Since August pala dalawa pa lang nagagawa kong blog post. Mukhang lately tinatamad na yata ako mag-update ah? Or masyado lang mabilis ang mga pangyayari, hindi ko na alam paano ko sisimulan isulat? Hehehe.
WORK RANTS.
Nakakasawa na. Paulit-ulit na yung ginagawa. Wala ka namang end goal or end product para ma-quantify mo yung productivity mo. In short, mas nararamdaman ko na yung pagod dahil sa boring na trabaho at ka-trabaho. Kung hindi lang talaga malaki sweldo dito, aalis na ko eh. Pero kahit anu pang sabihin ko, kailangan ko tong trabaho na to. Mapapalo ako sa pwet ng nanay at tatay ko kapag nawalan ako ng trabaho. naging batas na yata sa bahay namin yun na bawal maging "B-U-M" eh. Ayun. May mga kaibigan naman ako dito [Mga 4 siguro sila] pero kahit konti, alam ko namang totoo sila sakin. [At kasing edad ko silang lahat.. Halos.. Maliban sa isa.] At araw-araw sila yung napagsasabihan ko ng "rants" ko sa buhay. Sa pagiging isang "irrelevant" phone operator. Haaaay.
BUME-BAKING LIFE. KUMA-CAR TOWN. TUMI-TWITTER. TUMA-TUMBLR.
Ito ang mga bagay na ginagawa ko para hindi ma-stress [O kaya minsan ito rin yung mga bagay na nagbibigay ng stress sakin. Haha!] at nag-e-enjoy naman ako. Wala naman akong ibang option since tapos ko na halos lahat ng TV series na pina-DL ko kay Louis. Basta, sobrang active ng accounts ko lately. Hahaha. At dahil yun sa B-O-R-E-D ako dito.
ANTUKIN.
Sino bang hindi? Lagi na lang akong inaantok. [Or tinatamad. Minsan sabay sila diba?] Kahit na matagal naman yung tulog ko, inaantok parin ako. Lalo na siguro kung kulang sa tulog. Habang tina-type ko tong post na to, inaantok ako. Kaya nga sobrang random nalang ng pinagsasasabi ko eh. May ma-i-blog lang. ZZzzZZzz..
PATULOY NA PAGSUNOG NG KAHAPON.
Hindi na ko matapos-tapos sa kakaligpit ng mga 'gamit' ko sa kwarto. [Partida, sa kwarto pa lang yun.] May pagka-'sentimental' kasi ako when it comes to 'stuffs' kaya minsan mahirap talaga magtapon nalang ng basta-basta, pero ngayon.. HINDI NA! Hahaha. Hindi na makahinga yung kwarto namin sa dami ng 'abubot' [As what Mom calls it.] naming magkakapatid kaya nga ako na ang nangunguna sa pagtatapon. Wala nang 'second thoughts'. Basta pag di na kailangan.. TAPON! At yung mga bagay na wala nang halaga sa kasalukuyan.. TAPON! Hahaha. Sarap ng feeling! After ko maglinis, biglang naging maaliwalas ang mga gamit ko [Although madami parin sila.] at lumuwag ang space ko sa study table namin. Ayun lang. Kayo din. Try nyo magligpit ng mga gamit nyo. Tapos sunugin nyo yung hindi na kailangan. Tapos tumawa din kayo ng parang kontrabida. Mwahahaha! Ü
STAMPED PASSPORT.
Since I got my passport, I couldn't help but wonder where will my nxt destination will be. Of course mas mahirap magpaalam kay Mom since ibang usapan na 'to, ibang bansa na 'to eh. And I haven't got any credit card kaya mahirap din magbook online sakaling may maabutan akong seat sale. Haaaay. I badly want to go to SG or HKG sana [Suntok sa buwan] within the year. Ü Or if not, sige kahit early next year. Ü Kasi naman, tong mga kapatid ko, ayaw ma-excite maigi, puro plano lang. Tsk! Sa mga ganitong pagkakataon gusto ko sana ako nalang yung panganay na anak! Hehehe. Ü Basta, matatatakan din yung passport ko. Ü
I WILL TRY TO BE SOBER.
Yan ang isa sa mga random thoughts ko kaninang idle time ko dito sa office. Lately nga hindi na ko nakakainom, at hindi ko rin hinahanap to. Madalas din na kapag may inuman ay konti lang din naman yung naiinom ko and the rest, puro kain at kwento na lang. Ü SIguro kaya ko naman gawin 'to eh. [Hindi nalang ako aattend ng party kapag may SOBERCLUB, that I can't resist!] And there's no harm in trying naman diba? Makikisama at makikitawa nalang ako sa mga inuman sessions, and of course magpipicture! Hahaha. Kaya ko 'to! Ako pa! Pag ginusto kong tumigil nagagawa ko eh! Hahaha. Ü [Para din hindi na lumaki ang 'bilbil' ko at makabalik na ko sa pagbubuhat! Ü
So.. Dito nalang muna. Naubusan na ko ng sasabihin. Sumakit na ulo ko. Sa susunod ulit. Ü

No comments:
Post a Comment