22 February 2008

AYOKO NA!

sigaw ni melai? AYOKO NA! sawang-sawa na ko sa paulit-ulit na mga pangyayaring hindi naman nagagawan ng solusyon. naiinis ako dahil lagi nalang.. LAGI NALANG.. ako lagi ang masama! kelan ba ko naging mabait sa paningin ng tao? kelan ba naging tama mga opinyon ko? kelan pa naging DAPAT yung mga ginagawa ko? sawang-sawa na ko magpaliwanag dahil walang nakakaintindi, walang umiintindi, at ayaw intindihin. akala ko ok na lahat. yun pala iba talaga umatake ang mga BACKSTABBERS! ;c

oo na talo na ko. panalo ka na. hindi ko kayang maging player sa laro mong "backstabban"! hindi ko rin kaya maging sunod-sunuran sa mga gusto nyo mangyari dahil may sarili akong pag-iisip at hindi ako robot na susunod lang sa inyo ng walang angal! masaya ka na bang natalo mo ko? ANG BABAW MO! pero hindi kita hate. i'm not even mad at you. mga tao na rin ang bahalang humusga sayo tulad ng panghuhusga mo sa kanila. sana maging masaya ka sa ganyang ugali mo, kasi maraming tao ang hindi.

akala ko ito na ang pinakamasayang sem sa buong taon ko sa UST dahil syempre last na to eh. BUT I WAS SOOOO WRONG! i never thought this would be the sem that i will really hate and regret! AYOKO NA! di bale isang linggo ko nalang titiisin ang lahat ng to and then i'm done! wala na kayong lahat sa buhay ko at lahat ng mga nangyari ngayong sem iiwan ko nalang sa UST! that's it!

i really wish that "cheermania" was a subject. dahil sa commerce cheering squad, iba-iba man kami ng ugali, galaw, skills, and abilities. it never really became a conflict. dahil pagdating sa dancefloor, we really bring it! at lahat ng issues nabubura. at ang backstabban ay ginagawa harap-harapan! at least diba you really know who your friends are and alam mo kanino ka dapat kumampi at kung sino lang ang mga mapagkakatiwalaan mo.

grabe. hindi ko akalaing iiyak ulit ako habang nagboblog. partida nasa computer shop pa ko. akala ko huling pag-iyak ko na sa blog yung kay aloi dati. mali pala. iba rin pala masaktan ang mga taong akala mo malakas. haaay.

"sorry melai.. hayaan mo malapit na nag bagong buhay naten.. tahan ka na.. dito na ko" -pochay

06 February 2008

JOBS '08 [UST Job Fair 2008]

this is it! the job fair. or should i call it "trick or treat"? hehehe. eh pano ba naman kasi, sa dami ng booths na nandun malolorka ka talaga saan ka ba magpapass ng resume, plus anjan pa ang labanan ng mga "freebies". syempre usong-uso na jan ang ballpens, memo pads, at kung anu-ano pa. nakakatawa nga kasi kung saan nalang may COOL na freebie dun kami! as in! hehehe.

my total freebies:

*14 ballpens
*2 memo pads
*1 post -it
*1 non-wooven bag
*1 bag tag
*1 book mark
*at isang katutak na candies! :)

pero infairness may mga sineryoso naman akong applyan at may 4 scheduled exams na ko agad. hehehe. but, yeah, mostly sa banks sya. security bank, bank of commerce, IBM, pati CITIgroup. ah basta yun! sabi nga ni chasha eh i-treat ko nalang daw yun as my practice! hehehe.

ah basta! sa AIG BPSI or ACCENTURE pwede na ko. :)

babalik pa ko tomorrow for chinabank and starbucks eh. :) kaya print galore nanaman ng resume. haaaay! :s baon ko napupunta na sa printing. kumikitang kabuhayan na ang photoprints samin ah! :)

one more thing! FABULOSA na sana ang mga suot namin kung hindi lang JAAAAABAAAARR! as in! yung blouse ko pa is the satin type so mega bakat talaga sya! but infairness naka OLIVE GREEN ako kaya hindi masyado halata! takte kalalabas ko pa lang ng bahay pawis na ko agad eh! pero I STILL LOOK GOOD! we all look good and proper. :) sayang i can't upload the pics pa. maybe tomorrow or some other day nalang. :) busy mode na eh! :)

till here. :)

*p.s. i'm starting to enjoy my iPOD na, lalo na sa commute! (tama ka ate joj!)

31 January 2008

Happy POCHAY! ♥

happy pochay! :) kahit na "tonelada" na ang nakahaing sa aking FEBRUARY (but my valentines' day is still FREE!) wala aprin akong nararamdamang katoxican. bat kaya? dahil siguro may hang-over pa ko ng cheermania. plus the fact na may mga "segway" pang party-party.and masyado yatang pre-occupied ung utak ko lately sa mga business ko (pati monkey business sama nyo na jan!) but seriously, pochay is happy... VERY HAPPY! :)

i had the CHANCE to watch tv (oo, lagi na ko walang time manood ng TV!) and torelax, then nakita ko yung video ng "baby love" by nicole scherzinger and i simply adored it. ok "adore" would be an underestimation. i LOOOOVE it! i'd drool to make a video like that. (go hiphop abs!) hehehe. :) minus nalang the topless-na-sya part of the video. hahaha! but seriously, ang ganda ganda nya pati ang sexy! ANG HOT! kaya galit ako sa kitty girls eh. nyahaha.

anu pa ba? ayun movies naman. oh diba kahit busy na eh i had the time also to watch movies like 27 dresses and saw IV. actually mejo dissapointing yung 27 dresses coz it is VERY MUCH LIKE "got to believe" ni claudine and rico! (hoy! hindi purket patay na si rico yan eh makakalimutan ko na yun!) nyahaha. i can't forget that movie, bawat setting, bawat dialogue, hindi hindi! eh kasi naman nung almost 1 month akong na-exile sa batangas (family matters) walang TV, walang matinong radio station, at VCD pa ang uso nun. yun lagi pinapanood ng mga pinsan ko dahil kakamatay lang ni rico yan nun. ah basta, long story short ginaya ng hollywood ang got to belive. bleh! pero ok si kathering heigl! ok sya umarte, ibang ibang sa character nya sa grey's anatomy. :) tapos yung saw IV naman, as aalways, its cool! i mean, basta masaya kasi dun yugn twists ng bawat character sa "game" ni jigsaw. yoko na magkwento pa kasi baka ma-spoil yung di pa nakakanood. *(hi aloi!)

at dahil happy ako titigilan ko na toh ngayon na. xoxo. :)

*p.s. nakita ko si LOUIS ANDREW DALINDIN DADO sa underpass sa kahabaan ng ayala! I MISS YOU COUSIN! :)

25 January 2008

January 25th. ♥

isang masayang, exciting, kakapraning, kaka-tense na araw para sa commerce cheering squad. yep yep yep. this is the day! this is it! laban na kung laban. let it be UNLEASHED!! :) actually the night before nagwhiwhine nanaman ako kay mama about sa fact na kinakabahan ako dahil NEVER pa kami natalo sa kamay ni kuya ajjie. as in never! pero sabi nga ni mama, may talo may panalo. so go! kahit napuyat ako kakaisip ayos lang. i think it was all worth it!

tapos ayun na, morning came. wala akong kaba na naramdaman. pero takot na may ma-injure lang ang concern ko. aba! sa dami ng flyers ngayon for sure malaki chances may magkamali. pero magaling kami eh kaya walang nalaglag! nyahaha. :) GO COMMERCE!
dapat nga maiiyak ako dahil syempre last dance na naming mga seniors toh sa tanan ng buhay namin eh, pero dahil kailangan strong, ayan hindi ako umiyak. tamang enjoy lang. pinapatahan ko nga yung mga umiiyak para hindi na ko madala eh. hehehe. (wow! super ate na ko ah?)



bago i-announce yung winner may isa pang bumulaga samin, si DINGDONG DANTES!! hay nakuu! jologs na kung jologs pero hindi ko na-resist ang ganda ng kanyang katawan at alindog ng kanyang mata kaya ayun, mega picture ako. at nung inannounce na champion kami, hindi ako sa trophy tumakbo kundi kay dingdong, mega yakap ever ako! nyehehe. :) sabay lapit ang mga bouncer. "NO! NO!" eh di noh! lumapit na ko sa group at sa trophy! nyehehe.

after that, late lunch ako with my ates, kuya -tooot-, and my YA supporters! hehehe. :) NILIBRE AKO NI ATE LES! tama! tama yang nababasa nyo! first time yan mga peepz! :) after that punta kami GH ni aloyie, nilibre naman nya ko shoes, "champion treat" daw! hehehe. :) lovely!

at jan nagtatapos ang aking memorable na JANUARY 25th!

CCS kita-kits sa victory party ha? :)

16 January 2008

The Way Things Should Be.

halluu world! blog time nanaman. wala pa masyado sa mood ung utak ko for feasib kaya eto chillax muna before toxicity strikes. so how are things? nice.. very nice! :) i can very well say that things are going out smoothly as possible. hhhmm. although may mga onting problems, manageable naman. i think 2008 will be my best year ever. i just feel it. :)

school's getting better these days. our feasib is so-so, hindi masyado toxic, hindi rin masyadong perfect for us to be lenient. my friends are the best. my blockmates rock! (hi 4ba6!) the squad's doing good. kahit na nakakangrag na dahil 1 week till competition nalang. my grades... hhmm.. its ok naman. sakto lang. hinid pasang awa, hindi rin naman ganun kataas. our class corpo will soon be operating again. and i'm loving every moment @ UST! :) i'll miss it badly when i graduate. :,(

with my family naman, i think were doing good. my sisters are getting soooo mushy these days. si ate les madalas ko katext because of our swimsuit business. ate kat naman gave me yung flavored apple (yung apple na may chenes na caramel, chocolate, and mallows na covering). and my mom? she's the best. i loooove talking to her lately. hindi nya ko pinapagalitan, pinagsasabihan lang ng malumanay. tapos nagkukwentuhan kami ng sandali over breakfast tapos minsan before we sleep. tapos basta pati mga kilig factor nakukwento ko na kay mama. :) i think i'm closer to my family now compared before. kasi alam ko dati pariwara ako eh. i hate family dinners (talagang ngumangawngaw ako dahil gusto ko na umuwi.) tapos ayokong sila yung kasama ko pag movies, malling, or any other fun stuffs na dapat barkada kasama. pero ngayon mas ok na. gusto ko nga si mama nalang lagi kasama sa movie dates eh. (para libre! nyahaha.) tapos mas naaappreciate ko na time ko with my ates kasi alam kong hindi na kami lagi nagkikita at nag-uusap. hehehe. for sure pag nabasa nila to sasabihin nila na mushy ako. at ikikiss ako ni ate kat ng matagal. eeeeeeww! :)

i almost forget about my dad. ok sya. wala kaming away lately. haaay! the goodness that computer games bring! :) keeps the sanity of my dad! nyahaha. *peace*

TUSK is doing good. kahit pano may mga orders parin kami. nakakatuwa kasi as what ate jojie said "hindi yung product yung binabayaran samin, rather yung bonding moments namin!" hehehe. very true indeed! we very much enjoy what we do. kung di pa nagkaroon ng business di pa namin maiisipan mag-sleepovers eh. hehehehe. :) buti nga di pa kami nagkakasawaan eh. hahaha. love you tuskies. pag napurga na tao sa bags and pouches chaka naten ilabas ang bagong addition sa line naten ha? GO TUSKIES!! GO TUSK!! :) sad lang dahil mawawala na si bitch.. i mean si bits.. :,( baka humina marketing skills naten..

and as for myself? hhhmm. mejo mahirap! i mean, oo masaya ako. pero when i look on the other side alam kong may "pain" hidden in there somewhere, siguro hindi ko nalang pinapansin in order not to miss out on the happy things. :) basta for now all i wanna do is...

1.) to graduate..

2.) to please my MOM..

3.) to deepen my friendships..

4.) and to go to BORACAY or PUERTO GALERA or any other beach! :)

summer's almost here! yey! :) time to look oh-so-sexy! :) get ready with your swimwears! :)

till here.. :) mwaaaah! :)