23 February 2010

B is for .....

4D/3N vacation. [Feb 19-22, 2010]
3 destinations. [Circle Inn (Silay), Mambukal Resort (Murcia) & Lakawon Beach Resort (Cadiz)]
2 boys / 3 girls. [Jai, Aloi, Chasha, Jas, & Me]
1 unforgettable weekend.

B is for.... BACOLOD!!! :D but wait, there's more! if you're thinking, it's the typical laidback / chillaxing vacation, THINK AGAIN! it was (at the most) the adventure-packed vacation i've had. thanks to this 5 people; ALOI, CHASHA, JASMINE, JAI and BITS (for booking the accomodations & moral suuport. haha!) game!

B is for..

BADTRIP: o-ha! badtrip agad simula pa lang? hahabol lang kasi ako sa kanila kaya nakahiwalay ako ng flight. my flight is 6:45pm, and i have to be at the airpot at least 45 mins. before the time of departure. my plan was all set, i'll leave the office at 5pm, then sakto lang yung pagdating ko sa airport and pag check-in para maging on-time sa flight. eh kaso, antagal dumating nung "reliever" ko, kaya ayun! 5:50pm na ko naka-alis ng office. tapos ang hirap kumuha ng taxi, so another waste of time nanaman. tapos yung nakuha kong taxi, ang bagal pa mag-drive, as in! to cut the long story short, i arrived at the airport 6:10pm na. buti nalang pwede pa mag-check in. so ayus! :D pero hindi pa jan natapos ang badtrip ko, dahil nung nag-check in ako, 15 mins. till boarding na lang, i wasn't able to change clothes since napa-check in ko na yung bag ko. so nagboard kami wearing my office attire plus tribu sandals. (JOLOGS!) i left my shoes at the office para less baggage. basta ayun. plus, ang malas ko sa mga seatmates ko sa plane kasi puro koreans. super ingay, at super "bad breath". as in! kimchi talaga! haha. (hindi ako mayabang. totoo lang!) kaya hanggang arrival, naka-busangot ako. upon arriving, i got my bag and change to a more comfortable outfit, syempre para feel good na ko. paglabas ko ng CR, hala! sarado na ang airport. as in! lights off. mga security guard na lang ang natira, last flight na pala kasi yung samin nun. so para akong naglayas, nakatambay sa labas ng airport, with my two bags, katabi ng nag-jowa-na-naglalandian-sa-bench, at mga security guards. past 9pm na nila ko nasundo sa airport, with their "service" :D

BRACES MANIA: night before ng flight, i went to my dentist for my schedule ng pagkabit ng braces. syempre, alam ko na mejo masakit sya at first, pero ito na lang kasi yung free time ko para magpunta dun kaya go na. ayun, pagdating sa bacolod, hindi ako makakain ng matino kasi masakit eh. :( pero dahil chicken inasal sya, tiniis ko, para lang makakain! :p buong trip kong dilemma to, pero syempre wala akong ibang magagawa kung hindi magtiis. :)

BAILEY'S MOCHA FRAPPE: oo na, taksil na kung taksil ako sa Starbucks! pero, this is a must-try if ever you'll be going to bacolod. Cafe Bob's Baileys Mocha Frappe. super sarap, as in! :D real Baileys yung nilalagay, at ramdam mo naman in fairness. (hindi tulad ng iba!) at it's cheaper compared sa other coffee shops, mas mura na, mas masarap pa! naks! :D

BUS RIDES from BAYAN to BAYAN: Bacolod is just the city, pero hindi lahat nandun. i mean, yung ibang tourist spots / resorts / beaches ay you have o travel pa "sa kabilang bayan". hindi biro ang mga distances ng mga tao, talagang kakapal ang mukha mo at titigas buhok mo sa alikabok sa byahe. (promise!) pero, in fairness, masaya naman. kasi at least we get to see the places and to get to know the way of living ng mga "Bacolodnon". :D (at mas matipid ang mag-commute by bus/tricycle kesamagrent ng taxi.)



BAT-WATCHING / BUTT-WATCHING: isa sa mga attraction sites ng Mambukal is yung "Bat Watching Site" nila, as in super daming bats. nakakatakot na kung iisipin. (kasi nangangain sila ng buhok, diba cha?) anyway, dahil kulang na sa oras, we have to hit two birds with one stone. translation: habang nagsiswimming kami ay dun narin namin pinanood ang mga paniki. nakalubog sa pool, habang nakatingin sa taas. hehe. at dahil jan, hindi narin namin naiwasan ang tumingin sa paligid ng pool, at makita at mga bakat na _____ ng mga tao. bata, matanda, babae, lalaki, lahat na pinansin namin. hahaha! :D wala lang, na-share ko lang naman.



BOILING POINT: after namin dun sa adult swimming pool, transfer naman kami sa Hot Spring. syempre, what do you expect diba? SORANG INIT! muntik ko na hindi kayanin! pero dahil na-pressure ako (silang apat nasa gitna, ako nasa gilid lang naka-upo.) kinaya ko ang init. hehehe. :) at after nun, pag-ahon, ayun! para kaming mga hamon dahil sa pula ng balat namin. pero at least, one point for the experience. :)




BAKLA / BADING: dumadami na talaga sila. kahit sa bacolod meron. pero in fairness, ang babait din naman nila "ate". maasikaso lalo na sa pagkain. :) at konting chicka lang, may discount na agad. kaya sulit ang kain namin sa Mambukal dahil kila "ate". :) SALAMAT! :D

BODY MASSAGE, BARAHA, the BAR = BONDING: habang nagpapamassage ang dalawang girls, nagchichikahan lang kaming tatlo at naisipan bumili ng the bar. after ng session nila, dun na nagsimula. LET'S PLAY PUSOY DOS! the consequence: ang maalo, isang shot ng the bar. (si jas malakas sa trash talk talo naman lagi. haha!) nung mejo inantok, binago ang laro. pampagising naman. LET'S PLAY HEART ATTACK! and again, si jas nanaman laging talo. (partida nandadaya na yan ha?) at nung naubos na ang energy ng lahat, nagkayayaan nang matulog. end of day 2.


BUNDOK NG KINLAON: let's start day 3 this way; after breakfast, derecho na agad sa "Trek to the 7 Waterfalls" (ang main attraction ng Mambukal) as usual, more bats, and other insects too. at hindi biro ang trek na to, matataas ang bato, (may fear po ako sa heights. bow!) pero buti mabait naman ang tourguide (KUYA BIBOY na kamukha daw ni TJ! yikeee!) almost 10-15mins din before marating ang unang waterfalls. masaya. maganda. isa lang nasabi ko "may ganito pa pala sa Pilipinas?". sulit ang paglalakad, pero una pa lang yun. habang pataas ng pataas ang akyat, pataas ng pataas din yung waterfalls. kaya lang, hindi namin dinaanan ang 4h & 5th waterfalls dahil nasira daw yung railings so delikado puntahan. sa 6th waterfall, dun na kami nagswimming ng bongga. ang saya nung isang "fall" (isa lang sya eh!) kasi ang sarap gawing water massage, libre pa! :) habang andun, kumain din kami ng indian mango. hindi biro ang mga mangga dun. sobrang sarap! at mura pa. :) walang wala yung nandito sa manila! :) at hindi sila gumagamit ng bagoong. HIGHLIGHT ng TREK: jasmine grooving to the tune of "I saw the Sign" by Ace of Base (na galing lang sa cellphone ni Kuya Biboy na kamukha ni TJ!)

BUS RIDE + BOAT RIDE = BEACH! : after trek, we're off to our 3rd destination, Lakawon Beach Resort. kung titignan nyo sa Philippine Map, ang island na to ay nakahiwalay na sa Negros Occidental / Negros Oriental. isa syang maliit na island sa North. Walang kuryente mula umaga till 5pm. at wala masyadong activities. it's just you and the beach. (wala rin guests at that time kaya solong-solo namin ang buong resort.) ang pinaka-nagustuhan ko dito ang kung gaano kasimple yung pamumuhay nila. nakakinggit minsan. tapos mababait ang mga tao. :) pati yung staff, kahit may mga sablay, mapapalampas mo naman dahil mababait sila at accomodating. :)



BANTAY: sa island din ng Lakawon ay madaming aso. as in "herd" (sabi nga ni aloi). pero may isang "special" dog na pagdating pa lang ng island sumalubong na samin. at kahit naapakan ko sya sa initial na pagkikita namin, sinusundan nya parin kami. :) sa swimming kasama sya, sa pagkain, sa labas ng cottage andun sya, pati nung nagpunta kami ng "village" sinamahan nya kami, at nung natutulog na kami, nandun sya natulog sa gilid ng pinto. kaya we called him "Bantay". :) at itong si bantay, type na type si chasha, kahit ipagtabuyan nya na, dumidikit parin. hehehe. hanggang pauwi na kami pagsakay ng boat, andun parin si Bantay. haaay. kung pwede ko lang sya iuwi. :(


sobrang sulit ang bawat ginastos sa Bacolod Trip na ito. :) walang pagsisisi. sana next time makasama ka na (Bits & TJ) at kung sino man ang gusto. till the next adventure! marami pa tayong iinuming the Bar, at tatalunin pa natin si Jasmine! I LOVE SUGAR! bow! :)

No comments:

Post a Comment