25 February 2006

If I Had One Wish.

para sayo toh.. c;

First one, I would create a heart changing love
Second one, I'll take yours and fill it all the way up
Third one, but I don't need a lot of wishes cause I'll be okay if I get one
If I had one wish, we would be best friends
Love would never end, it would just begin
If I had one wish, you would be my boo
Promise to love you, trust me I'll trust you
If I had one wish, we would run away
Making love all day, have us a baby
If I had one wish, I'd make you my whole life
And you'd be my wife*, make it right this time

*syempre HUSBAND hindi wife.. c;

21 February 2006

Bagong Blog, Bagong Buhay.

** haaaay! mukhang naliligaw ata ako. bakit ako andito sa blogspot? tae kasi blogdrive eh. nag-e-error na. actually si ate kat lang nagsabi sakin nun at nakita ko sya kanina na nag-babago ng blog. kaya eto, gaya-gaya puto maya! chaka tama lang din toh. "bagong blog.. bagong buhay.." ewan. mejo hirap pa ako i-let go yung lumang blog ko. pero no choice na. wala na sya. :(

29 January 2006

Updates..

kamusta naman sa pagba-blog? ilang linggo na nakalipas wala parin akong bagong post. kaya ito, pambawi sa mga nakaraang araw. dami nagyari sa mga nakalipas na araw. saya, lungkot, pagod, dissapoinments, bondings, at kung ano-ano pa. anu-ano mga toh? iisa-isahin ko.

nakakalungkot mawalan ng isang bagay o isang mahal sa buhay. *alam ko masyadong ma-drama pero totoo naman eh* during our prelim week, nagkataong maaga ang schedule ng exam, so 7am umalis nako sa hauz. di ko naman akalaing baliktad na pala ang mundo, sa umaga na lumalabas ang snatchers. ayun, nabiktima tuloy ako. na-snatch yung necklace ko na bigay pa nung mommy ko pati yung pendant ni ate kat. nakakainis lang kasi parang parte na yun nung katawan ko, kaya nung na-snatch sya, mga ilang minutes muna ang nakalipas bago mag-sink in sakin na nawala na yung necklace ko. nag-exam tuloy ako ng umiiyak dahil sa lintek na snatcher na yun. tapos kinabukasan nun, namatay naman si boom-boom *shih tzu namin* hindi muna pinasabi ni mama kasi daw baka di ako makapag-concentrate sa acoounting exam ko. sinabi na nla sakin nung nakauwi na ko. hindi ko na naabutan ang mga labi ni boom-boom, pero maiigi narin yun dahil baka hindi ko kayanin. mahal na mahal ko yung aso na yun, dito kasi ipinanganak yun, kaya mula pa nung mukha pa syang daga inaalagaan ko na yun. haaaay. nakakamiss lang dahil wala nang maingay sa bahay namin at nangaaway ng mga batang maiingay. oh well, sana lang asa heaven na sya with marley.

the past week was sooooooper tiring. andami-daming pinaggawa. kakatapos lang ng prelims pero nun ko lang naramdaman lahat ng pagod. syempre isa-isa ko na nakikita yung results nung mga exams, and most of them bagsak! nakaka-frustrate at the same time kasi todo aral ako tapos hindi pa pala enough yun para pumasa. "di bale may finals pa!" yan ang naging advise ng karamihan.

feeling ko rin LOST ako lately *pero mas lost si ben* kasi hindi parin ako makapag-decide kung anong dapat kong i-major sa third year. di ko na alam kung para sakin pa ba ang accounting eh. gusto ko naman sya, sya lang ata ang may ayaw sakin eh. nakakabad-trip nga eh. kasi yung mga incoming freshmen derecho accountancy na sila, unlike us na kailangan pa ng qualifyng exam para pumasa sa accounting major, at 500 students lang ang kukunin nila. nakakaasar!

mga masasayang bagay naman. mejo nararamdaman ko na ang "summer". kasi mejo napapadalas ang mga bonding ko with my church friends. lalo na sa college cyf. masaya kasi karamihan samin councilor na sa kid's camp *thank you ate kat!* pero SANA talaga wala akong summer class para makasama ako. haaaay! pero excited parin ako. pati yung retreat ng college. "career mode" kami ni chasha sa pagplan nun kasi sa kick-off may mawawala at madamng papasok. so dat talaga memorable ang college retreat this year.

ayan. mejo updated na kayo sa buhay ko. ito pa mga fast facts.

-may mp3 player na ko.
-wala na kong pera dahil sa mp3 player ko
-di pa fully paid ang nasabing mp3 player
-nasira ang 2 kong school shoes dahil sa baha sa dapitan
-andami ko nang napapanood na movies. hahahaha.
-excited ako sa camp
-sinisipag na uli ako mag-work
-nag-aaral na kong mabuti
-pinapansin ko nalagi mga dogs namin *mamaya kasi bigla nalang uli mawala isa sa kanila*

oh ayan. jan nalang muna. chaka na yung iba pag sinipag na uli ako mag-blog. byebye! c;

31 December 2005

Now The Angel Has Flown Away From Me.

ilang oras nalang 2006 na! at habang inaantay ang bagong taon; andito ako nag-aaliw ng sarili sa harap ng monitor. bagong taon na naman, parang ambilis naman ata, looking back at 2005, was it worth it? i mean nagmature ba ko over the year? (eeeeww.. parang bangko!)

for me 2005 na siguro ang isa sa mga taong di ko pwedeng makalimutan. why? because of this reasons:

1. finally, naka-get-over na ko kay raefel (ang hirap nun dod ah?)
2. natuto na ko maging independent kahit onti
3. mas close na kami ng mga "nakababata" kong kapatid
4. i'm a working student
5. na-renew yung faith ko kay LORD nung youth camp (most promising!)
6. naramdaman ko ang hirap at pasakit ng ACCOUNTING
7. mas astig ang block namin ngayon
8. mas dumami friends ko nung lumipat ako sa EMC
9. sumali ako sa youth choir (di na ko frustrated singer! yey!)
10. nakapag-assistant teacher ako ung VCS
11. mas naging sensitive ako towards other people
12. how could i possibly forget my 18th birthday?
13. at ngayon ko lang nalaman na kahit wala kang BF, madami paring magmamahal sayo

sa dumaang taon, madaming problema ang dumating. pero sa tulong ng mga tao sa paligid pati narin ni LORD, nakaya ko lahat yun! ginawa ang mga problemang yon para turuan akong mas maging matatag at responsable. i can definitely say na nag-mature ako kahit paano. from pochay na laging laman ng kalsada to a melai na super kikay at harot! ( sabi nga ni kuya shad: from a puppy to a lady!)

tuwing bagong taon, maraming tao ang gusto magbago. pero para saan ba? para bumuti o para sumama? pwede ka bang magbago para sa ikabubuti mo ng di ka napapasama? o mas magandang mapasama nalang dahil hindi naman mahirap gumawa ng kabutihan? (duh! angulo! sakit sa bangs!) mas simpleng terms nalang. regret or resolve? (uy! galing sa our daily journey yan!) basta ako? i'll keep my self this way; bahala na panahon humulma sakin para magbago. sana lang ngayong taon mas maging productive ako, kasi napansin ko hindi na pala biru-biro ang mga bagay-bagay sa paligid. tumatanda na ako at tumatakbo na ang oras naiiwan na ako ng panahon. joke lang!

baka kasi minsan ang isang bagay kapag hindi mo sineryoso, pag nawala na ito, chaka mo nalang maiisip ang kahalagahan nito sayo. (eeeeeww.. baduy! pero it's true!) sana ngayong 2006 matuto na ko mag-handle ng stress ance and for all. bwehehe. hay buhay!

oh pano. dito nalang muna? mejo inaantok ako eh, till here..

p.s.: para kay jop at aloy nga pala..

"rain outside my window pouring down.. (what now? you're gone.. my fault.. i'm sorry..) feeling like a fool cause i let you down.. (now it's too late to turn it around..) i'm sorry for the tears i made you cry.. i guess this time it really is goodbye.. you made it clear when you said.. I JUST DON'T LOVE YOU NO MORE.."

30 December 2005

Push The Button.

haaaay. kahit pagod na pagod na ko nakuha ko parin makapag-blog. syempre ganado eh! daming sarap i-kwento!

dec. 28-30 youth congress at angels' hills in tagaytay. i can say na nag-enjoy talaga ko dun. after all it was my first time to join it. super bonding with friends and bonding naren with new friends; and since EMC people ang kasama, mawawala ba ang laugh trip at kumagan? it was truly a memrable experience for me; i learned new songs (na tinuro ni chasha na galing kay kuya noel), maganda din ang setting (sarap ng weather sa tagaytay!), masasaya yung games! (pati group members ko astig! si rico ang nag-dala. hahaha.), tapos nakasali pa ko dun sa bible quiz (parang elementary na quiz bee. mas mahirap lang ang mga tanong.) and the best sa lahat ay na-link ako kay kuya aloy! hahaha! of all people kay kuya aloy pa, pwede namang kay kuya noel, para mukha kaming number 10! hahahaha! loko lang KN!

well anyways, may sablay din nung congress. disappointed ako kasi hindi kami nagkasabay maligo ni chasha! (azar!) wala tuloy akong taga-scrub ng likod! wehehehe. chaka of course... WATERWORKS! si pochay na iyakin umiyak nanaman dahil sa mga bagay-bagay; ewan kol nga eh, ang weird ng feeling dods! hindi tama yung naramdaman ko; pero dahil tao lang ako, nagpakatao na ko! OMG! nakakahiya pag nalaman nya toh! (alam kong hindi nyo ko ma-gets pero ang hirap mag-mention ng names kaya ang hirap magexplain!)

tama na nga yan! basta CONGRESS=FUN! ewan ko lang sa iba kung mag-aagree sila jan ah? sige dito nalang, di ko na kaya, my achy-breaky body is aching eh. bye mga dods!

p.s.: para nga pala kay chasha... "push the button to let me know!!"