Matutulog nalang, naglikot pa ang utak ko. Talaga naman. Sabi ko diba ayoko mag-isip? Anyway..
Naisip ko lang (accidentally), na ang tao/aso alam mo kung kailan manganganak (9 mos. sa tao at 2 mos. sa aso), ang araw alam mo kung kailan lulubog at lilitaw (sunrise at sunset), ang tides alam mo kung kailan tataas at bababa (depende sa moon), at kahit ang bagyo alam mo kailan tatama sa bansa.
So ano ang point ko? Wala naman. Sana ganun din ka-predictable ang presence ng isang tao sa buhay naten. Sana hindi sila parang multo na ikakagulat mo pag nagparamdam. Sana din hindi sila parang ipo-ipo na pagdumaan ay iiwanan kang sira-sira. Sana hindi sila parang bulaklak na bigla nalang nalalanta.
Ano ang point ko? Wala. Sabi sa inyo naglikot lang utak ko eh. Goodnight world! :)
P.S. Sa sobrang stress ko kanina, andami palang typo error nung previous post ko. Hehehe.
No comments:
Post a Comment