bwahahahahaha!? masayang araw peeps!? antagal kong nawala,, pero sa pagkakataong toh ang pagkawala ko ng 3 linggo ay "jampack" sa mga di malilimutang pangyayari.. simulan ko na?? game!?
may 2-7 (VCS at leveriza)
para sa mga hindi nakakaalam.. ang VCS (vacation church school) ay parang bible study for kids ngunit araw-araw sa loob ng isang linggo ito ginaganap at tuwing bakasyon lang.. so anyway,, sa "riverside" na part ng leveriza kami na-assign.. unang kita ko sa lugar.. "oh men!? san ka naman magtuturo dito?? ang baho!? ang init!? tapos yung mga bata parang.. parang.. parang may isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti!?" pero naisip ko.. "no!? no!? never!? never!? ahh.. ahh.. ahh.. im not turning back anymore.. AJA!?" partner ko si ate tin sa paghandle ng middle and older elementary so medyo nakakgaan ng loob.. may ka-share ako sa kahirapan..
ate tin: hello mga bata!? ako nga pala si ate tin!? at sya naman si..
pochay: si ate pochay!?
batang may nakakatakot na mata: pochay?? di ba dapat pechay?? ahahaha..
batang may libag sa leeg: pechay!? hahaha.. p*cha naman oh!?
ate tin: oh tama na yan.. bawal ganyan dito..
mejo kinaya ko naman ang unang araw ng pagtuturo.. masaya kasi napakaswerte na kilala ko si LORD.. hindi katulad ng ibang bata.. masayang mahirap nga!? nagdaan ang mga araw akala ko hindi ako makakatagpo ng katapat ko dahil mga bata ang mga kahalubilo ko.. ngunit.. ngunit.. may isang malditang mukhang garapata na nag-inarte samin ni ate tin.. maldita to the nth degree talaga.. habang naglelesson naninipa sa ilalim ng table (kami po ang biktima at hindi kapwa niya garapata ha??).. nangkukurot (andumidumi pa naman ng nails!? eeeww..).. nambabato.. at kung an-ano pang kagarapatahan ang pinaggagagawa niya.. pero dahil ako'y galing ng camp at paslit lang sya.. HINDI KO SYA PINATULAN.. (yikee!? bait points=100!?)
may 9-13 (VCS at jacobo)
matapos ang isang linggong patuturo sa leveriza ay sa jacobo naman kami ngayon.. mas maganda sya kupara sa leveriza.. dito bahay ang tinutuluyan namin at napakabait ng maybahay dahil kada araw may merienda kaming mga teachers!? (yummy!?) mas marami rin ang mga bata dito ngunit mas mababango at mas maamo tignan kesa sa mga nauna naming tinuruan.. game!? si ate tin uli ang partner ko.. at sa pagkakataong toh hindi na naging issue ang pangalan ko.. KUNDI ANG RELO KO!? ung mga bata sabi.. "wow nagalaw yung aso!?" "ang ganda naman!?" "magkano yan ate??" napangiti nalang ako.. sabi ko nalang.. "maswerte ako at may relo ako para malaman ko kung anong oras ko lilisanin ang lupalop na toh.." nyahahaha.. mababait ang mga bata.. tahimik.. ngunit.. ngunit.. sa pangalawang pagkakataon ay may black sheep nanaman sa aming students.. si MONALEZA.. (monalisa ang bigkas nyan!?) kilala nyo ba si matti ng captain planet?? yung sa power ng HEART.. yun!? yun na yun ang itsura ng tinutukoy kong bata.. hindi sya maldita.. hindi rin sya nangaaway.. masyado syang madikit at.. at.. ah basta madikit sya!? JABAR!? hehehehe.. lagi nya kong nilalapitan at kinakapitan.. pamatay ang kuko nitong batang toh.. "ISANG KALMOT,,AMOY MO'Y MAGIGING MABANGHOT.." (ansama kong bata.. masma ang masyadong tapat sa sinasabi!? hahaha..) ayun.. pero infairness okei ang linggong yun.. (mejo hindi ko nga lag nakumpleto dahil mga araw na wala ako dahil sa ibang bagay.. na nagbigay issue sa mga bata sa dahilan na wala ako at wala rin pala si kuya dalo..)
batang may lisa sa ulo: ate poch bat wala ka kahapon??
ate poch: may inasikaso kasi ako..
monaleza: eh bat si kuya dalo wala rin kahapon?? nagdate kayo noh??
ate poch: (nagmataray) ano bang pakielam mong bata ka??
batang babae: (pabulong kay ate tin) ate tin,, boypren po ba ni ate pochay si kuya dalo??
mga bata nga naman oo!? chismaxx ang inaatupag pag walang magawa.. anyways,, magpatuloy tayo..
may 14 (familympics at ellinwood)
waaaah!? 9am ang start ng games at ang nagmamagandang ako dumating ng 1:30pm.. (reason?? ask my dad!? SUPER SAYAN ANG LOLO MO!? WARLA TO THE MAXX!?) masaya naman at nakakapagod talaga.. table tennis at darts ang pinili kong laruin.. at sa masayang palad ay nanalo kami sa darts.. pero butata ako sa table tennis.. pero okei lang,, sa dami ng calories na naburn ko kakapulot ng table tennis ball ay advantage na yun!? nyahaha.. ano pa ba?? pagtapos nun ay derecho akong caloocan sa isa pa naming church para magpraktis ng mime at ballet kasi nga may concert sa may 23.. mga 11pm na kami nakauwi at paktay na paktay na katawan ko.. pero ayos lang.. "AJA!?"
may 15 (church)
kahit puyat ako 7am parin ako nagsimba.. iba feeling pag maaga ka nagsisimba.. at peace pa ang utak mo at wala pa masyadong ingay ng mundo ang naririnig mo.. after CYF derecho kami ng rob,, naglunch,, bonding moments,, at pagkatapos nagpunta sa G-BOX para maglaro ng walang kamatayang "photo hunt".. after nun kinailangan ko nang umalis dahil pupunta na uli ako sa caloocan para sa praktis namin.. at alam nyo ba ha?? gusto nyo ba malaman ha?? may kasabay ako pumunta dun!? hehehe.. pero hindi ko sasabihin.. SECRET!? bwahahaha.. hulaan niyo na lang..
trisha: melai,, sino bf mo ngayon??
melai: wala ah.. tagal na nga eh.. hehehe..
trisha: ibig sabihin si -toot- yung huli mo?? tagal na nun ah??
melai: oo.. mag-iisang taon na nga eh.. (tingin sa relo) ay tama!? ngayon yun!? ISANG TAON NA KO WALANG BOYPREN!? ANIBERSARI KO!? hehehe..
oh sige dun muna ha?? maganda hanging yung kwento eh para may aabangan pa kayo.. hanggang sa muli.. PAALAM!? c;
No comments:
Post a Comment