24 May 2010

Toxicity At Its Finest.

nakalimutan ko na yung feeling ng ma-toxic, but not until today.

monday. start of a "rock and rolling" week. I WAS LATE! [to think that i got up soo early, tsk!] and yung bus pa na nasakyan ko, wala yatang tulog ang conductor kaya toxic din. pagsakay ko, ni hindi pa ko nakakaupo ng maayos ay pinapagbayad na agad ako ng pamasahe. at sa may likod na ko pinaupo dahil wala nang seats sa bandang harap. tae talaga! kaya pati yung pagbaba ko major struggle din. super dami nung pasahero na nakatayo, at ayaw pa pumunta sa may bandang likod or gitna manlang para mas madali makababa. peste! ang aga aga ang lagkit na agad ng feeling ko sa pakikipagsiksikan sa mga pasahero. haaay pilipinas!

early morning. wala pa masyadong clients/callers. pero lutang na agad isip ko dahil i need to set a dance practice, since hindi pwedeng gabi yung mga kids, i have to set it a an earlier time and have appointed another person to supervise while i'm not around. luckily, pinadali nya buhay ko and my trust is in him naman. [salamat baby josh! training mo na yan!]

mid-day. gutom na ko dahil i forgot to have my breakfast because lutang nga ako. annoying callers start bugging me. napaka-petty ng mga inquiries nila kala mo kung makapag-react eh katapusan na ng mundo nila. and sometimes they wouldn't take no for an answer! [if i had been crazy enough, i would have posted the names of those companies, nakakainis!] and a lot of them doesn't how to be professional when it comes to telephone conversations and doesn't have courtesy. nakakairita! tapos pag sila yung nabibingi ok lang, pero pag ikaw ang nagkamali ng dinig akala mo nakapatay ka nang tao! bwiset! feeling perfect!

lunchtime. i just had my lunch, and burried myself to sleep.

after lunch. non-stop calls from 1:30-3:00Pm. seriously! halos ibato ko na yung handset [oo! naka-handset lang dito! wala man lang automatic na earpiece or whatever!] sa pikon dahil yug ibang callers makukulit, kala mo tatlong beses pinanganak. kung ikaw client at nag-fo-follow up ka ng mga assesments mo, how many times within the day mo kailangan tumawag? 4 ba? 5? o 6? potek! nakakaloka na talaga! hindi mo alam kung sinasadya or sadyang nakakalimutan nya lang yung mga matters na kailangan nya itanong. eto pa, when you asked them to call back after 10 mins, aba! wala pang 5 minuto tumawag na ulit, at magrereklamong bakit laging busy. pooooteeeek! abnormal ka ba ma'am? nakakainis ka na ha!

afternoon. hindi parin natapos ang mga annoying callers. drained na drained na ko. kung nakakapagsalita lang yung handset, pinagmumumura na nya ko sa sakit. haaaay. sorry telephone. :(

tell me, did i really got up on the wrong side of the bed that's why i'm having a "terrific" day?

pampakalma song:

"Tonight I’ve fallen and I can’t get up
I need your loving hands to come and pick me up
And every night I miss you
I can just look up
And know the stars are
Holding you, holding you, holding you
Tonight.."

21 May 2010

The Last Song. ♥

Love is fragile and we're not always its best caretakers.
Even the best of us make mistakes; we just muddle through
and do the best we can to hope this fragile thing
will survive by all odds.

Absent-Minded.

i am in a place, but my mind is somewhere else.



sa tagalog, lutang.



ganito pala feeling nang ganun, nakakasabaw.

20 May 2010

Sunshine. ♥

heelllooo woooorrrlld! :)

i don't know why i'm this happy, i just am.

pero i have hunches why i'm happy:

1.) hindi ako late, on-the-dot, 8:00 AM. wuhoo!

2.) hindi ako in-a-rush kanina magprepare for work kasi i woke up early.

3.) hindi ko alam bakit may "random song syndrome" ako ngayon, but it made me feel light.

4.) hindi ako apektado sa katoxican ng pagprepare sa retreat dahil i did my part, that's it. kung may magkukulang, wala na sakin yun. haha!

5.) basta. (^_____^)

mababaw lang 'to pero ewan, kaya nga mas natutuwa ako dahil masaya.. oopps, maligaya pala, dahil maligaya ang umaga ko. [kabaliktaran ng nagdaang araw] parang nakangiti sakin si haring araw kahit mainit sya. [nagrecharge lang ako ng konti, baka sakaling kailangan maging ninja eh.] ayun. sana magtuloy-tuloy ang GOOD VIBES at hindi ako ma-peste at the end of the day. [kinakabahan ako]

anyway..

naisip ko lang. "the world would be nice if you/we would be nicer." [saang movie ko nakuha to? di ko matandaan.] partly true, dahil, oo nga naman. bakit mo hahayaang malublob ka sa sarili mong sabaw kung pwede ka naman umahon at magpatuyo diba? same thing as bakit mo iisipin ang mga bagay na makakapagpalungkot, or makakasira ng araw mo kung pwede ka naman magisip ng masasayang bagay. "think happy thoughts." [baka sakaling lumipad ka tulad ni peter pan.] dapat ang pagiging emo, minsanan lang. hehehe. pero bakit nga ba partly true lang? dahil sa kabilang dako, kahit gaano mo iisantabi ang mga nakakalungkot na bagay, hahabulin ka nito na parang multo. sooner or later you have to face it. at meron ding mga bagay na kahit takasan mo eh kusang bumabalik sayo. [parang pagmamahal ko sayo. aaaaw!] nakasalalay nalang kung paano mo ito tatanggapin, nang may ngiti o nang may luha? ewan.

bakit nga ba ako may "random-song-syndrome"? ewan. hindi ko rin alam kailan ko huling narinig ang kantang to. basta, one word to describe it. nostalgic! ♥ everytime naririnig ko to naiisip ko matinding sinag ng araw, holding hands while walking in the park, [oo! park talaga! wag ka kontra!] super in-love [kelan nga ba ako tumodo ng in-love? ewan. ibang blog dapat yun! haha!], madaming flowers, kumakain ng ice cream, at mag-bi-bike papuntang beach. [na naka-angkas ang babae.] haaaay. sarap imaginin. ♥ [tama ba spelling ko?] sa totoong buhay naman, pag naririnig ko ang kantang to naaalala ko ang highschool days ko. [specifically second year highschool.] tipong wala masyadong pinoproblema kundi bagong uniform, pimples, load sa cellphone, at N things to do pag summer. parang napaka "happy-go-lucky" ko lang nun. wala pa masyadong magagawa sa internet nun, counter strike lang ang libangan sa computer nun. marami-rami din ang mga "summer flings" ko nun. [at literal na hanggang summer lang sila. di man lang umabot ng start ng classes.] hilig ko lang nun ay mag-bike, mag-swimming, mag-CS, [kasama mga adik kong kalaro sa PC shop. opo! tambay ako dati sa PC shop. haha!] matulog, at magpacute kahit boyish! hahaha. :))

napapangiti nanaman ako ngayon dahil naaalala ko lahat. (^_____^)

hindi ko alam paano tapusin tong entry na to. ganito nalang [may iba pa bang paraan.] sana ma-enjoy ninyo yung kantang to [next time audio na talaga popost ko.], at malay nyo makabuo din kayo ng mga alaala dahil dito. have a sunshine-y day! good vibes everyone! :)


SUNSHINE
by: Gabrielle


Made a wish, I can dream
I can be what I want to be
Not afraid to live life
And fulfill my fantasies

I learned a lot of tricks
To help me live my life
You helped me find my paradise
When you gave me the light

Sunshine through my window
That's what you are
My shining star
Sunshine
Making me feel like
I'm on top of the world
Telling me I'll go far

Reaching out, for new heights
You inspired me to try
Felt the magic inside
And I felt that I could fly

I'm looking at the world in an optimistic eye
You made me appreciate my life
'Cause when you came you were my

Sunshine through my window
That's what you are
My shining star
Sunshine
Making me feel
I'm on top of the world
Telling me I'll go far

You are the calm
I am the storm
You are the breeze that carries me on
When I said a truth
You wink at me
You're there for me

Sunshine
That's what you are
My shining star
Sunshine
Making me feel I'm on top of the world
Telling me that I'll go far
Sunshine through my window
That's what you are
My shining star

Making me feel I'm on top of the world
Telling me that I'll go far
Sunshine through my window
That's what you are
My shining star
Sunshine
Making me feel I'm on top of the world
Telling me that I'll go far
Sunshine
My star, my star

18 May 2010

Zambales is ♥ !! [PhotoBlog]


** Our Frustrated Group "JUMP" Shot. :)



** Melai & Bamba in Zambales ♥



** The Basics by: Jethro Dado [in Yellow] a.k.a SUPREMO



** Getting Ready for First Attempt.



** My Pacutie Patootie Shot.



** Hindi ko alam anu nanaman ang hinirit ko kay Cuz, basta nakakatawa! :))



** Usapang Ninja Moves at Bakla/Tibo Moment.