23 August 2004

Things Come When You Least Expect It.

if the past days weren't that happy for me.. well then guess what?? I'm happy as a crazy dog can be.. ::buang na aso:: siguro nga tama ung sinasabi ng madla na "things come when you least expect it".. and as for me it did.. it came in the unexpected hour of the day.. in the unexpected place.. unexpected talaga as in.. di ko nga rin ineexpect na ganito ka-unexpected ang mga happenings eh.. siguro dama nyo na kung gaano ka unexpected noh?? nyahahaha..

monday na naman.. back to school.. balik nanaman sa pagiging masisipag na students.. at syempre eto nanaman ang mga kagaguhan ng 1EMID.. wala na yatang pinipiling lugar eh.. kahit saan na eh.. pag may joke.. kahit corny sige tawa lang.. joke nga eh.. gusto niyo ng sample?? sige na para malaman niyo na corny talaga..

ano tawag sa kabayong nasa stick?? (CAROUSEL!!)
ano sabi ng isang isda sa isa pang isda?? (ISDA YOU?? "is that you??")
ano naman sabi ng isang baka sa isa pang baka?? (COW BA YAN?? "ikaw ba yan??")
eh ano naman sabi ng truck sa bakang tumatawid?? (BEFF!! BEEF!!)

hay naku sample palang yan!! tignan niyo naman ang rating ng ka-cornyhan.. UNO!! nyahaha.. kung ganyan ba naman ang dadatnan mo araw-araw,, aba!! Siguradong gaganahan ka.. hindi makinig sa joke,, kung hindi para malaman kung sino talaga ang pinaka corny sa lahat at sabay-sabay niyo syang pagtatawanan.. nyahahaha..

unang pangyayari palang yan sa monday morning ko,, ano pa bang ibang pwedeng alalahanin?? ah oo.. ang walang tigil na pagtatanong sakin ni jason ng "asan si raefel??" sabi ko "ewan ko!! hindi ko alam.." sabi naman ng gago "bat di mo alam ha??" ::pakshet:: pero KIBER lang talaga.. wala na yun.. naalala ko lang dahil super kulit ni jason eh..maaga rin pala kami na-dismiss kanina dahil wala prof. namen sa LOGIC (my fave subject!!) ang ginawa ko?? uwi agad.. bakit kamo?? kasi kailangan ko pang tapusin ang project ko na 5,000 adverbs.. ::bwiset:: pero kung hindi ako umuwi ng maaga.. hindi sana nangyari ang kanina ko pang binabanggit na hindi ko ineexpect..

kasi ganito yun.. si "SHORTY" (anonymous muna name niya..shy pa ko eh..) nag-text sakin,, sabi niya nakita niya daw me pasakay ng jeep,, eh medyo matagal narin kaming di nagkikita nun kay sabi ko sa kanya.. "bat di mo ko tinawag?? eh di sana nagkita tayo diba??" basta yun.. tapos text-text,, kamustahan,, and everything.. tapos hanggang sa nagkaaminan na.. sabi niya "alam mo I really like you pero natatakot me ligawan ka kasi baka masaktan kita,, ngayon,, kung sakaling magiging tayo ayoko mangyari yun.." syempre KILIG naman ako.. alam niyo naman ako eh.. tapos ayun tanong niya kung pwede manligaw.. kheme kheme.. eh di si ako payag,, pero sabi ko sa kanya mahihirapan siya.. sabi niya okei lang.. eh DUH?? May nahihirapan bang manligaw sakin?? Wala naman yata eh.. nyahahaha.. ah basta.. kayak o naman nasabing super UNEXPECTED siya kasi biruin mo 11 na ng gabi magkatext pa kami.. (hindi coomon na oras para makipagharutan..hehehe..) tapos nasa bahay lang ako (so not romantic!!) at syempre yung tao mismo yung unexpected.. si "SHORTY".. ay naku kung alam niyo lang dati tinatabla lang ako nito eh.. tapos ngayon pa-tweetums na.. lagot toh sakin.. hehehehe..

so that's it,, sige oo na corny kung corny ang entry ko ngayon dahil puro love,, but anyway,, malay niyo Makita ni ate charo toh at ma-feature pa sa MMK.. oh diba?? astheeg!! oh sige na talaga.. gaya ng lagi kong sinasabi.. BAHBHER!!

No comments:

Post a Comment