27 November 2007

Bored. Nahihilo. Ayy! Lumilindol!

kung may isang subject akong hindi ko talaga masikmura, yun na siguro yung finance/investment. it's not that hindi ako interested sa subject, maybe sa prof siguro, or sa manner ng teaching. kasi pag hindi ganun ka-kwela or ka-terror yung prof, hindi ako ginaganahan. and ayoko ng nagbabasa lang ng powerpoint! (kung kami ngang students ayaw nila ng ganun sa reporting, sila pa kaya sa pagtuturo. hmpf! practice what you preach!) so weniwey, hindi tungkol jan yung blog ko. tapos, syempre pag boring yung class parang ang haba-haba ng oras. as in parang ambagal ng 1 and a half hour. so sa kalagitnaan ng pagtuturo nya, nakaramdam ako ng gutom, as in craving for something sweet para ma-hyper ako at hindi antukin. kaya lang walang may dalang food. so tiis muna. then maya-maya, biglang lumindol. nung una parang alog lang. kala ko hilo lang ako, kasi mejo harap ako, so yung ilaw ng projector kitang-kita ko. so ayun. pero nung nakita na namin ng seatmate ko na pati yung podium at lalagyan ng projector ay umaalog narin, ayun nagpanic na buong room. eto namang napakagaling na si son nakakapraning pa. the whole time na lumilindol ngumangawngaw. "eeeehh.. lumilindol.. eeeehh.." hehehe! (peace tayo son!) tapos ako naman napakapit bigla sa seatmate ko, yumuko, at nagpray. (yun kasi sabi ni mama sakin eh, pag lumilindol daw magpray agad!)

ang here's how my prayer went..

"Lord wag naman ganyan.. maghehele nalang kayo ang lakas pa.. please please let it stop.. PLEEEEASE!! :s"

siguro mga 40 seconds din nag last yung lindol. kabado kami kasi yung building namin is one of the oldest buildings in UST, so may chance na gumiba. (wag naman!) tapos naparanoid pa ko nung sinabi ni marb na baka daw coreshock/foreshock (di ko sure yung term) lang yun at may kasunod pa na mas malakas.

ang funny part is after ng lindol, aba naman! continue sa lecture tong prof namin. siguro may mga 2 mins. din bago i-announce sa PA na we must evacuate the building.

"to all students.. please go outside the building immediately.. to all students.. please go outside the building immediately.."

sabay tawa naman kami. "ser pano kayo? students lang pinapalabas eh.." hahaha. bleh! :)

and that's how the day went. huhuhu. pinakalma lang kami sa labas ng building, afterwards pinapasok na kami uli. cool diba? :)

No comments:

Post a Comment