangas for the "youth camp 2005" slash "bading camp" slash "henna camp" slash "insekto camp" ng ellinwood sa blue roze farms.. hay naku!? super daming nagyari as in.. ewan ko nga kung i-ba-blog ko lahat dahil baka walang bumasa sa sobrang haba ng entry ko.. tignan mo ito pa nga ako dakdak ng dakdak at ayaw pang simulan yung kwento kong mahaba na pilit ko pang hinahabaan dahil sa kakadakdak ko eh..

"henna camp".. bakit kamo?? si kuya jeb kasi (pcu peepz.. si jeb yung boypren ni ayessa nung batch nila.. ung may banda.. basta kilala nyo un!) marunong mag-henna at ang buo nyang katawan ay isang buhay na henna.. ay ako rin pala bago pumunta ng camp may henna tulad nung kay kitchie nadal.. la lang.. sahre.. neway,, oh tapos yu may pang-henna nga syang dala kaya yung ibang campers nagpapahenna sa kanya.. ang astig dun.. FREE!? kahit gargancho pa ipahenna mo oks lang kay kuya jeb!?

"insekto camp"?? literal na insekto ibig kong sabihin dito!? higanteng mga lamok,, langgam,, salaginto,, salagubang,, at the worst yung TU-KO!? hay naku!? kay hirap makatulog sa gabi dahil sa pampam na tu-kong nakasabit sa kisame ng cabin niyo.. (malas ka pag nasa taas ka pa ng double deck.. parang ako!?) para syang alarm clock na basag ang speaker.. basta!?

"bading camp".. kasi ung boys nasa isang cabin lang.. 28 boys + 4 nights in a room = BADINGAN TO THE MAXX!? bwehehehe.. hay naku di pa jan natapos yan.. kasi we were asked to vote for the crush ng bayan award.. ung girls mag-vo-vote ng guy tapos ung guys mag-vo-vote ng girl.. si jasm,, ung nanalong crush ng bayan na girl has 4 votes.. the rest of the votes ng guys at girls napunta kay t.j.. landslide as in.. di daw mapigilan ng mga boys di iboto si t.j.!? BADING TALAGA!? crush ng cabin din kasi yun eh.. haha.. (pcu peepz uli,, si t.j. atienza taga pcu elem din dati.. mas late ng 1 batch saten.. ka-batch nila dico un..)
sa experience ko sa youth camp na yun marami akong natutunan..
-ang TU-KO ang hayop na nakakatakot kahit nakangiti sya sayo..
-ang unggoy ay nambabato ng saging pag kinausap mo..
-astig ang mga alitaptap tuwing gabi..
-peste ang tuko!!
-ang mga uwak ay nakiki-recreationl activities din.. (HI CROWY!?)
-pwede mong kaibiganin ang isang salagubang kung wala ka talagang magawa.. (HI DIN ABIGAIL!?)
-ang pagtakbo sa buong blu roze farms ng isang maghapon ay nakababawas ng 5 pounds sa iyong timbang..
-magaling ako mag-fake ng iyak.. (haha!?)
-hindi lahat ng akala ko tama!?
-ang hindi colored na cellfone ay hindi interesting sa mga magnanakaw.. kahit probinsyano ang nasabing magnanakaw!?
-mas masaya sa gubat na tahimik kahit maraming insekto kesa sa mall na may sale na napakaingay.. (hehe..)

pero hindi lang yan.. marami rin akong natutunan.. lalo na kay GOD!? (thank you talaga kuya dalo!?) bigla yatang nabuhay ulit ung spiritual life ko.. naging turning point sakin ang nasabing youth camp na yun.. napigilan ko nga magmura ng 5 araw eh.. (sana magpatuloy na!?) basta.. di ko na sasabihin lahat.. ang mahalaga malaman nyo na nagbago na at patuloy nang magbabago si bratinellang princesa.. gusto ko ng pagtibayin faith ko kay GOD.. hay.. kaka-iyak..

on our last day nagkaron ng awarding ceremony.. lahat may mga award.. pero syempre may mga minor at major awards din.. nung i-a-announce na yung most promising award kasalukuyan akong nakikipagdaldalan kay ate bituin.. "and our most promising award goes to.. dan-da-na-nan.. MELISSA JOY TABERNILLA!?" naku!? biglang nag-init mukha ko.. namula.. at nahiya bigla.. sa isip ko.. "hala!? why me?? ano nagawa kong special??" kung ano man nakita ng mga counselors sakin ay naappreciate ko po yun (chalamat!?) talagang naging interested lang po ako sa lahat ng sessions kaya ganun ako kaattentive.. anyway,, it's such a wondeful thing.. after nung awarding.. ayan mega congrats dito congrats dun na.. at sa bawat kakamay sakin.. "most promising.. bakit?? marami ka bang pri-na-mis?? hehe.." sa isip ko.. "ano ba ibig sabihin ng most promising?? hehe.."

dami ko bagong friends.. dami ko bago natutunan.. dami ko nabago sa sarili ko.. at higit sa lahat........ NAGBAGO NA SI BOOM-BOOM!? (boom-boom=alaga kong shih tzu)

pagkauwi ko galing camp binati agad kami nila ate les,, kuya dave,, ziggy the chow-chow,, monica the askal,, at ni leila na alaga ko ring shih tzu.. pero ang aking malditang baby boom-boom dedma to the maxx!? as in paghiyaw ko ng "booooooooo--booooooymm" tumakbo palayo at humiga!? kainis.. di na niya ko kilala.. (palibhasa umitim ako eh chaka umikli buhok!?) at eto hanggang ngayon.. 15 hours na nakakalipas simula ng dumating ako ang taray taray parin niya sakin!? pinaliguan ko na,, inamo ko na,, pinakain ko na.. wala parin!? maldita parin!? marunong din pala magtampo at magmataray ang mga aso!? hay!?..

pagbalik namin dito sa manila bigla ko agad na-miss ang katahimikan ng gubat.. doon kasi ingay lang ng kuliglig ang masakit sa tenga.. nung pumunta kami sa rob parang di ko kinaya ang ingay ng mall lalo na ung mga bading na nag-e-aerobics sa fitness floor katabi ng fountain.. talagang yung isa kong kamay asa tenga ko.. at ito pang isang "force ng nature ng manila".. ang TATAY ko.. hindi naman ngayon vocal chords ang ine-exercise niya sakin.. kundi ang pag-e-electric guitar nya.. nakabila na sya ng stand para sa elctric guitar.. kumisyon nya raw sa mga beagle.. hay naku!? ANG INGAY TALAGA!?
di ko na makaya ng pag-ko-konsyerto nitong tatay ko (although magaling naman sya tumugtog) kaya di ko na hahabaan pa tong entry ko.. byebye muna peepz ha?? till here.. mwa-hagz!? c;