07 June 2010

Panunumpa ng Kawani ng Gobyerno.

During the Flag Ceremony (Every first Monday of the month.) kanina, while reciting the "Panunumpa", nagkaroon ng "Awkward Murmuring" dahil masaydo yatang mahaba yung sinabing verse nung leader kaya nahirapan yung mga employees na i-recite. Kaya ayan, after ng Ceremony ay namigay ng copy ng "Panunumpa" for the employees to familiarize themselves, para daw next time wala nang awkward murmurs. Hahaha.

I find it ironic somehow whenever I recite this "Panunumpa". Ewan. Kasi minsan matatawa ka nalang dahil kung sino yung may pinakamalakas na boses habang nagrerecite, yun yung pinaka-guily sa lahat. Hahaha.

Share ko na nga lang sa inyo.

-------------------------------------


PANUNUMPA NG KAWANI NG GOBYERNO. [Rev. February 2008]

Ako'y kawani ng gobyerno
Tungkulin ko ang maglingkod ng tapat at mahusay.
Dahil dito,
Ako'y papasok ng maaga at magtatrabaho nang lampas sa takdang oras kung kinakailangan; [Check sa second part. Guilty sa first art. Haha!]
Magsisilbi ako nang magalang at mabilis sa lahat ng nangangailangan; [Check!]
Pangangalagaan ko ang mga gamit, kasangkapan, at iba pang pag-aari ng pamahalaan; [Paano mo aalagaan ang sira na? Hahaha.]
Magiging pantay at makatarungan ang pakikitungo ko sa mga lumalapit sa aming tanggapan; [Minsan hindi rin, dapat mas considerate ka sa mga mas nakakababa, hindi yung lagi mong pinapaboran yung nakatataas.]
Magsasalita ako laban sa katiwalian at pagsasamantala; [Check! Though wala pa namang ganun dito.]
Hindi ko gagamitin ang aking panunungkulan sa sarili kong kapakanan; [Except nalang kung legal ang perks ng pagiging government employee, tulad ng discounts on tickets sa E.K.]
Hindi ako hihingi o tatanggap ng suhol; [Check! Though hindi pa ko nakakakita ng mga "under the table" incidents dito sa office.]
Sisikapin kong madagdagan ang aking talino at kakayahan upang ang antas ng paglilingkod sa bayan ay patuloy na maitaas; [Kung alam ko lang kung paano to, ginawa ko na.]
Sapagkat ako'y isang kawani ng gobyerno
At tungkulin ko ang maglingkod nang tapat at mahusay
Sa bayan ko at sa panahong ito
Ako at ang aking mga kapwa kawani
Ay kailangan, tungo sa isang maunlad
Masagana at mapayapang Pilipinas
Sa harap ninyong lahat, ako'y taos-pusong nanunumpa.


-------------------------------------


So ayan, isa lang yan sa mga nirerecite kapag may Flag Ceremony dito sa office. [Minus the side comments. Haha.]

Obviously I'm bored here at work kaya kung anu-ano nanaman sinasabi ko. Oh well..


No comments:

Post a Comment